"Sasakay poba tayo ng kalesa tiya feliz? tanong ko ng makalabas kami ng gate ng bahay
"Wala tayong ibang sasakyan bukod sa kalesa señorita alora." ngiti naman nito at sobra akong na e-excite dahil ma e-experience ko na ang kalesa dahil hindi na common yun ngayon
"Wow." lumabas sa bibig ko ng makasakay ng kalesa
"Nakakatuwa ang iyong reaksyon señorita alora para bang ngayon lang kayo naka sakay ng kalesa."
"Diba poba na wala po yung alaala ko tiya feliz kaya po wala po akong matandaan na nakasakay nako ng kalesa."
"Oo nga pala, ipagpaumanhin mo señorita alora, hindi lang ako sanay na makita kayong nakangiti."
"Simula po ngayon tiya masanay napo kayo saaken dahil alam ko pong masaya si alora ngayon dahil nagagawa niya na yung bagay na hindi niya ginagawa noon." pag ngiti ko
"Nakakatuwa na marinig yan sa iyo señorita alora."
Habang mabagal na umaandar ang kalesa hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi ma-amaze dahil sobrang unrealistic talaga ang nangyayare saken, nakatingin lang ako sa paligid na sobrang payapa walang mga usok at traffic walang nag aaway tahimik lang ang paligid na may masisipag na tao.
"Narito na tayo señorita alora" paghinto ng kalesa
"Nandito na poba tayo tiya feliz? takang tanong ko habang natatanaw ang malawak na lupain at palayan
"Tama kayo señorita alora narito napo tayo sa ating hacienda." dali dali naman akong bumaba ng kalesa at nakita ko si Don Alejandro na nakatayo at kausap ang isang lalaki
"Ama!" pagtawag ko dito hindi ko alam kong bakit ganon yung naging reaksyon ko ng makita ito para bang kusang gumalaw yung katawan ko at nilapitan ito
"Alora." saad naman nito ng makita ako
"Ama isinama po ako ni tiya feliz na pumunta dito sa hacienda."
"Nakakatuwa dahil sumama ka." saad nito
"Gusto kodin po na makapunta dito ama at gusto ko po kayong makita." ngiti ko ng sabihin iyon
"Nais mo bang libotin ang hacienda marahil hindi mo ito matandaan kaya mas mabuti na libotin mo ulit ito alora."
"Gusto ko po yan ama sang ayon po ako sainyong naisip"
"Halika at libotin natin ang hacienda na pagmamay-ari ng akeng yumaong na ama."
Namangha ako sa mga nakikita ko dahil sobrang makaluma talaga ang style ng bahay noon kumpara sa ngayon na more on gold and white na. yung mga gamit na hindi na nagagamit ngayon ay sobrang nakaka amaze.
Maraming mag sasaka ang nag aani sa palayan ngayon at sobrang masisipag kahit na tirik ang araw.
"Ito ang iyong madalas gawing tambayan noong ika'y paslit pa lamang alora." huminto kami sa isang kubo
"Dito po sa kubo na ito ako tumatambay? takang tanong ko
"Gusto mong mapag-isa ka kaya ipinagawa ko ito para sa iyo anak, dito ka madalas magbasa ng iyong paboritong aklat." Ng marinig ko iyon ay hindi ko alam kong bakit nakaramdam ako ng awa kay alora at gusto kong malaman kong bakit ganoon ang gusto niyang gawin
"Sobrang ganda nga po ng tanawin dito kaya po siguro nagustuhan ko ito." malungkot kong saad habang nakaupo sa kubo kong saan dito madalas tumambay si alora noong bata pa siya
"Naaalala ko tuloy noong ika'y paslit pa lamang, bumabalik saaken ang memorya na iyon dahil ngayon ka na lamang umupo dyaan."
"Don Alejandro may ipinabibigay po sainyo." isang lalaki ang dumating habang nag uusap kami ni Don Alejandro
"Kanino raw ito galing? tanong naman nito habang ako ay nananatiling naka upo
"Galing po ito sa angkan ng mga agustin." sagot nito at binasa naman na ni Don Alejandro ang sulat na binigay sakanya
"Nakalimutan ko bukas na nga pala ang kaarawan ni rafael." rinig kong saad ni Don Alejandro
"Ano po iyan ama? takang tanong ko at umalis naman na yung lalaking nag bigay ng sulat kay Don Alejandro
"Maghanda ka para bukas alora, dahil may isang mahalagang pag-diriwang tayong pupuntahan bukas." napatayo naman ako sa kinauupuan ko ng marinig ko yun
"Talaga po." tuwa kong saad dahil for sure may wine don at may party ilang araw nadin akong hindi nakakagimik kaya ganon nalang ang saya ko ngayon
"Ipahahanda ko ang iyong susuotin para bukas." saad nito
"Ah ama pwede poba na ako ang mamili ng susuotin ko para bukas." saad ko at nagbabakasali na pumayag ito
"Ikaw ang susuot kaya dapat lang na ikaw ang pumili alora." ang saya ko naman ng marinig yun
Hapon na ng makauwi kami ng bahay ni tiya feliz habang si Don Alejandro ay nasa hacienda parin dahil marami pang gagawin at dapat asikasohin.
"Tiya feliz ano po bang klaseng pag diriwang ang pupuntahan natin bukas?
"Ito ay kaarawan ng nag iisang anak ng mga agustin kaya napakahalaga nito para sa ating baryo."
"Sa ating baryo talaga tiya feliz? takang tanong ko
"Dahil ang mga agustin ay kilala sa ating baryo bilang may mabubuting puso." ng marinig ko iyon ay sapat naman yung dahilan para kilalanin sila sa baryo na ito
"Tiya feliz darating napo ba yung mag susukat saken para sa susuotin ko bukas? tanong ko
"Maya maya lang ay darating na iyon señorita alora." ngit naman nito
"Excited napo ako tiya feliz." saad ko
"e-excited? pag taka nito
"Ah ano po tiya feliz ang ibigsabihin po non ay... ano po sabik , tama po sabik napo ako na pumili ng susuotin ko." pagpapaliwanag ko
"Ngayon lang kita makita na sabik sa iyong susuotin señorita alora, dahil noon ay hindi mo ito pinaghahandaan at ang mananahi na lamang ang namimili ng iyong susuotin." nagulat naman ako ng marinig yun dahil sobrang different talaga kami ni alora
"Kaya po ngayon gusto ko po na ako na ang mamili ng akeng susuotin tiya feliz." ngiti kong saad
Ilang minuto lang ay dumating na ang mananahi na kanina pa namen hinihintay ni tiya feliz.
"Señorita alora may nagustuhan kanaba? tanong nito habang nahihirapan naman akong pumili sa mga pinakita nitong design na naka drawing lang
Pag tingin ko sa isang design ito ang pinaka nagustuhan ko nawala sa isip ko yung mga gown na gusto ko na lagi kong sinusuot tuwing may gimik o party dahil ngayon gusto kong maranasan na maging isang binibini.
"Ito po yung gusto ko." saad ko
"Parang may kakaiba sa iyo señorita alora." kinabahan ako ng sabihin iyon ng mananahi
"Ano po ang ibig niyong sabihin? takang tanong ko
"Mahusay ka mamili señorita alora." nakahinga naman ako ng maayos ng marinig iyon
"Maraming salamat po." pag ngiti ko rito
Nasa kwarto ako ngayon at nakahiga na para bang pagod na pagod.
"Ang daming nangyare saken sa araw nato, namasyal at pumunta sa hacienda."
"Bakit kaya mas pinipili ni alora na mag kulong sa kwarto niya at tumanaw nalang sa bintana? Takang tanong ko sa sarili
Isang umiilaw na bagay ang nakikita ko mula sa akeng kwarto.