Daniel Nabigla talaga ako sa ipinapakiusap sa akin ngayon ni Kathryn na sa kanyang kwarto nga raw pansamantala muna ako matutulog. Naiintindihan ko naman siya sa bagay na yun. Na takot ito kaya gusto nito na may kasama. Medyo na awa pa nga ako at nagalit na naman dito kay Tarsier dahil sa sinabi ni Kathryn na sa tuwing pipikit ito ay ang mukha ng pangit na yun ang kanyang nakikita. Nung una ay nakikiusap pa ito pero nung hindi nag tagal at nainis na sa akin ay nag sungit na siya. Hindi lang naman ako naka sagot sa kanya kaagad kanina ay nagalit na ito. Napa piksi pa nga ako ng bigla na lang nag bago ang tuno ng boses nito. kaya nga bigla akong napa oo dito eh. Hayst napaka impatient pa rin talaga nito. Sabagay ang ugali talaga nito ay pinaka ayaw nya sa lahat ay yung nag uulit siya

