CHAPTER 11- FATE

2994 Words
CHAPTER 11- FATE Tatlong araw na ang nakalipas at tila sariwa pa rin sa akin ang mga naganap sa loob ng litisan na iyon. I was left dubious to what had happened. I was frozenly staring to somewhere as my mind keeps on exploring in other universe. I am physically present on this stage of death yet I am mentally absent. Ngayon, nakatayo kami dito sa gitna ng arena habang pinapalibutan ng mga tao. Ito na ang araw na malalaman namin ang resulta ng paglilitis. Maaring ito na ang huling araw namin ni Giero. On the day of the judgment, the head royal had a great twist towards our fate. He'll reveal his vote at this day. The moment of truth will be divulged now prior to the upcoming 32nd RSK Festival. And, here we are, standing in front of the crowd, feeling frazzle yet no wounds. “Ladies and Gents of Zone 3! Let’s give respect to our beloved royals,” Maestro Khien announced. Tumayo ang lahat at nagbigay galang sa pagdating ng mga royals habang isa-isa silang umaakyat sa itaas ng stage. Dumeretso sa gitna ang head royal habang hindi mabasa ang kaniyang ekspresyon. “A glorious day, people of Zone 3. Hindi ko na pahahabain pa ang magaganap ngayong araw. Alam kong nagtataka kayong lahat kung bakit kayo pinatawag ngayon. Ngayon malalaman niyo ang dahilan kung bakit kayo nandito sa arena,” pagsisimula ng head royal. “Today, I will give my verdict whether these two beings in front of you deserve to live or not." Itinuro ng head royals ang aming kinatatayuan ni Giero. Ito ang dahilan kung kaya’t nabaling din ang atensiyon ng lahat sa amin. Maraming nagtaka kung bakit gano'n na lamang ang aming kaparusahan. Walang nakakaalam ng pangyayari maliban sa mga taong nasangkot. I saw my mother from afar. She's hurting. It hurts me to see her crying. I don’t have any other choice but to see her emotional suffering. I lied to her. "Sorry," I mumbled. “Let’s start!” "Huwag niyo nang patagalin pa ang pagbitay sa kanila! Parusahan ang mga mamamatay taong 'yan!" sigaw ng isang patpatin na lalaki sa di-kalayuan. "Iho, kumalma ka lang at darating din tayo diyan," tugon naman ni Head Royal. What he's trying to say? Are we really going to be sentenced of death? Bakit gano'n na lang ang galit ng lalaking iyon? May masama akong pakiramdam sa desisyon ng head royal. Nagpunta ang head royal sa direksyon namin. Agad siyang pumagitna sa amin ni Giero habang hawak nito ang kaniyang boto. Nakatago ito sa kaniyang kamao. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kapag pumanig ang araw na paparusahan kami. “Kung natatandaan ninyo namatay ang isa sa magiging representative ng inyong Zone na si Ms. Heda Way. Ito ang dahilan kaya kayong lahat ay tinipon ng inyong Maestro dito. Nais namin ipabatid na itong dalawang nasa harapan niyo ang dahilan kung bakit namatay ang isa sa inyong representate sa laro. Alam ko na alam niyo kung ano nag kalalabasan kapag ang zone na ito ay walang maipadadala sa darating na RSK Festival. "Kaya nais kong masaksihan niyo kung ano ang magiging pasya ng kapalaran sa dalawang ito. Ang batas ay batas. Walang sala ang hindi dapat bayaran. Alam ninyo na ang buhay na kinuha ay gano'n din dapat ang kabayaran,” saad ni Head Royal. Hindi ako natatakot sa maaaring kabayaran. Subalit nalulungkot ako kung hindi ko na matutupad ang pangako ko para kay Opal. Siguro nga hindi ako mapalad na ipaglaban ang aming zone. Hindi ako ang taong mag-aangat sa aming zone mula sa pagkalugmok. Napalingon ako sa direksiyon ni Giero subalit wala man lang akong nakitang takot o pagdududa sa mukha niya. Blanko lang siyang nakatingin sa malayo. Tila wala siyang pakialam sa nangyayari. “Ngayon, 'pag ang batong hawak ko ay pumanig sa kanila, itong dalawang nasa harapan ninyo ang magiging representatives ng inyong zone. Subalit... " napahinto si Head Royal. A condescending smile drawn in his face." Kapag naman hindi pumanig ang kapalaran sa kanila hahatulan sila ng parusang kamatayan.” Exactly! Kahit naman magpatuloy kami hindi pa rin namin alam kung mabubuhay kami sa arena. With this, we knew that our fate will be more exciting and thrilling. No enduring of too much pain at all. Untiunti nang binubuksan ng head royal ang kaniyang nakasaradong palad. Bakas sa mga mata nang nakakita ang iba't-ibang reaksyon nila. “Ass,” mura ko. Hindi na ako nabigla dahil ramdam ko naman ang hatol niya sa amin. Dinig ang sigawan ng lahat sa arena dahil ang kaniyang boto ay di-pag-sang-ayon sa aming panig. Kami ay hahatulan ng kamatayan. I can see death happily waving at me. This day is remarkable. Our lives will finally end at this stage. Puwersahan kaming hinila ng mga kawal at dinala sa mataas na parte ng entablado. Naghihintay sa amin ang dalawang elemental users na nasasabik sunugin kami at maging abo. Matatalim ang kanilang mga titig sa amin. It was our destiny. We have to accept it. There bladed eyes slowly burning our alive bodies. Alam kong lahat naman ay may hangganan. Siguro ito na ang pinakadulo ng aking buhay. Mahirap nga yata matanggap ang oras kung kailan na tayo dapat mawala sa mundong ating ginagalawan. Masakit din na iwanan ang taong naging bahagi ng ating buhay. I will leave my Mom in pain. I was shattered. Maybe this is a goodbye. Nakatuntong na ako ngayon sa mataas na platform habang kaharap ang isang elemental user. Sa huling pagkakataon, nilingon ko ulit si Mama na ngayon ay puno na ng mga luha. I smiled at her. She bitterly smiled. Alam ni Mama na ang lahat ay may kaniya-kaniyang kapalaran. Sa oras na ito, alam kong tanggap niya ang kapalaran ko ngunit alam ko rin na lubos siyang nasasaktan. Hindi na siya lumaban pa dahil alam niyang wala rin siyang magagawa kahit iligtas niya pa ako. If it's my fate to die, so be it. I still found the happiness to live in a world full of injustices and unfairness. Somehow I found my purpose. Nakita ko ang pagtaya ng elemental user ng kaniyang kamay sa aking harapan. Umaapoy na ito sa tuwa at pagkasabik kumitil ng buhay. Sa hudyat na tatlo ng head toyal ay siguradong abo na ang aking katawan. Nakita ko si Giero na nakatingin sa akin. Nararamdaman ko ang galit sa ekspresyon niya. “Isa." He started to count. “I’m sorry, Op,” I murmured. “Isa.“ Tinuon ko rin ang aking tingin kay Maestro sa aking ilalim ng podium na pinapatungan ko. Tila may kaba sa reaksyon niya sa aming kamatayan. Pumikit ako habang hinihintay ang pagkalapnos ng aking balat hanggang sa maging abo ito. Ayaw ko rin malaman ang paaran kung paano ako mamamatay. “Itigil niyo ang parusa sa kanila!” I heard someone shouted. I opened my eyes and gaze at him. Maestro Khien confidently standing on the stage while staring at us. He takes gut to stop what is going to happen. “What do you think are you doing, Maestro Khien?” Head Royal asked. “Please, stop it,” he begged. “It's impossible. You don't have the rights to stop their punishment. It's there fate. We have to follow the rules and agreement of our city." He heaved a sigh. “Let's have an agreement,” he said with confidence. “Maestro.“I whisperly called him. I tried to contact him with my eyes. “Shhh,” he hissed. A condescending smile painted in his face. “Sige. Anong offer ‘yan, Maestro Khien?” “Let them live. Let them be our representatives for the upcoming RSK Festival. Wala na kaming oras para makapaghanap ng papalit sa kanila. Kaya kapag hindi sila nagwagi sa laro..." Napatigil siya. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa susunod na gusto niyang sabihin. "Ako mismo ang bababa sa pwesto at magpapaalipin sa inyo. Ngunit kapag isa sa kanila ang nagwagi mananatili akong Meastro ng zone na ito.” “That is against the rule from our Headmaster," sabat ng isang royal. “Mas labag sa rules ang pagpatay ng walang tamang proseso," tugon ni Maestro. “We undergone with the proper process, Maestro Khien. Hindi ba't nandoon ka rin nang nagpulong tayo? Anong pinapalabas mo rito, Maestro Khien?!” pasigaw na saad ng Head Royal. “With all due respect, Head Royal. Hindi sapat ang proseso na naganap. It was stated on the Article 2 Section 3 of the Mhaffon Constitution, ‘Maestro from every zone has the power to protect his/her constituents by offering one condition’. Kaya sana ay tanggapin niyo ang hinihingi kong kondisyon ko.” Natahimik ang Head Royal. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya. Tila naisahan siya ni Maestro. "If that's what you want, we have an agreement today, Maestro Khien. Let’s see if these faggots of your zone will win the game since we know that your zone has no history of winning. My best of luck,” tugon niya. “Salamat." Napayuko si Maestro sa harap ng head royal. Hindi lumaban ang Head Royal. At hinndi naging malalim ang kanilang pagtatalo. Mukhang alam na ng mga royals na pipigilan ni Maestro ang parusa sa amin. Malakas ang kutob ko na may balak sila. “Pababain ang dalawang ‘yan,” utos ni head royal sa mga kawal. Ibinaba kami sa mataas na platform na pinapatungan namin kanina. Hinila kami pababa at dinala sa dati naming pwesto. Nakahinga ako ng maluwag samantalang sa Giero ay wala pa ring reaksyon. Narinig ko ang huling tugon ng Head Royal kay Maestro Khien. Ramdam ko ang tuwa at disappointment sa boses nito. “You never changed, hard-headed.” Tumama naman ang tingin namin ng head at binigyan lang ako ng nakasisindak na ngiti. Tinuon ko naman ang aking tingin kay Maestro na ngayon ay tila nakahinga nang matiwasay. Agad naman akong lumapit sa kaniya habang si Giero ay hindi umiimik. Pagkatapos ng nangyari ay nagsibabaan na rin ang mga royals sa entablado kung nasaan kami. Sumakay na sila sa kani-kanilang sasakyan at agad na nilisan ang arena. “T-thank you, Maestro Khien," I sheepishly said. “You deserve to live," he replied. “B-bakit niyo po ginawa iyon?” tanong ko. “Rumi, I believe in you. I know that you are special. I know you won’t disappoint me. I trust you Rumi that's why I save you. Sana hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko. Magpahinga na kayo." Tumalikod sa akin si Maestro. Nakita ko sa mga mata niya ang tiwala na sinasabi niya. I saw his vulnerability. Kaya bago pa siya tuluyang makababa sa stage ay tinanong ko siya. “Ano po bang nakita niyo sa akin?" agad na tanong ko. Hinarap niya ako. “You’re special from any other players here in Zone 3, Rumi. Kakaiba ka sa akala ko,” napangiti niyang saad. Agad siyang naglakad pababa ng entablado. Sumakay siya sa kaniyang sasakyan. Sa unang pagkakataon,naramdaman ko ang buong tiwala ni Maestro sa akin. Bago pa kami magtungo muli sa Zone Hall ay lumapit ako sa direksyon ni Mama. Unti-unti na ring nagsisialisan ang mga tao. Tumatakbo rin si Mama patungo sa akin. “Ma!" “A-anak ko,” she tightly hugged me. “S-sorry, Ma. I lied,” I cryingly whispered to her as my tears continues to cascade. “I know everything, anak. Bago pa man mangyari ito sinabi na sa akin ni Giero ang lahat. Kaya nasaktan ako nang nagsinunggaling ka. Pero sino ba naman ako? Alam ko naman na alam mo ang desisyon na ginagawa mo. Malaki ang tiwala ko sa'yo, anak.” “Ano pong ibig niyong sabihin, Ma?” “Shhh---mahabang kwento. Ang mahalaga ay buhay kayo," ngiti niya. Hindi na ako nag-abalang magtanong pa. Niyakap ko lang siya nang mahigpit dahil hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari. Naramdaman ko na lang na may humawak sa aking dalawang braso. I saw the two cavaliers holding my arms. Pinipilit nilang kalasin ang yakap ni Mama sa akin. “Ma!” I shouted. Nagpupumiglas ako nang inilalayo nila ako kay Mama. Wala sa usapan na ngayong araw kami kukunin. May dalawang araw pa bago ang nalalapit na araw patungo sa city. “A-anak,” she cried. Wala akong nagawa hanggang nadala na nila ako sa loob ng sasakyan. Nilingon ko sa bintana ng sasakyan si Mama na ngayon ay kumakaway na sa akin. Is she saying goodbye? It hurts me to leave her again. I can’t stop myself to cry. Unti-unti nang naglaho sa paningin ko si Mama. Nakalabas na ang sasakyan sa loob ng arena. Lumilipad lang ang aking isip habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Bakit ganito kasama ang nangyayari sa akin? Katabi ko ngayon si Giero na wala pa ring imik simula kanina. Deretso lang siyang nakatingin sa malayo. “Aren’t you happy?” I asked. “For?”. “For having this second chance to live." He smirked. "Do we need to be thankful for that, Rumi?" “Hindi ka ba natakot mamatay kanina?" "Doon din tayo papunta, Rumi. Mapapadali nga lang sana nila." "Akala ko katapusan na natin." “I don’t think so.” “W-what do you mean?” “Hindi mo ba naisip, Rumi? Kung papatayin nila tayo masyado ng maikli ang oras para makahanap ng dalawang papalit sa atin kung nagkataon. Kagyaa nga ng sabi ni Maestro Khien, mahirap nang maghanap ng representatives sa loob ng dalawang araw." "Bakit wala kang reaksyon kanina?" "Rumi, hindi lahat ng parusa dapat katakutan. Hindi mo dapat ipakita na natatakot ka mamatay dahil maaaring iyon din ang magiging dahilan kung paano ka nila mapapatay dahil sa kahinaan na pinakita mo sa kanila "Hayaan mong malaman nilang malakas ka sa kabila ng kahinaan na gusto mong ipakita," paliwanag niya. "Hindi lahat ng nagtatapang-tapangan ay malakas, minsan sila pa ang mahina." Hindi na ako naka-imik. Tama nga ang sinabi ni Maestro at Giero. Wala ng oras. Ngayon pa lang ay namangha na ako kay Giero. Hindi lang siya magaling gumamit ng kaniyang potential ngunit matalino at tuso rin siya. ******* Nakarating na kami sa aming pupuntahan ng 'di ko namamalayan. Bumaba na kami ni Giero habang sumusunod ang mga kawal. Sabay kami ni Giero pumasok sa Zone Hall. Deretso lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa loob. Nakita naman naming naghihintay ang mga royals kasama ang council ng zone at si Maestro Khien. “Congratulations, Giero and Rumi!” bungad sa amin ng mga royals. "Congratulations for representing our zone," bati naman ng bumubuo sa council. “Do we need to say you’re welcome for that?” pilosopong tugon ni Giero. Siniko ko siya dahilan upang mapayuko siya. Tinitigan ko siya ng mariin. Mabuti at nakuha niya naman ang gusto kong ipabatid. “I mean, thank you for giving us another chance," sabat ko. “Can we have our rest? Masyadong mahaba pala ang byahe papunta rito," singgit ni Giero. "Yes. Malenda, Please assist them heading to their rooms," utos ng Head Royal sa mapayat at naka-unipormeng babae. "Masusunod, Head," tugon niya. "Sumama po kayo sa amin," anyaya naman ng kasama nito. Iniwan namin ang mga royals habang sinamahan kami ng dalawang katulong ng zone sa aming magiging kwarto. We stopped on the antique wooden door. Kumikinang ito sa ganda. Tinulak ng babae ang pinto at tumambad sa akin ang magarang loob ng kwarto. I entered the room together with the lady who assisted me. Sinamahan naman ng isang babae si Giero sa kaniyang magiging silid dito sa Hall. Hindi ko sukat akalain na magkakaroon ako ng pagkakataon na manatili sa Hall. Ngunit ang pananatili ko rito ay may nag-aabang na panganib sa mga susunod na araw. Kailangan kong maghanda ng todo upang hindi mabigo si Maestro. I told the lady that I can handle myself. Iniwan na niya ako pagkatapos ng kaniyang mga bilin. Hindi ko na iyon napakinggan dahil nalunod na ako sa kakaibang aura nitong kwarto sa Hall. "This is surreal," I said. Masyadong malaki para sa isang tao ang makatira rito. Mataas din ang kisame ng kwarto at mayroong dalawang nagkikislapang mga alpombra. Inilapag ko ang aking gamit sa sahig at nilibot ang kabuuan ng silid. Kumpleto ito sa lahat ng kagamitan na tila isang bahay kung pagmamasdan. Matiwasay na nagpapahinga ang mga palamuti rito sa kwarto. Walang bahid ng alikabok kang makikita. May isang maliit na sofa naman sa paanan ng kama at may flower vase sa maliit na mesa. Binuksan ko ang veranda at nakita ko ang lawak ng Zone 3. It was peaceful. It was like nothing happens. jSana ganito na lang palagi," saad ko sa hangin. Ilang araw na lang ang bibilangin at ang pinakahihintay ng mamamayan ng buong city ay mangyayari na. It will be televised in every zone. Naghahalo ang aking nararamdaman sa t'wing maaalala ko ang paparating na laro. Pumasok na ako sa loob ng kwarto. Isinara ko ang pinto ng veranda. Agad akong humimlay sa malambot nitong kama. While staring at the blue ceiling, a slice of the past popped up in my mind again. “Ate, ipangako mo sa'kin na mananalo ka." “Para sa inyo gagawin ko ang lahat para manalo, Opal.” “Ate, you deserve to survive!” “No, we both deserve to survive!” “Ate, I'm s-sorry." Hindi ko na namalayan na umaagos na ang aking luha. Muli ko na namang naalala ang nangyari sa arena. Di pa rin matanggap ng puso ko ang pagkamatay ni Opal. "Kakayanin ko." Napangiti ako ng mapait nang masabi ko iyon. Sa aking malalim na pag-iisip, isang ideya ang pumasok sa aking isipan. Pinahid ko ang luha na umagos sa aking mga mata. Kagaya nga ng sabi ni Giero, hindi ako puwedeng maging mahina na. “I have to stop this RSK Festival,” I said. “But, where will I begin?” -END OF CHAPTER 11-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD