CHAPTER 26- ZONE 3 Blag! Sfkgj! Bag! Sunod-sunod na pagsabog ang bumulaga sa kabuuan ng zone 3. Halos lahat ay hindi magkamayaw at naghahanap ng maaari nilang pagtataguan. Natatakot ang ilan sa mga bata habang ang iba ay nababalisa na. “Inuutusan ang lahat na magtipon sa arena ngayon na!” panawagan ng isa sa mga kawal na galing sa city. Nagkumpulan ang mga tao sa labas at nanatiling kalmado ang iba kahit na bakas ang takot sa kabila ng mga pang-aalipin sa kanila. Ang iba ay sinusubukang lumaban subalit walang katapat sa kahusayan ng mga taong nakauniporme. Isa sa mga nagtungo sa arena ang ina ni Rumi. “Hindi na ako magpapaligoy pa,” bungad sa kanila ng isa sa mga royals na nagtungo sa zone. “Nais naming ipaalam na nahatulan ang inyong zone ng isang taong pang-aalipin!” “P

