CHAPTER 9- AGAINST THE RULE

3058 Words
CHAPTER 9- AGAINST THE RULE I was cut into pieces after the selection. I can't help blaming myself hundred times about what happened to Opal. It was my fault. If I protected her, it won't happen. I didn't made my promise that we will win the selection. “Anak, kumain ka na dito. Ilang araw ka nang hindi lumalabas diyan sa kwarto mo, huh? Nag-aalala na ako,” dinig kong tawag ni Mama sa labas ng aking kwarto. "Mauna na lang po kayo, Ma. Wala pa po akong gana," walang-tono kong sagot. Hindi ko alam kung ilang araw na akong nakakulong dito sa loob ng kwarto pagkatapos ng selection. Ang alam ko lang ay pinayagan ng council na makauwi ako pagkatapos ng nakakasalimoot na nangyari. Susunduin ako ng council bago ang paparating na festival sa susunod na buwan. Inubos ko ang oras ko magmukmok dito sa kwarto. “Alam kong sinisisi mo ang iyong sarili dahil sa pagkawala ni Opal. Wala ka namang kasalanan, anak. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Alam ni Opal na ginusto mo siyang iligtas,” tugon ni Mama. I felt my bed side dip a bit. Namalayan ko na nakapasok na pala si Mama. Nakaupo na siya sa aking likuran habang nakatalikod ako sa kaniya. "Kailangan ka ng zone natin. Kailangan mong magpalakas para sa amin--- para kay Opal." Natutop ako sa sinabi ni Mama. Bumangon ako sa aking pagkakahiga. Umupo ako at hinarap si Mama. Ayaw kong makita siyang nasasaktan dahil sa kalagayan ko. Pinilit kong ngumiti sa harap niya. "Huwag mong pilitin maging masaya. Karapatan mong maging malungkot at magluksa, anak. Kapag handa ka nang harapin muli ang mundong ginagalawan natin, sana maging mas matapang at matatag ka." Napayuko ako. “Ginawa ko naman po ang lahat, Ma,“ pabulong na saad ko. “Oo, alam ko naman iyon, anak,” tugon ni Mama. Hindi na napigilan ng aking luha ang umagos. Agad kong niyapos si Mama. “Nalulungkot lang ako dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa kaniya na sabay kaming lalabas sa islang iyon.” “Matutupad mo pa rin naman iyon, anak.” Natigil ako sa sinabi ni Mama. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi ko na iyon magagawa dahil wala na si Opal. “P-paano po, Ma?” nagtatakang tanong ko. Ngumiti siya. "Lumaban kang matatag sa darating na RSK Festival para mabigyan mo ng saysay ang nagawa ni Opal,” saad ni Mama. "Iyon lang ang tanging paraan upang mabigyan mo ng hustisya ang ating zone at ang pagkamatay ni Opal." Nararamdaman kong nasasaktan siya sa mga sinabi niyang mga salita ngunit pinanatili nito ang kaniyang kalmadong awra. Alam niya na darating ang araw na aalis na naman ako rito sa bahay at makikipagsapalaran muli upang mabuhay. Ayaw ko silang biguin. Kailangan kong lumaban para sa kanila. Hindi ko man alam kung hanggang kailan lang ako tatagal dito sa lupa pero kailangan ko sumugal. Kaya habang nabubuhay ako nais kong ipaglaban ang mga bagay na hindi namin nakakamit. To some, being a representative of our zone is an honor and a privilege, but for my part it’s a burden. This game is a curse that needs to stop. I don’t want to live in fear anymore. I have to bravely face the festival. I don't want to engine the fright I have. I have to stand for our zone. The game is fast approaching and two representatives from every zone will be my greatest enemies. I don’t know how strong they are but as long as I breathe inside the arena I have to fight and stand. The game is not already about myself. It is about giving justice to Opal and to our zone. Pinahid ko ang aking luha. Ngumiti ako kay Mama, "I have to win the upcoming 32nd RSK Festival, Ma," I said with confidence. ************* “Ate, gusto ko maging part ng ating royals paglaki," masigasig na saad ni Opal. "Bakit naman?" napatanong ko. "Para hindi na tayo mahirapan,” nakangiting sabat niya. “Mahirap ata ang hiling mo na 'yan, Op. Kailangan mo munang suungin ang bahay ng mga langgam bago mangyari 'yan,” tugon ko. “Wala naman pong imposible diba, Ate?” Natahimik ako. Kahit anong sabihin ko mayroon talaga siya buwelta. “Oo naman, Op. Lahat ay posible basta naniniwala kang makakamit mo ang hinahangad mo.” Lumapit si Opal sa aking pwesto at inakbayan ako. "Ate, di'ba sabi mo may limang ililigtas ang royal pagnaluklok na siya sa pwesto? Gusto ko kasing iligtas kayo, si Aunt Masima, si kuya, si Mama, at syempre yung maganda mong kapa-kapatid na si Opal Sedaline!” mayabang na saad nito. “Naku, Opal mangarap na lang muna tayo. Hanggang hindi pa napapalitan sa puwesto si Headmaster mananatili ang mga royals sa pwesto." Nakita ko ang paglungkot ng kaniyang mukha. Nagpatuloy muli siya sa kaniyang ginagawa. Nandito kami sa likod ng bahay at nagtatanim ng mga gulay. Kasama ko si Opal pagkatapos ng kaniyang training. “Alam mo, Ate---” “Hind ko kasi alam, Op,” pabirong sabat ko. “Ano ka ba, Ate? Ang corny ng segue mo. Basta, pinagdarasal ko na balang araw ikaw ang magiging Head sa buong city!” “Hay naku, Op. Masyado ka nang ilusyunada.” “Ate naman ehhh!" Napangiti na lang ako sa naging reaksiyon niya. Kahit kailan asal bata talaga si Opal kapag kami ang kausap niya. Pero mas matured pa siya sa akin kapag kaharap ang ibang tao. "Halika ka na nga at kung saan pa magpunta ang pag-da-daydream mo,“ anyaya ko. ********** Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang aking luha. Naalala ko na naman ang mga sandaling iyon. Maraming pangarap si Opal na gusto niyang matupad ngunit hindi ko iyon naibigay sa kaniya. Masyadong mahirap pala talaga ang mangarap lalo na 'pag walang kasiguraduhan. Ang sakit lang matanggap na wala na talaga siya. Gayunpaman, may isang aral akong nakuha kay Op. Doon ko napagtanto na habang nabubuhay tayo at nangangarap walang mawawala sa atin. Ang totoo may darating pa na higit sa hinihingi natin. Kailangan lang talaga ng tiyaga at dasal sa paghihintay. Alam kong makakamit din natin ang mga pangarap na ating binubuo. Sana matupad ko ang pangarap ni Opal. Sana maipanalo ko ang laro. “Op, s-sorry." Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa alapaap. “Wala ka namang kasalanan.” Nagulat ako sa nagsalita sa aking likuran. Pamilyar ang boses niya. "Naiintindihan namin ang nangyari." Nandito ako ngayon nakaupo sa isang malaking ugat ng puno sa itaas ng burol. Dito ako nagpupunta sa tuwing may malaki akong pasan na problema. Malayo ito sa mga kabahayan. Matatanaw din dito ang malawak na lupain na sakop ng Zone 3 habang napapalibutan ng matataas na mga pader. Ngumiti siya paglingon ko. Tumambad sa aking harapan ang isang matangkad, maputing lalaki kahit na medyo kadiliman sa kaniyang pwesto. Nahaharangan naman ng kaniyang buhok ang kaliwang mata nito. “G-Giero?” “Yes, Rumi. Ako nga 'to. Kumusta ka na? Balita ko ilang araw ka na raw nagmukmok sa loob ng kwarto mo,” saad niya. Si Giero Macz, siya ay kapatid ni Op sa Nanay kaya magka-iba sila ng apelyedo. Lumapit siya sa aking puwesto at agad siyang umupo sa tabi ko. "You are great. Congratulations, Rumi." “S-sorry, hindi ko siya… nailigtas,” napayukong tugon ko sa kaniya. “You know what?” saad niya. “Opal has a very unexplainable potential. She has gifted with a vision. She's like a soothsayer. She can predict what will happen in the future. She knew everything Rumi pero ayaw niyang sabihin ang potential na iyon. Kaya bago siya pumunta sa bahay niyo bago ang selection ay nagpaalam na siya sa amin. Hindi naman siya kayang pigilan ni Mama dahil alam namin na iyon na ang nakatakda. On that day, she wants to spend her last night with you. She wants to enjoy that moment na kasama ka.” “W-what do you mean? She's an augur?” naguguluhang tanong ko. “Yes, Rumi. Hindi ko nga alam kung paano siya nagkaroon ng ganoong potential. Bihira lang sa atin ang magkaroon ng dalawa o higit pang potentials," pagpapaliwanag nito. “Everything that she forsee has a 90% chance to be true. Kaya proud ako sa kapatid kong iyon. Kaya lang nawala na siya." Naramdaman ko ang sakit sa mga sinabi ni Giero. Napayuko siya. “Opal hindi ko man inaamin pero lagi akong sumusuporta sa’yo. Mahal ka ni Kuya pero hindi lang niya nasabi sa'yo nang nabubuhay ka pa. ” Sa bawat katagang lumalabas sa bibig ni Giero ay winawasak naman ang aking sarili. Tila naging sariwa pa lalo ang nangyari kaya hindi ko na rin napigilan muli ang maluha. “Ma-mahal ka ni Kuya---“ hindi na natapos ni Giero ang kaniyang sasabihin ng bigla na lang siya naiyak. I comforted him. Then, I realized that it was me who made this things miserable. “S-sorry ulit,” saad ko sa kaniya. “You don’t need to say sorry from what was happened, Rumi. It is meant to happen," he said. "But, can I have one favor for you." Natigilan ako sa sinabi ni Giero. “Can you win the RSK Festival for us?" Mapait na ngumit ako. Ganoon naman talaga ang gagawin ko kahit na natatakot ako. My life is meant for this bloody battle. Ayaw ko ng maging mahina ulit. “Hindi ko alam, Giero. Hindi ko alam kung makakaya ko. Hindi ako kasing-tapang niyo,” tugon ko. "Hindi mo kailangan maging matapang para manalo sa laban. Kailangan mo lang magtiwala sa sarili mo na kaya mong manalo." "Susubukan ko, Giero." “Thank you, Rumi.” Nanigas ako nang bigla akong inakap ni Giero. Hindi na ako nakaiwas nang tuluyan na niya akong tinali sa kaniyang bisig. Hindi ako makahinga ng maayos. My blood started to scream. Bigla na lang akong nanlamig. Naghahalo na ang emosyon ko. “W-wait!” saad ko ng maramdaman na masyadong matagal na ang pagkayakap niya sa akin. “Why, Rumi? May ginawa ba akong masama? I'm sorry. Nadala lang ako." An awkward silence enveloped the place. Nalulunod ako sa nangyayari. Hindi ako makasagot sa kaniya. My feelings for Giero started to befall again. I admit that I have feelings for Giero since then at alam iyon ni Opal. Doon din nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Opal dahil sa kuya niya. Pero hindi ko alam kung may hint pa si Giero na gusto ko siya. Sana nga wala pa. “Are we talking about Op or not?” I asked to break the silence. “Yes, but we need to move on from what happened because for sure Opal is happy kung nasaan man siya ngayon. She won’t blame you, Rumi. Alam kong kilala mo ang kapatid ko." Nakita ko na ang ngiti sa mga labi ni Giero. Tila gumaan ang pakiramdam ko. Unti-unti ko nang natatanggap ang nangyari. Ang mahalaga ngayon ay dapat akong maging handa at magpatuloy. Nakinig pa ako sa mga kinuwento sa akin ni Giero. Masaya ako dahil hindi niya ako sinisisi sa pagkawala ni Opal. Naging magaan ang aking pakiramdam na hindi sila galit sa akin. Ngunit mabigat pa rin para sa akin ang mawalan ng isang kaibigan. “You can’t win the battle if you’re too fragile." Sumagi sa aking isip ang palaging bilin ni Maestro sa akin. Kaya dapat maging mas matatag at matapang na ako sa mangyayari. Ngunit, may isang tanong na naka-rehistro pa rin sa aking utak. Kaya ko nga bang itago ang tunay kong nararamdaman sa likod ng ngiti at pagiging tapang-tapangan ko? Hindi ko rin alam pero dapat akong sumubok. Nagpasya na akong umuwi pagkatapos ng mahabang pag-uusap namin ni Giero. Malapit na ring magtakip-silim. Nagpaalam na ako sa kaniya habang siya ay nagpaiwan sa burol. Nagpatuloy lang akong naglalakad sa kalsada pauwi ng bahay nang hindi ko inasahan ang makakaharap ko. “Heda,” sambit ko. “Yes, it’s me the one and only Heda Way. Did you miss me, Rumi?” “Why would I? Are we friends? But if you would ask me if I missed you as an enemy, I would preferably answer you definetely, Heda," pilosopo kong tugon. “Well, it seems that you already moved on from your friend's death. Hindi naman pala mahirap patayin 'yong kaibigan mo na 'yon. Sadyang mabagal kasi kayong dalawa gumalaw. Ang drama niyo pa.” "Mabagal lang kami pero hindi kami asal at kilos demonyo, Heda. Hindi ko nga alam kung bakit ikaw pa ang nabuhay. Kung tutuusin, you don’t deserve to live.” “Matapang ka na pala ngayon, Rumi?" "Bakit? Naduduwag ka ba, Heda?" Nakita ko ang pikon sa reaksyon niya. "Napipikon ka na ba, Heda? Akala ko ba matapang ka---" "Sumosobra ka na, Rumi!” Mabilis na nagsigalawan ang mga ugat at tuyong dahon sa paligid. Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Mabilis akong umilag sa paghampas ng ugat sa aking direksiyon. Napadapa ako sa kalsada bunsod na magkaroon ako ng kaunting gasgas sa aking braso at binti. Naramdaman ko naman ang pagtama ng isang ugat sa aking paa. Hindi na ako nakaiwas pa. Nagkaroon ng hiwa ang aking paa habang ang dugo ay kumawala mula rito. “Ass,” I cussed. Nagpakawala ako ng spell habang isa-isang kinakalaban ang ugat gamit ang ginawa kong sandata. Mabilis akong kumikilos kasabay ang paggalaw ng mga ugat sa paligid. Nakikita ko ang demonyong ngisi ni Heda. “Did you enjoy it, Rumi?” sigaw niya sa malayo. “Yes, I did!” Pinutol ko ang mga ugat habang sinamahan ko ng pagbuga sa aking kamay ng dilaw na ilaw. Ito ay ang spell na ginagamit ko upang pakalmahin ang mga ugat at dahon. Hindi pa ako masyadong nakakabawi ng lakas ko. “Ahhh!!!” Napalingon ako sa direksyon ni Heda ng sumigaw ito. Lumulutang na siya ngayon ss hangin habang sinasakal ng isang itim na usok. Nakita ko naman kaagad kung saan nanggagaling ito. It’s coming from Giero’s potential. He is one of the smoke users. Related ito sa mga acid users ngunit mas masyadong delikado rin ang potential na mayroon sila. They can enter someone’s body and destroy its system using their potential. However, its adverse effect to the user is it kill their body if not controlled. Sa sitwasyon na nakikita ko timplado ni Giero ang ginagawa niya kaya walang itong epekto sa katawan niya. Nakikita ko lang na pinapahirapan niya ang katawan ni Heda. “Stop it, Giero!” pagkukumahog ni Heda. “Stop luring around, Heda. Ako ang makakalaban mo!” banta ni Giero kay Heda. Bumalik naman sa dati ang lahat ng nasa paligid nang mawala ang bisa ng potential ni Heda sa mga puno at dahon. “Ahk…” Nagaagaw-hininga na si Heda habang hawak nito ang kaniyang leeg. “B-bakit? Gusto mo ba si Rumi kaya mo siya pinagtatanggol?” Naestatwa ako sa sinabi ni Heda. Nakita ko naman ang pagkabigla sa reaksiyon ni Giero. Hindi na ako umimik habang pinagmamasdan si Heda. “It's none of your business, Heda!” "It's part of my business, faggot!" Nagpakawala si Heda sa lupa ng poison spell na mabilis kumalat papunga sa aming direksyon. Nakita kong gumawa naman si Giero ng isang ulap gawa ss kaniyang potential. “Umakyat ka na!” rinig kong sigaw ni Giero sa akin. Hindi na ako nagdalawang-isip pa kaya mabilis akong tumuntong sa tila ulap na gawa niya. “You can’t defeat me, Heda! You're too weak!” tugon ni Giero kay Heda. Pinagmasdan ko lang ang ginagawa ni Giero habang nakalutang kaming pareho dahil sa potential niya. Nagpakawala muli siya sa paligid ng itim na usok at tinama sa direksyon ni Heda. Gumawa si Heda ng barrier para pigilan ang potential ni Giero. Sa kasamaang-palad nabasag ni Giero ang ginawang harang ni Heda bunsod na tumilapon ito. Nakita ko ang biglang pag-itim ng mata ni Giero na ngayon ko lang nasaksihan. Lumapit ito kay Heda habang unti-unti naman akong inilapag sa lupa ng kaniyang ginawang ulap. “I said, you can’t defeat me!” galit na galit na saad nito. “No!” Sinubukan ko siyang pigilan ngunit huli na. Nilusaw ng itim na usok na nanggagaling sa kaniyang kamay ang katawan ni Heda. Naging tahimik muli ang kalsada. Nang mawala ang usok ay tumambad sa aming harap ang abo ni Heda. “What did you do?” kinakabahang tanong ko. “Don’t you know it’s against the rule?” “I don’t care about that trumpery rule. Let’s go!” tugon lang nito at agad na hinila ako. Napahinto kaming dalawa sa pagtakbo nang makarating kami sa tapat ng bahay. Nararamdaman ko na ang panganib sa ginawa ni Giero. Alam kong malalaman ito ni Maestro at ng council dito sa zone. Hindi namin matatakasan ang parusa sa ginawa naming dalawa. “Whatever happens ako lang ang dapat maparusahan. Naiintindihan mo ba ako, Rumi?” saad nito sa akin na ngayon ay hawak na ang aking magkabilang braso. “Pero---“ “Shhh, 'wag ka ng marami pang satsat. Walang dapat kumalaban sa’yo dahil habang humihinga ako tiyak na ako ang makakalaban nila. Nangako ako kay Opal na ako na ang poprotekta sa'yo. At ayaw kong biguin ang kapatid ko." Hindi ko alam ang magiging sagot ko. Is he cares for me? Or he just want to defend me? Am I too ambitious? Hindi ko alam. Tumango na lang ako bilang tugon. Alam kong malalaman ito ng buong zone. Mas magiging malala kapag umabot ito sa Headmaster. “Malalaman nila, Giero." “Pwes, ako lang ang dapat parusahan dahil di'ba may pinangako ka?” Hindi na ako lumaban pa nang maalala ang pinangako ko sa kaniya. “Pumasok ka na at magpahinga ka. Ako ng bahala sa nangyari." Natatakot ako sa maaaring kalagyan ni Giero. May kasalanan din ako kaya dapat sabay naming haharapin ang parusa. Subalit, ayaw kong mabalewala ang pangako ko sa kanila. Kung anuman ang magiging desisyon ko, sana mapatawad ako ni Mama at ni Giero. -END OF CHAPTER 9-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD