CHAPTER 40- THE LAST THREE KHIEN's POV Nakahinga ako nang maluwag ng makita ang pagmulat ng mga mata ni Rumi. Hindi ko inakala ang naging desisyon na iyon ni Ury para sa kaniyang reward na nakuha. Gayundin, ang si Lhoff na halos atakihin sa puso dahil doon. Ngunit, alam kong hindi iyon big deal para kay Lhoff. “Thank you Ury,” usal ko. Sinadya ng Headmaster na patagalin ang paggamot kay Rumi. Yes, we have our secret healer in this group at kabilang ang dugo ni Rumi sa kanila. Subalit, mahina sila pagdating sa kanilang sarili kung tatangkain nilang gamutin ang kanilang katawan. Nakakaya nilang hilumin ang mga sugat o pasa na hindi masyadong nabigyan ng malakas na impact. “Nagagalak ako sa pinakitang katapangan ng bata mo Maestro Lhoff,” nakangiting saad ni Headmaster. “Hind

