•••••Blade’s POV••••• Hindi ko feel ang “good” sa morning ko ngayong dumating na ang araw na dadanak na naman ng napakaraming dugo dito sa Blandon High. Hindi ako nakatulog kagabi. I was wide awake all night until nag-umaga na lang. Hindi ko rin kayang kumalma dahil sa usapan namin ni Raven kagabi. She was serious as hell, at alam kong kahit ako ay hindi kayang pigilan siya kapag siya na mismo ang nagsasabi. Ngayon, kahit saan ako nakatingin, puro mga malalim at madilim na ekspresyon ng mga tao ang nakikita ko. Students’ eyes have become that of a demon’s—glaring towards their enemies without any care about what ranks they might be in. Tuloyan na ngang nagbago ang ihip ng hangin sa loob ng Blandon High. Nakakatindig na ng mga balahibo. “Blade.” Napatingin ako kay Maura nang bigla niya

