•••••Maura's POV••••• Lakad lang ako ng lakad sa loob ng hospital room. Hindi ako mapakali. Matapos ng nangyari sa concert ni Simon Reyes, nothing seems normal to me anymore. Noon ay sa pelikula ko lang nakikita yung mga malalaking paniki and other super giant stuffs, hindi ko inakalang makakakita pala ako ng gano'n kalaki sa personal. "Hades," Isa pa 'to, kanina pa tahimik. Sanay naman ako, e. But his silence is quite different. "Magiging maayos lang kaya ang lahat?" Tumingin siya sa akin at nagbuntong-hininga. I hate it when he does that. Nagdadalawang-isip kasi siya kapag gano'n. "Just tell me the truth, Hades." Inunahan ko na siya. Baka hindi na naman siya magsasalita ng totoo para lang hindi ako masaktan. "Maura, I'm not sure," sagot niya na halatang may iba pang iniisip. "I just

