Chapter 32: What's mine is mine (Wings' POV) "Unnie! Sige na! Pumayag ka na!" hinihila ako ni Whisper papunta sa isang booth na nangangalang 'Hula-Hula hop' na nasa loob ng isang Tent. Intramurals week na kasi dito sa Charmz U at malamang naglipana na naman ang mga iba't ibang klase ng booths dito sa school at mga estudyante na nag-eenjoy sa kanya-kanya nilang trip o gimik. Kami lang dalawa ni Whisper ang pumasok. Yung tatlo lalake kasi, busy. Busy sa paghahanap sa nawawalang si Devie. Gusto nga sana namin ni Whisper na tumulong kaso hindi kami hinayaan ni Wid. Mas mabuti daw na dito lang kami para magmatyag sa mga kahina-hinalang tao rito. "Whisper stop it. Ano bang gusto mong ipahula?" iritada kong tanong. Ewan ko ba kung ano ang sumagi sa isipan niya kung ba't gusto niyang magpahula

