Mysterious Chapter "Senri, Kailan pa ba tayo babalik ng Pilipinas?" tanong ni Soi sabay tabi sa akin at sumandal sa Counter table Tinitigan ko lamang ang isang baso ng beer na hawak ko. Narito kami sa isang exclusive club na sikat dito sa Japan, makikita sa buong club ang napakalawak ng paligid nito kung saan halos mga mayayaman, prominenteng tao o mga celebrities lamang ang nakakapasok dito. Mula sa Entrance door ng club ay makikita sa kaliwang bahagi nito ang Bar counter, sa kanang bahagi naman ay ang isang madilim na hagdan papuntang VIP room, sa gitna naman ay ang mga Customer's table at sa harap ay ang isang malawak na Entablado kung saan doon sumasayaw sa gitna ang mga bayarang babae upang aliwin ang lahat ng mga mayayamang kalalakihan. "Malapit na," tipid na sagot ko sa tanong n

