Chapter 37 Nakataas ang kilay ng nanay ni Cheng ng pagbuksan silang dalawa ni Ram ng pinto nito. "M-Ma mano po" Kanina pa kinakabahan si Cheng samantalang si Ram naman ay tila excited pa. Nagmano si Cheng sa mama niya at ginaya naman siya ni Ram "Hello po mama" Sabi ni Ram bago ito nag mano sa mama niya. Tahimik lang ang mama ni Cheng habang nakataas parin ang kilay nito at hinahayaan lang silang mag mano Masungit naman silang sinalubong ng papa niya habang nakakunot ang nuo nito Napalunok si Cheng bago siya nag bless sa kanyang tatay. Nakakakaba lalo ang itsura ng tatay niya dahil para itong si FPJ kung minsan, lalo na ngayong seryosong seryoso ito Nagmano rin si Ram sa kanyang papa. Sabay silang pumasok sa kanilang bahay. Pinaupo sila nito sa sofa. Marahil napanuod na ng mga i

