Chapter 34 Halos mabinge si Cheng sa tili ng mga ramnatics. Iyon ang pinakamalaking fans club ni Ram. Panay ang tili at sigaw ng mga ito sa pangalan ng kanyang asawa Halos lumabas pa nga ang ugat sa leeg ng mga ito habang parepareho silang may mga led headband na kulay asul na kumikislap kislap sa dilim. Ngayon ang concert ni Ram sa manila kaya naman todo supporta ang mga fans nito. Halos panay teenagers ang mga fans ni Ram at tila pinapangarap ng mga ito na mapansin ni Ram kahit isang saglit lamang "We love you Ram!" Halos sabay sabay na sigaw ng mga ito. Kakabalik lang nila Ram at Cheng sa manila. Nagresign na si Cheng sa cruiseline company ni Marcus dahil na rin sa kagustuhan ng asawa niya. Hindi na rin tinapos ng dragons cruiseship ang kontrata nito sa the clushers o sa banda nil

