FH 3:

1593 Words
"Anong sinasabi mo?" Ilang beses nilunok ni Luke ang kanyang sariling laway ng mag-sink in ang kalokohang sinasabi ng baliw na babae sa kanyang harap." Anong sabi mo?" pag uulit nya sa nakakalokong pagngisi nito. "Ako nga yun, " nagcross arms pa ito sa harapan nya. " You mean to say, ikaw yun at hindi si PJ?"his blood boil just thinking about it. "Yes Lulu baby. " Malambing na sagot nito, hindi aware sa kanyang galit, "You know that ever since then  I am very much in love with you. I always followed you around,  sabi ko when we grow up,ikaw lang ang pakakasalan ko no one else. Kaya lang when my parents got decided to part ways, mom wanted to take me. Kahit ano pa gawin ko paawa to her ayaw nya. Kasi na kay daddy na raw si PJ, so dapat ako nasa kanya, nakakainis lang. I don't want to ho with her, hindi na kita makikita." Bakas ang hinanakit sa kwento nito. "I had no choice, I was too young to disobey her." pertaining to her mother. "Kaya naman I thought of that idea, " saka naman bumalik ang ningning sa mga mata nito." Well I kind of seeked help from someone and then that scene happened sa storage room. I so wanted to kiss you more pero baka marealize mo na I am not P ... so iyon nagbakasakali ako and proceed with my plan. Buti naman wala kang girlfriend. Akala mo lang you're in love kay P, but the truth is sa akin ka inlove. Is my idea brilliant?" tanong nito na malapad ang ngiti. Wala itong kaideya- ideya sa tumatakbo sa isipan ni Luke. He was betrayed. Nang dahil sa kalokohan ni Pyne na iyon nagulo ang sistema nya. Tapos nagagawa pa nitong ngumiti sa kanyang harapan ng ganoon? Na para bang hindi malaking panloloko ang ginawa nito? Wala itong alam sa pinagdaanan nya. Wala itong alam na nabuhay siya sa takot, pag-aaala at pagpapanggap. Takot, dahil takot siyang may makatuklas ng sikreto na iyon sa storage room. Takot siyang malaman yun ng kanyang ama at ng kanyang kuya Kris. Pag-aalala , dahil baka sa pagpapakawala ng kanyang nararamdaman kay PJ mawala ang kanilang pagkakaibigan. Kaya naman, nabuhay siya sa pagpapanggap. Tapos malalaman nya ang kalokohang ito na gawa ng isang babaeng dati pa sakit na ng kanyang ulo? "And you have the nerve to smile like that?" Luke asked her angrily. He clenched his fist, kinokontrol ang galit na kanyang nararamdaman, she's still a girl at kapatid pa ni PJ, nang kanyang mahal. Mahal pa rin ba? Matapos kasing marinig ang mga sinabi ni Pyne, sa aminin nya man o hindi nagkaroon siya ng pagdududa sa sariling nararamdaman. Kung totoo nga ang sinabi ni Pyne na ito yung nasa storage room at hindi si PJ, ibig sabihin sa halik nito siya nagkagusto at hindi kay PJ na akala niyang gumawa noon. "I can still smile like this, kasi nandito na ako, babawiin na kita." Mariing sabi ni Pyne na patay malisya pa rin sa kanyang galit. Napakasakit ang maloko ng ganito. Matagal na taon siyang namulat sa isang kalokohan na dulot ng kabaliwanan nito. Hindi iyon naging normal. At lahat ng 'yun inaamin ni Pyne. "Umalis ka na." sinikap nyang magpakahinahon sa pagkakabitiw ng salitang yun. "Ha? Kadarating ko lang, bakit paalisin mo na ako? Aren't you excited to see me ?" HInawakan pa nito ang kanyang braso na agad nyang winaksi. Matindi ang nararamdaman nyang galit sa babaeng ito. "Saan ang room mo? Para ilagay ko na rin yung mga gamit ko?"  Patay malisyang tanong nito. " I said get out! Bingi ka ba?" Napasigaw siya nang malakas dahil sa sobrang galit at itong babae sa kanyang harapan ang salarin. Napatalon naman ito sa kanyang pagsigaw, namutla nang marealize ang galit sa kanyang mga mata. Nanlilisik yun, bilang respeto, hindi nya ito magawang saktan pero hindi nya maatim na makita pa ito. Mahirap patawarin ang ganoong kasalanan, lalo na't sinayang nito ang halos kalahati ng  buhay nya. Mali pala. Simula pala ng nakilala nya ang babaeng kaharap, araw -araw nasira ang buhay nya. Akala nya nakawala na siya dito. Oo malungkot yun, pero mas matimbang ang kasiyahan na mapapahinga na ang kanyang magulong mundo. Iyon yung panahon na hindi pa siya nito ginawang bida sa kanyang kalokohan. Nang mapagtantong hindi ito kumikilos, si Luke na ang gumawa ng aksyon, isa-isa nyang hinagis palabas ang mga maleta nito. Sa gulat ni Pyne, hindi rin ito nakapag reklamo nang itulak nya rin ito palabas. Marahas nya itong itinulak at pinagsarhan ng pinto. Nagtuloy siya sa kwarto at doon ibinuhos ang kanyang pinipigilang galit. Narinig nya ang kalampag sa labas ni Pyne, pero wala siyang pakialam. Mas dapat na itong umalis dahil kung hindi baka masaktan nya na ito. Pinagsusuntok niya ang walang awang closet. Kailangan nyang mailabas ang galit sa kanyang loob. Niloko siya. Matagal siyang niloko. Nang  mapagod sa pagwawala ay  napahiga siya sa kanyang kama, dumapo ang paningin nya sa picture sa kanyang bedside table. Kuha yun nila ni PJ noong mga bata ba sila, kinuha nya yun at saka binato sa kwarto. Naglanding yun sa kung saan, pati ang pagtalsikan ng mga bubog ng frame. Napatakip siya sa kanyang mukha, naiiyak siya sa sobrang galit. Fuck this life.Damn you woman! ................................. Nilagyan nya ng benda ang kanyang kanang kamay, nasugat iyon dahil sa pagwawala nya kanina. Nakabihis na siya at nakahanda nang umalis. Tapos na ang kanyang pagmumukmok. Tapos na ang pagkakakulong. Ngayong gabi,lalaya na siya. He grabbed his wallet and his key. Sinarado nya ang kanyang kwarto, wala pa siyang ganang maglinis ng mga kalat na nagawa. He just wanted to drink and party. Magpakalasing sa isang bar hanggang sa di na makatayo. Pero hindi na doon sa mga bar na nakasanayan nya, na kung saan nilulunod nya ang kanyang sarili. May gusto siyang malaman ngayong gabi. Paglabas nya , natumba si Pyne na nakasandal sa kanyang pinto, nagulat ito nang makita siya. Binigyan nya ito ng matalim na tingin, "Get out of here and get out of my life." nasaktan man ito sa kanyang sinabi ay wala siyang pakialam. Nagmamadali siyang nagtungo sa  elevator, sinikap nitong humabol pero madali iyong nagsara. .... Alam nyang maaring ganito ang kahantungan ng lahat, ang kamuhiaan siya ni Luke. Nakakatuwa ngang ang dali nyang magpanggap na masaya sa harapan nito,ang totoo grabe ang kaba. Pero umasa siya. Pag -asa lang ang kanyang tanging pinanghahawakan. Umaasa siya na makikita rin siya ni Luke. Umaasa siya na tatalikod din ito kung saan sya nakatayo at matiyagang nag aabang. Katulad ngayon. Muli siyang naupo sa maleta nya sa tapat ng pintuan ni Luke. Maghihintay muli, kung kailan ito babalik saka hihingi muli ng tawad. ..................... "May sugat ka and it's bleeding," naupo na sa tabi ni Luke yung morenang babae na kanina pa tingin ng tingin sa kanya. Humingi rin ito ng drink sa bartender. Ang sexy nito sa suot nya tube dress, kulot ang buhok nito at may mapang-akit na ngiti. Idagdag pa ang napakakinis nitong balat. "It's nothing," nilingon ito ni Luke matapos uminom ininom ang vodka na nasa kanyang kamay. "You're new here, ngayon lang kita nakita." Muli itong tinignan si Luke, mapang-akit itong nakatitig sa kanya. "Yes. Bago lang ako sa ganito," sagot ni Luke na may malalim pa na dahilan. Sa ibang bar naman kasi siya naglalagi, hindi sa mga ganito. "Is that so? I'll show you how we party then," she said sweetly, pumailanlang ang isang magaslaw na kanta, tumayo ito at hinila siya patayo. "Let's dance , handsome.." Luke's on a rebel mode, epekto nga ba ng dami ng kanyang nainom? O ng galit pa rin sa kanyang sistema. Nagpahila siya rito hanggang sa dalhin siya nito sa gitna ng dancefloor. They don't even know each other's name. She's bitting her lips, pinaikot rin nito ang kamay sa leeg ni Luke, she started grinding. Sinasadyang itama ang likuran sa harapan ni Luke. Isang indak pa at napapasabay na rin siya sa malikot nitong galaw kasabay ng pailanlang ng maharot na musika. This is what he needed. It his first time dancing this close , this intimate with a girl and it feels so damn fine. May nabubuhay sa kanyang pagkatao. May gusto siyang gawin. May gustong gawin ang katawan nya. Maya- maya pa, hinila na ng kasayaw ang kanyang mukha. She pressed her lips in his. Natulala siya. Ayaw nyang mapahiya pero hindi nya alam kung paano humalik ng tama. She bit his lip, kaya naman napabukas yun. Her tongue devoured his, nakakalasing, nakakaliyo. Ito na rin ang siyang tumigil at nakatitig sa kanya. "Sorry , I don't know how to kiss," he whisper enough for her to hear," I don't know anything about this.." nakaramdam siya ng hiya, alam nyang anytime tatawa ito, ganoon naman ang mga babaeng game o may experience. Kinakawawa ang mga virgin na kagaya niya. "No doubt," sabi na nga ba," but you taste so good," she said sweetly. Walang ibig magbaba ng tingin, hanggang sa hilahin na naman siya nito, papunta kung saan.. "Where to?" tanong ni Luke although her actions gives him idea. Those make him tremble and excited, dagdag pa ang espiritu ng alak. Nakarating sila sa isang kwarto sa second floor ng bar. Hindi nya yun napansin. Alam ng kasama nyang babae, no doubt lagi nga ito dito. Tinulak siya nito paupo sa kama. Napalunok siya ng hawakan nito ang laylayan ng suot na damit. "I'm glad to be your teacher then." ............................................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD