Ilang araw rin na hindi umuwi si Lucas kaya ang lungkot naming lahat. We try our best to reach him pero sobrang ilap niya sa amin. Alam ko na masama ang loob ni Lucas sa aming lahat kaya siya nagpakalayo. Kahit sina Tita Belen at iba ko pang pinsan ay dinumog ng mga reporters para tanungin kung nasaan si Lucas pero nanatiling nakatikon ang kanilang mga bibig. Naguguluhan rin si Tita Belen kung kanino siya maniniwala. Si Thor, si Lucas rin ang pinaparatangan niyang pumatay kay Kitty. Hati ang puso ni Tita Belen para sa kanyang mga anak kaya stress na stress siya ng sobra. Panay rin ang inom ni Thor ng alak dahil sa kalungkutan at pagkasawi. Nakarating na rin kina Daddy ang balita sa pagkawala ni Kitty at pati sila ay nagluluksa. Ngayon ko lang nalaman na close pala sila ng babaeng iyon. Ma

