Nakipag kita ako kay Kitty nang hindi alam na Lucas nang sa ganoon ay makapag usap kaming dalawa. Gusto kong magmakaawa sa kanya na itago nalang niya ang nalaman niya tungkol sa amin ni Lucas. Masisira ang buhay naming dalawa kung sakaling mabuking kami ng aming mga Pamilya. Mabuti nalang din at mapapagkatiwalaan si Alex at hanggang ngayon ay safe pa rin ang aming sekreto. Naunang nakarating si Kitty sa restaurant kung saan kami magkikita. Pagkapasok ko palang, kaagad ko siyang hinanap ng aking mga mata at nakita ko siya kaagad. Huminga ako ng malalim tsaka lumapit kay Kitty. Nahihiya pa ako sa kanya dahil ang sama ng tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. Uminom muna ako ng tubig nang sa ganoon ay makapag salita ako dahil pakiramdam ko nanunuyo ang aking lalamunan. Hindi ko rin alam

