CHAPTER 7

1904 Words
“What?!” Tila naiinis niyang tanong ng itinulak ko siya palayo sa akin. “Let's go home, Lucas,” umiwas ako ng tingin sa kanya at tumikhim. Pakiramdam ko para bang nanuyo ang aking lalamunan dahil naubos niyang sipsipin ang aking laway. I didn't expect na magrereact ng ganito ang p***y ko. Hindi ko naman talaga siya gusto kasi nga pinsan ko siya pero sa tuwing nilalandi niya ako kailangan ko pang labanan ang tukso nang sa ganoon ay hindi ako mapabigay sa kanya. “Damn it! Gusto mo naman ang ginagawa ko sa'yo, di'ba? Huwag ka ng mag inarte, Abby.” Aniya. “Hindi ako nag-iinarte Lucas, hindi ko lang gusto na magkasala sa Diyos. Kahit anong mangyari ay hindi ako magpapadala sa tukso. May hiya pa ako sa sarili ko!” Giit ko naman. Hinawakan niya ang aking dalawang balikat at pinaharap ako sa kanya. “Look at me, Abby. I have everything, so anong pumipigil sa'yo na patulan ako?” Napatawa ako ng palak. “I have everything too, Lucas. Besides, may fiancee kana hindi ba? Si Kitty, mahal na mahal ka niya-” “Pero Ikaw ang mahal ko, Abby. I like you and I love you.” Walang pakundangan na pagtatapat nito sa akin. Ilang minuto akong natahimik. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga sinabi niya. Kahit siya ay hindi na rin nagsalita pa. Binuhat niya ang makina ng sasakyan at pinaharurot iyon pauwi sa bahay. Nang makarating kami ay sinalubong kami ni Tita Belen. Nagtataka ito ng makitang magkasama kami ni Lucas. And the most surprising is, nandito si Kitty na nakaupo sa sofa na para bang naghihintay sa pagdating namin. “Lucas, ano ba itong sinusumbong ni Kitty sa akin na hinayaan mo siyang nag commute?!” Galit na tanong ni Tita Belen. Galit na bumaling ng tingin si Lucas kay Tita Belen. “Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na huwag kang mangingialam sa buhay ko. Ang bantayan mo iyang si Abby, sa ganitong oras dapat hindi mo siya hinahayaang lumabas.” Kahit si Tita Belen ay naguguluhan din sa inasta ni Kuya Lucas. Nakakunot ang kanyang noo habang nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Lucas. “Hindi mo dapat pinapakialaman ang pinsan mo Lucas!” Malakas na sabi ni Tita Belen. She's protecting me, right. Ganoon ako kamahal ni Tita Belen, dahil sa lahat ako ang pinaka paborito niyang pamangkin. “Of course my pakialam ako dahil baka nagulat nalang kayo na mabuntis iyan! At ikaw Kitty, umuwi kana sa Inyo. Maghiwalay nalang tayo!” Walang emosyon na sabi ni Kuya Lucas sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Kitty sa sinabi ni Kuya Lucas. Bigla siyang humagulgol sa iyak at lumuhod sa harapan ni Lucas. Nakakaawa talaga si Kitty, halatang mahal na mahal niya ang pinsan ko pero itong pinsan ko ay ako naman ang gusto. “Babe, huwag naman. You know that you are my life. Mamatay ako kapag iniwan mo ako!” Pakiusap ni Kitty sa kanya. “But I don't like you anymore, Kitty. May iba na akong gusto na papakasalan ko balang araw.” Tumingin sa kinaroroonan ko si Lucas. “She's more interesting and beautiful than you.” Lucas wink at me. Napahawak ako sa aking dibdib ng muli na naman tumibok iyon ng malakas. Para bang may nagkakarera sa loob ng dibdib ko. First time kong nakaramdam ng ganito kaya hindi ko matukoy kung ano ang dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Humapdi rin ang aking pisngi, tiyak kong namumula ako ng husto kaya tumalikod ako sa kanila para walang makahalata. “Lucas, pag-usapan natin ito. Please, huwag mo akong iwan Lucas. Mahal na mahal kita handa kong gawin ang lahat para sa'yo. Nagmamakaawa ako sa'yo, Lucas!” Ani ni Kitty at humagulgol pa lalo ng pag-iyak. Niyakap niya ang mga paa ni Lucas pero tinadyakan siya nito. Muntik ng mangudngud sa sahig si Kitty. Hindi ko matiis na makita iyon kaya nilapitan ko si Kitty at tinulungang makatayo. “What are you doing, Lucas?!” Sigaw ni Tita Belen sa kanya. Saktong dumating si Thor, at nakitang umiiyak si Kitty. Kaagad siyang lumapit kay Kitty at inalo ito. Close pala si Kitty at Thor, ha. “Paalisin ninyo ang babaeng iyan dito sa harapan ko!” Idinuro pa ni Lucas si Kitty. “Kuya Lucas, wala ka talagang respeto sa mga babae ano? Hindi porket sila ang naghahabol sa'yo may karapatan ka ng saktan sila!” Sabat pa ni Thor. Nang dahil kay Thor ay mas lalong nagalit si Lucas. Tinadyakan ni Lucas ang sofa, at tumalsik iyon, ganoon siya kalakas. Pagkatapos, bigla niyang sinakal si Thor. Nagpanic kami ni Tita Belen. Pilit naming inaawat si Lucas pero para bang may hinanakit siya kay Thor na ngayon niya lang nailabas. “Matagal na akong nagtitimpi sa'yo, Thor! Do you think I am fool?! Huh?! Alam ko na may relasyon kayo ni Kitty noon pa man. Gusto mo siya hindi ba? Oh, ayan na sa'yong sa'yo na ang malandi at makating babae na iyan!” Sigaw ni Lucas kay Thor at kaagad rin nitong binitawan ang leeg niya at itinulak si Thor papunta kay Kitty. Napaawang ang labi ni Tita Belen sa narinig. Halos hindi siya makapaniwala. Palipat lipat siya ng tingin sa dalawang magkapatid. Nakakagulat naman talaga ang rebelasyong ibinunyag ni Lucas. “T-Totoo ba ang sinabi ng Kuya mo, Thor?” Nauutal na tanong ni Tita Belen. Hindi makasagot si Thor pati na rin si Kitty na ngayon ay tumigil na sa pag-iyak dahil na shocked rin sa sinabi ni Lucas. Sinampal ni Tita Belen si Thor, na mas ikinagulat pa namin. “Ganoon kaahas ang paborito mong anak, Mom.” Dagdag pa ni Lucas at tinalikuran kami. Kaya pala kahit kaunting awa kay Kitty, ay walang naramdaman si Lucas dahil niloloko pala siya nito. Napatigil si Lucas sa paglalakad ng nagsalita si Thor. “Kaya ko lang naman nagawa iyon Kuya dahil hindi mo siya deserve. You always hurting her feelings. I'm really sorry kung niloko kita at inahas ko sa'yo si Kitty, naawa lang kasi ako sa kanya pero kahit anong gawin ko ikaw pa rin ang mahal niya.” Emosyonal na sabi ni Thor. “Babe, let me explaine. Nagtapat sa akin si Thor, ng kanyang nararamdaman pero sinabi ko sa kanya na ikaw ang mahal ko-” “Enough! Kahit anong paliwanag ninyo ay hindi ako makikinig. May iba na akonh mahal Kitty, kaya tigilan mo na ako!” Sagot rin ni Lucas at umakyat sa itaas. Wala ng nagawa si Kitty kundi ang umiyak nalang. Padabog na iniwanan ni Tita Belen sina Thor at Kitty kaya sinundan ko si Tita Belen sa kwarto niya. Kahit siya ay hindi makapaniwala na nagkakagulo ang mga anak niya sa iisang babae lamang. “Tita!” Hinaplos ko ang kanyang likuran dahil humahagulgol siya sa iyak. “Abby, parang hindi ako makapaniwala na nagkakasakitan ang mga anak ko dahil sa isang babae. Kaya pala ganoon nalang si Lucas kung umasta dahil may sama pala siya ng loob sa kapatid niya at lalong lalo na sa akin. Pareho ko silang mahal dahil mga anak ko sila, Abby.” Ani ni Tita Belen. Hindi naman ako makarelate sa pagiging Ina ni Tita Belen pero niyakap ko nalang siya ng sa ganoon ay maibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman. I thought, they are perfect family. Wala palang perpektong Pamilya kahit gaano pa kayaman ay nagkakagulo rin. NANG makatulog si Tita Belen ay kaagad akong lumabas sa kwarto niya. Papasok na rin sana ako sa sarili kong kwarto pero bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw kaya bumaba muna ako at nagtungo sa kusina. Namataan ko si Lucas na nakaupo sa sala habang umiinom ng alak. Siguro, nasasaktan rin siya sa mga pangyayari. Kahit na gwapo siya at mayaman tao lang din siya may puso na makaramdam ng sakit. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya dahil baka may gagawin na naman siya sa akin pero mas nanaig ang kuryusidad ko na tanungin siya kung okay lang ba siya. “Lucas!” Mahinang tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at senenyasan niya akong lumapit sa kanya. Kaagad naman akong nagtungo sa kanyang kinaroroonan at naupo sa kanyang tabi. Infairness, behave siya ngayon. Ni hindi nga siya makatingin sa akin ‘e. Nakita kong may dinukot siya sa kanyang bulsa. Lighter at isang stick ng sigarilyo. “Why are you smoking?” tanong ko. “It helps me remove my stress,” sagot lang nito sabay sindi. Kinuha ko ang sigarilyo sa kanyang labi at inilagay iyon sa ashtray. “Bad iyan sa kalusugan!” sabi ko naman. Ngumiti siya sa akin. He is really handsome lalo na kung tunay siyang ngumitingiti. “Baka mas lalo akong mainlive sa'yo niyan dahil pinagbabawalan mo ako sa mga bagay bagay,” malambing na sabi nito. Oo, malambing. Nilalambingan niya ang boses niya. Kung plano niyang gamitin ako para makamove on siya kay Kitty, nagkakamali siya. “Stop using me to heal your broken heart, Lucas. Ngayon alam ko na kung bakit sa akin mo binibigay ang atensiyon mo dahil broken hearted ka pala!” Galit na sabi ko. Akma akong tatayo para iwan siya pero mabilis niyang hinila ang kamay ko para bumalik ako sa aking inuupuan. “You are talking about Kitty? Hmmm?” Hinawi niya ang aking buhok. “Kahit katiting ay hindi ako nasaktan. Kung anu man ang namamagitan sa amin ni Kitty, laro lang iyon para sa akin.” Aniya. “What?! Kung laro lang pala bakit sinaktan mo si Thor kanina?” Takhang tanong ko. Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko. “Ganoon ako makipag laro, Abby. Pero ang totoo ay plano ko na rin makipag hiwalay sa kanya simula ng magkita tayong dalawa. Ikaw na ang gusto ko, Abby. Ikaw na ang mahal ko. Iwan ko ba sa'yo kung bakit hindi mo ako magustuhan. Mahaba rin naman at malaki ang t**i ko-” “s**t up don't you?!” Sigaw ko sa kanya. “Ang bastos bastos mo talaga! Kaya lang naman ako lumapit sa'yo kasi ang akala ko nasaktan ka talaga at gusto sana kitang i-comfort pero mukhang okay ka naman kaya makakaalis na ako.” Singhal ko. “Oo, nasaktan nga ako.” Tugon nito. Tiningnan ko siya ng maigi. Gusto kong makita sa mga mata niya kung totoo nga ba ang kanyang sinsabi. Nababasa ko sa kanyang mga mata ang lungkot. “So, if you want to comfort me just hug me and kiss me.” Sabay wink niya. Loko talaga. Nakakainis! Gusto niya pa talagang humirit sa kabila ng nararamdaman niya. “Bahala ka sa buhay mo! Doon ka magpayakap kat magpakiss kay Kitty!” Inis kong sabi. Huli ko nang narealize kung ano ang sinabi ko. Bakit iyon ang lumabas sa aking bibig? Daig ko pa ang nagseselos ha. “I love you, Abby!” Malakas na sigaw ni Lucas. Napatampal ako ng aking noo. Nasa bahay kami at hindi bingi ang mga tao dito para hindi iyon marinig. Umalingawngaw pa ang boses niya sa buong bahay dahil sa sobrang lakas. Habang ako ay nag-aalala na baka may nakarinig siya naman pangisi ngisi lang. Parang mas lalo niya akong iniinis. Pinakitaan ko siya ng gitnang daliri ko at inirapan. Narinig ko ang malakas niyang pagtawa habang naglalakad ako patungo sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD