Episode 9

2035 Words
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Bryle na matutulog na. Nakahiga na ako at ready na sa pagtulog nang maalala ang costume ko para bukas kaya dali-dali akong bumangon at hinalughog ang paper bag na ibinigay ng president namin kaninang lunch time. Biglang nawala ang antok kong kanina pa nagpaparamdam. Kaming Four Marias ang napili ng teacher namin para manghikayat ng mga bisita na bumili ng mga paninda namin. Ang president na rin namin ang nagpresentang bahala sa susuotin namin kaya't walang problema sa akin dahil wala na akong proproblemahin. Total ay dagdag points na rin ito at isa pa, hindi na kami kasama sa magbebake upang hindi na mapagod pa. Nakaharap na ako sa salamin habang tinitignan ang sarili. Mas nagmukha akong anghel dahil dito. Isang white tube top na sakto lang sa aking dibdib at white tennis skirt. May kasama pa itong white high knee socks sa paper bag at white flower crown. Naalala ko ang white wings nitong kasama at isunuot. Inulugay ko ang nakatali kong buhok. Ngunit hindi parin nakuntento dahil parang may kulang. Binalikan ko ang paper bag at nakita ang wand na may star sa dulo. Bumalik ulit ako sa harap ng salamin atsaka ngumiti nang ngumiti. Prinapractice ang maganda at mabait na ngiti gaya ng ngiti ng mga anghel. Hindi pa ako nakuntento at inikot-ikot ko pa ang wand na hawak ko na para bang magkakaroon ng isang magic. Natawa nalang ako sa sarili. Parang tanga ngunit cute at maganda namang tignan. Pero nakaka-tuwa dahil once in my life ay mararanasan kong magsuot ng ganitong klase ng costume. Feeling ko ay isa talaga akong fairy sa past life ko. *** Maaga akong nagising dahil sa alarm. Habang naliligo ay sinasabayan ko pa ang OST ng isang sikat na korean drama. Ang Descendants of the sun na matagal nang inererecommend ni K-m na panoorin ko ngunit hindi pa ako nagkakaroon ng oras para roon kaya't ang tanging teaser lamang ang napanood ko hanggang ngayon. Naghu-hum lang ako sa part ng korean pa ang language pero hindi ko na kayang pigilan pagdating sa chorus. "Ohh every time I see youu~~~" feel na feel kong kanta habang iniimagine na mic ang hawak kong ph care bottle. Sakto lang ang dating ko sa school. Suot ko na ang costume namin pwera sa pakpak. Dahil nakakahiya namang suot ko na iyon habang wala pa ako sa school. Baka ano na lamang ang isipin ng mga taong makakakita sa akin. Nagjacket na lang ako upang pag takpan muna ang tiyan ko na mai-expose mamaya. "Bruha ka! Ang tagal mo. Parang nag concert ka pa ata sa banyo mo" pang-sesermon ni K-m habang hila-hila ako sa braso. Pagkarating ko pa lang sa booth ay agad na akong pinaghihila ni K-m. Aba ay nakaayos na siya at nakalugay na ang straight na straight niyang buhok. Pagpasok namin sa room ay bihis na bihis na rin si Phoebe at Jeyk Marie sa kanilang fairy costume na para bang ako na lamang talaga ang kanilang hinihintay. Medyo natagalan nga ako sa cr dahil sa pagkakaroon ng sarili kong concert gaya nga ng sabi ni K-m. Hanga naman ako kay president at kasyang-kasya sa amin ang mga costume namin. Sa aming apat, si K-m ang pinaka mahilig sa pag-aayos kaya ngayon ay siya ang nagmemake-up sa akin. Mabuti na lang at nagkaroon ako ng kaibigan gaya niya. Nang matapos ay binigyan niya ako ng salamin. Inayos niya ang kilay ko at nilagyan niya na rin ako ng simpleng eye wing na sinasabi niya kanina pa. Ang labi ko naman ay tama lang ang pagkapula. " 1 2 3" Sabay-sabay kaming nagbigay ng kaniya-kaniyang pose pagkatapos ng pagbibilang ng teacher namin para sa litrato. Lahat kami ay nakabangs na. Isama pa si Jeyk Marie na may suot na wig with bangs. Alas-dyes na nang magsimula ang program. Grade 10 to 12 lang ang gagawa ng booths kaya ang mga lower grades ay mag-eenjoy at gagala at bibili na lang ng pagkain sa mga booths na hinanda. May nagtitinda ng mga preloved clothes, shoes or kahit ano na pwedeng itinda. Kami ang nasa huling hilera ng booth. Ang nauna ay Meals, sunod ang beverages, pangatlo ang finger foods at pang-apat ang booth namin. Sa katapat namin ay naroon na ang mga preloved clothes, at mga related to arts like fast sketch, portraits at paintings na for sale. Habang busy ako sa pag-ngiti at paggaya sa mga tao sa booth namin ay biglang pinalo ni K-m ang pwetan ko. Minura ko naman siya ng mahina dahil nagulat ako ng bahagya. "Pansin mo ba? Ang dami nang nakabangs oh" nguso niya sa mga nagkalat na tao. Kanina ko pa nga iyon napapansin at ang kadalasan ay ang mga Freshmens. Nakakatuwa dahil cute naman silang tignan. Natawa naman ako. Inihipan ko ang bangs kong nakaharang sa mata. Buti naman at humahaba na dahil nagsisisi na akong nagpabangs. May mga bumibili namang outsiders at nagpapapicture pa sa amin kaya ginagaya na rin ng ibang mga estudyante. Masakit na ang mga panga namin sa kakangiti pero ayos lang dahil bumibili sila ng paninda namin kaya worth it naman. Kadalasan pa ay mga nasa lower grades na lalaki pa ang nagpapapicture pero halata sa kanilang nahihiya sila. May isa pang bata kanina na tinutukso sa akin ng kaniyang mga kaibigan kaya't pulang-pula ang kaniyang buong mukha at tainga. Nakipag sabayan na lamang ako sa mga tawanan ng kaniyang mga kaibigan. "Naks mabenta sa atabs," panunukso ni bakla. "Ako lang 'to," natatawa ko namang sagot sa kaniya. Nakakatuwa rin na pati ang mga teachers ay nagpapapicture na rin sa amin. Pero kay Phoebe talaga ako bilib dahil sa kaniya lang nagpapicture si Sir Migs. Sa tingin ko nga ay alibay niya lang ang pagbili nong tatlong cookies na nasa hugis pusong lalagyan para makapag-palitrato kay Phoebe. "Sir Migs niyo para-paraan," bulong na naman ni bakla kaya't nagtawanan kami. "Tigil niyo 'yan," dagdag niya pang muli nang makitang ngiting-ngiti ang kaibigan naming si Phoebe. Busy ako sa page-entertain ng mga dumaraang estudyante nang bigla akong tinawag ni K-m at itinuro ang nasa tabi niya nang si Bryle na magandang ngiti ang ibinungad sa akin kaya't sinuklian ko rin ng isang maganda at matamis na ngiti. Lumapit naman ako agad sa kanila. Sinalubong naman ako ni Bryle ng yakap. "Kumain kana?" Salubong ko sa kaniya. Agad naman siyang umiling at hinimas-himas ang tiyan. Dagdag pa ang ekspresyon niyang nagrereklamo kaya't natawa ako. Nagugutom na ang lalaking ito panigurado. "Kain na tayo. Nagugutom na rin ako" nanghihinang sabat ni K-m. "PHOEBE ILABAS MO NA IYONG PAGKAIN" utos niya kay Phoebe na nakahiga sa nakalinyang mga upuan habang nagcecellphone. Nakapwesto na kami sa table ng booth namin kung saan pwedeng kumain ang mga bibili ng paninda. Pero dahil lunch time naman na ay pwede kaming kumain dito dahil iilan nalang ang bumibili. Busy sina K-m at Phoebe sa pag-aayos ng baon nilang pagkain. Ni hindi ko nga alam na magbabaon sila pero ang sabi ni Phoebe ay si K-m lang talaga ang nagdala pero good for five person naman daw ang dala nito. Nakakatuwa at kumpletong-kumpleto ang dala niya mula sa plato, kutsara at tinidor. Ganoon rin si Chadler na binubuksan ang binili niyang kanin at ulam na naka styro box. Habang kaming dalawa naman ni Bryle ay palihim na naglalandian. Mahirap na baka mahuli ng mga teachers at sabihin pa sa parents ko kung gaano ako kalandi. "Oh kain muna bago makipag-harutan diyan" ani ni K-m habang inaabutan ako ng plato. Inismiran ko na lang siya. "Magjowa ka na lang kasi nang nasa malapit para hindi ka bitter dyan" sabat naman ni bakla habang natatawa. Umirap lang si K-m at nagsimula nang kumain. "AANHIN ANG NASA MALAPIT KUNG NASA MALAYO ANG MAHAL KO" sabay naming sabi ni Phoebe dahil iyon lagi ang nirarason ni K-m tuwing sinasabi naming magjowa nalang siya ng nasa malapit para makasama niya. Sabay-sabay kaming natawa. Pati si Chadler ay nakitawa na rin. I looked at Chadler beside me when he faked his cough. Nasa gitna nila ako ni Bryle. "Hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Christian Chadler Perez" ngumiti siya at inextend ang kamay sa katapat niyang si Jeyk-Marie. Agad namang tinanggap ni bakla ang kamay niya. "Jennie Kim ng Pilipinas" sagot naman ni bakla. Natawa kami sa pangalang sinabi niya. Noong nakaraan ay Ariana Grander ang pakilala niya. Ngayon ay Jennie kim na. Ngumiti nalang si Chadler sa kaniya. Sunod siyang naglahad kay K-m na nasa tapat ko. Ngumiti ng bahagya si K-m. "I'm K-m Audrey Marie Guzman. K-m nalang" aniya at tumango naman si Chadler. Tumayo na si Chadler para mag-abot ng kamay kay Phoebe dahil medyo malayo na ang pagitan nilang dalawa. "I'm Phoebe Marie Ocampo. 18 and single na single" masiglang pakilala ni Phoebe habang ngiting-ngit kay Chadler. Natawa silang dalawa habang nagsha-shake hands. "Ehem. Enjoy you lunch guys!" Napatingin kami kay Sir Miguel na nasa likuran ni Phoebe. Agad namang napabitaw si Phoebe sa kamay ni Chadler kaya naiwan ito sa ere. Marahas ang pagkakatayo niya kaya natumba pa ang inuupuan niyang monoblack chair at natatarantang humarap kay Sir Miguel habang nanlalaki ang mga mata. "G-good afternoon sir!" bati niya at nag-bow pa. Masungit namang tumingin sa kaniya si sir sabay pinagkross ang mga braso sa dibdib. "Enjoy your lunch Ms. Ocampo" ani ulit ni sir Miguel at tinalikuran na kami. Sinalubong naman siya ni Ms. Santos na nakangiti habang may bitbit na box ng pizza. Ang isa pang teacher ng Senior High na bali-balitang girlfriend ni si Miguel. "Yes sir!" Sagot naman ni Phoebe at nagbow na naman. Nagtataka naman kaming nanonood sa kaniya. "Feeling nasa korea ka girl" natatawang puna ni bakla. Habang si Phoebe naman ay nakaupo na ulit habang ang kaliwang kamay niya ay nasa kaniyang dibdib. Nakapikit pa siya na akala mo'y nahihirapan sa paghinga. "Kinareer ang pagfefeeling koreana be like" puna na naman ni bakla kaya lahat kami ay natawa. "Anong mayroon?" Nag-aalinlangan pang tanong ni Chadler. "Crush kasi ni Phoebe si Sir Miguel" walang pakundangang sagot ni bakla. "Mas gusto mo sa mas matanda kaysa sa kaedad mo?" Nagtatakang tanong ni Chadler kay Phoebe. "Oo. Kakawattpad niya yan" sagot na naman ni bakla habang natatawa. Tumango nalang si Chadler at ipinagpatuloy ang pagkain. Habang kaming dalawa ni Bryle ay busy sa paglamon at si K-m naman ay pasulyap-sulyap kay Phoebe na nasa ganoon paring posisyon na akala mo'y nahihirapan talagang huminga. Pagkatapos kumain nagpahinga lang saglit pagkatapos ay nagyaya na si K-m na magpapicture sa picture booth. Suot na namin ulit ang mga pakpak namin at kaming apat muna ang nagpalitrato. Ang sunod ay kaming dalawa ni Bryle na puro pasweet at pabebe lang sa harap ng camera habang si K-m ay iritang-irita na sa pagkuha sa amin ng litrato. Nagpapicture na rin kaming pito sa estudyanteng dumaan. Si K-m ang nakisuyo. Panay ang kantyaw namin kay Phoebe nang ayain siya ni Chadler na magpapicture. Naka-ilang click palang ang camera ay nangibabaw na naman ang boses ni sir Miguel sa likuran namin. Epal ka sir? Natigil kami sa kantyawan nang sinabi ni sir Miguel na bagsak daw si Phoebe sa long quiz namin noong nakaraan. Isinama niya si Phoebe sa Seniro High building. Siguro ay para ipakita ang score niya sa quiz. Nasa covered court na ulit kami kung saan ang mga tables kanina ay napalitan na ng mga upuan. Dito uupo ang mga audience dahil 1pm pa talaga ang program. Kung saan iprepresent na ang bawat grade and section. Wala pa man ay kinakabahan na ako ng slight. Dahil kaming four Marias ang magprepresent ng Section namin. Napatingin ako kay Bryle nang halikan niya ang likod ng palad ko na kanina niya pa hawak-hawak. Para siyang tuta na nilalambing ang kaniya amo at ako ang amo niya. Ang gwapong tuta. "I love you" he whispered with full of love in his beautiful eyes. Ramdam na ramdam ko ang sinsiridad niya nang tumitig ako sa kaniyang maamo at magagandang mata. Hindi ko na magawa pang buksan ang aking bibig dahil waala rin akong naman akong kaya't wala na akong iba pang ginawa kundi ang magpacute sa harap niya dahilan nang kaniyang pagtawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD