Defeat Vladimir Hyun/V Matapos mawala ang malakas na alon na iyon ay muli kong tiningnan ang iba. Nakikipaglaban na sila sa loob ng barko at hinihintay ko na lang ang signal para makapunta na rin ako. Ibinuka ko na ang mga Kagune ko. Hindi ko maintindihan pero bigla na lang ako nakaramdam ng pananabik sa dugo. Parang gusto kong pumatay sa mga oras na ito. Parang sabik na sabik akong kumitil ng buhay. Ito ang kauna-unahang pakiramdam na naramdaman ko simula nang mawala ang humanity ko. The eager to kill. Inilibot ko ang paningin ko at hinanap silang lahat. Wala pa rin sina Chanel at Pepper. Saan naman kaya nagsusuot ang dalawang 'yon? Kung kailan kailangan silang dalawa ay saka nawawala. Napakalayo ko na rin pala sa kanilang lahat pero wala akong magawa. Gusto kong lumapit pero hindi k

