End "Nais naming magpasalamat sa inyong dalawa at nagawa ninyong ibigay sa amin ang gem sa tamang panahon. Hindi... mas maaga pa kaysa inaasahan," ani Bathala habang nakatingin sa kaniyang mga pamangkin. Nasa likod niya ang iba pang mga diyos na hindi ganoon kasaya sa pagdating ng dalawa. Hindi pa rin kasi nawawala sa kanilang isipan na anak sila ng isang traydor. "Walang anuman po. Ginawa lamang namin kung ano ang sa tingin namin ay tama," ani Kookie. Hindi nila kasama ang kanilang ama dahil ayaw naman ni Sitan na magalit pa sa kaniya ang iba. Gusto na rin niyang iwasan ang gulo lalo na at iyon ang gusto ng mga anak niya. Hindi naman kasi niya inaasahan na lalaking mababait ang kaniyang mga anak. Mabuti at sa kanilang ina ito nagmana at hindi sa kaniya. "Bilang ganti sa inyong kabaya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


