VSpice "Nakita mo ba si Spice?" tanong ni V sa kagigising lang na si Chanel. Magkasama kasi ang dalawa sa Cabin kanina kaya sa kaniya siya nagtanong. Tiningnan naman niya si V na para bang hinahalukay ang isip nito. Hindi naman siya nabigo at siya nga ang tinutukoy ni Spice na lalaking nagpapahirap sa kaniya lalo na sa nararamdaman nito. "Oo, sabi niya sa 'kin kanina magpapahangin lang daw siya sa likod ng deck. Ang dami raw niya kasing naiisip kaya gusto niyang mag-unwind," sagot niya sa kaniya. Yumuko naman si V sa kaniya at nagpasalamat. Susundan na sana niya si Spice pero pinigilan siya ni Chanel. "Alam mo, V. Alam kong nasasaktan na siya ngayon. At kung may pakiramdam ka man ngayon ay alam kong nasasaktan ka rin. Alam kong alam mo kung ano 'ng nararamdaman mo kaya naman sana huwa

