Kooper Tumayo si Kookie nang tuwid habang nakatingin kina Nakago at Skip na kaharap niya. Agad hinarangan ni Skip ang kwarto nila gamit ang isang malakas na pwersa upang hindi mapansin ng iba ang ginagawa nila. "Gawin mo na, Kookie." Agad sinunod ni Kookie ang utos ni Skip. Tinanggal niya ang hikaw sa kaniyang tainga. Tumulong si Nakago sa pagharang ng kapangyarihan nito. Hindi alam ni Kookie kung paano ilalabas ang kapangyarihan niya kaya tumayo lang siya at naghintay sa panibagong utos. "Isipin mo, Kookie, na may isang bilog sa kamay mo." Tiningnan ni Kookie ang kamay. Inisip na may maliit na bilog doon. "Ngayon, isipin mong unti-unti itong lumalaki. Isipin mo hanggang sa lumaki ito nang lumaki." Ginawa niya ang utos ng pamilyar niya. Habang lumalaki ang bilog sa kaniyang i

