Ball "Promise me one thing... you'll never, ever, forget about me?" Agad na tumango ang binata sa sinabi ng dalagang kalong-kalong niya. Halos namumutla na ito at papikit na. Ang mga hayop sa paligid nilang dalawa ay malungkot na nakatingin sa dalagang nag-aagaw buhay. "Promise! Magkikita pa tayong dalawa. Hindi man bukas, pero sa mga susunod nating buhay. Hinding-hindi kita makakalimutan. Kahit kailan." Napangiti ang dalaga sa sinambit ng binata. Sinubukan niyang abutin ang pisngi ng binata ngunit wala na siyang sapat na lakas upang gawin iyon. Inabot ng binata ang kamay niya at siya na ang naglagay sa mga pisngi niya. Pareho silang napangiti. At hanggang sa huli ay nasabi pa nila ang mga salitang kaya nilang panghawakan kahit nasaan man sila. "Mahal na mahal kita." "Mahal na maha

