Undead "Lalabas na muna ako. Titingnan ko kung nakaalis na ang mga nilalang na iyon. Iwan ko muna kayo," paalam ni Tammy. Nagbitbit siya ng isang baril. Isang 50 caliber sniper. Malaki ito at parang mabigat para sa kaniya. Ngunit para lamang itong papel kung buhatin niya. Napalunok ang mga pirata sa nasaksihan. Halos kaharap lang nila si Tammy kaya akala nila ay tatamaan sila kapag nabitawan iyon ng babae. "Kaya kong ihagis-hagis ang mga espada ko, pero hindi ang ganiyan kalaking baril. Baka bigla pa iyang pumutok," bulong ni Gummy nang paalis na si Tammy. Napatigil lang sila sa pag-uusap dahil nagsimula na magsalita si Jin tungkol sa mga nilalang na iyon. "Nabuhay ang mga zombies dahil sa virus. Eksperimento ng mga walang magawang mga scientist. Pero mali ang hinuha ninyo. Hindi mga

