HINDI MAIPINTA ang mukha ni Clara habang padabog na naupo sa pwesto nilang magkakaibigan.
Nagtataka naman sina Jayson at Sarah na tinignan siya.
Clara was still in a bad mood while opening her coke in the can she brought and poured some into the glass.
"Akala ko ba may lunch date kayo ni fafa yummy?" tanong ni Jayson.
"Nasaan pala si Raymond?" balik-tanong ni Clara imbes sagutin ang tanong ni Jayson.
"May emergency raw sa bahay nila," si Sarah ang sumagot bago sumubo muli sa pagkain nito.
Napatango na lang si Clara pero si Jayson ay nakatikwas ang kilay na parang may hinihintay na sagot.
"What?" tanong ni Clara kay Jayson ng manatiling nakatingin ito sa kanya.
"Huwag mo ko ma-what-what dyan, Clara. May tinatanong ako kaya sumagot ka kung ayaw mong sungalngalin kita dyan," inis na turan ni Jayson.
Clara just rolled her eyes. "Hindi natuloy, obvious naman nandito ako, diba?" mataray niyang sagot kapagkuwan ay pinag diskitahan ang kawawang manok.
"Ay, attitude ka 'te? Kawawa naman ang manok na triple dead na," natatawa na komento ni Sarah.
Umismid lang si Clara. Naiinis talaga siya.
"Bakit nga hindi natuloy?" pangungulit pa rin ni Jayson.
Nginuya muna ni Clara ang durog na durog na manok, saka nilunok bago sumagot, "may dumating na bilasang isda."
Napakunoot noo naman ang dalawa sa sagot ni Clara.
"Bilasang isda?" ulit ni Sarah.
"Bilasang isda, hindi na fresh, higad na makati, haliparot, ano pa gusto n'yong itawag?" may pagka sarkastiko sagot ni Clara.
Jayson and Sarah's lips formed into an 'o' shape. Mukhang nakuha nila ang pinagpuputok ng butsi ng kanilang inosenteng kaibigan hindi na pala ngayon dahil mukhang mas maharot pa ito sa kanila.
"May usapan na kami, eh. Tapos may dumating lang na bilasang isda, nakalimutan na niya. Babaero talaga!"
Napatingin sa likuran ni Clara sina Jayson at Sarah dahil nakatayo ngayon sa likod ni Clara si Sir Anthony at sinenyasan sila na huwag maingay. Habang si Clara ay patuloy sa pagsasalita.
"Akala mo naman napakagwapo! Humanda siya sa akin at hindi ko siya papansinin." Patuloy na pag-a-alburoto ni Clara.
Kumislap ang mga mata ni Jayson na tila may naisip na kalokohan.
"Clara, kung idadaan mo sa pick up lines ang drama mo ngayon, ano 'yun?"
Napatigil si Clara sa pagkawawa sa pobreng manok at tilang nag-iisip at hindi pansin ang isang bulto ng tao sa kanyang likuran.
Makalipas ang ilang minuto ay ngumisi si Clara na para bang may naisip na napakagandang bagay. "I have one," sambit niya na ikinaagaw ng atensyon ng dalawa, at ni Anthony sa likod ng dalaga na walang kamalay-malay.
"Ayusin mo, Clara baka maibato ko itong buto sayo," pagbabanta ni Jayson na sinuklian lang ng irap ni Clara.
Tumikhim pa si Clara na tila nag-aalis ng bara sa lalamunan. "Bagay talaga ito sa lalaking iyon na malandi at ayaw sa fresh." Muntik na mapaubo si Anthony mabuti na lang at napigilan niya ang sarili.
"Oo na, sige na parinig mo na sa amin," may pagkainip na sambit ni Sarah.
Tumayo pa si Clara mula sa pagkakaupo na parang tutula. Muli na naman siyang tumikhim at yumukod pa na akala mo talaga ay sasabak sa isang paligsahan.
"Bilis na," inip na sabi ni Jayson.
"Heto na… Para talaga ito sa babaero na 'yun." Huminga muna siya ng malalim kaya napapailing na lang ang mga kasama niya. "Minahal kita na parang buwan," umpisa niya. "...minahal mo ako na parang bituin,...bakit ganon?" Sumimangot pa siya bago itinuloy ang pick up line niya, "ang dami namin!"
Humagalpak ng tawa sina Sarah at Jayson. At hindi na rin napigilan ni Anthony ang matawa. Kaya naman napalingon si Clara sa kanyang likuran at nanlaki ang mga mata ng makita ang binata.
"Si-sir, kani-kanina pa po kayo dyan?" nauutal na tanong ni Clara.
Imbes na sumagot si Anthony ay naupo siya sa tabi ni Clara na nanatiling nakatayo habang nakasunod ang tingin sa kanya. Natatawa siya sa banat ng dalaga.
"Sir, bakit naman kasi ganun? Ang dami nila?" panunukso pa ni Sarah habang nakatingin kay Clara na hindi na yata alam kung paano kikilos.
"Clara, sit down."
Ang bilis umupo ni Clara pagkasabi no'n ni Sir Anthony. Hiyang-hiya talaga siya. Malay niya bang nasa likuran niya ang boss. Tinignan niya ang dalawang kaibigan na nakangisi sa kanya. Mukhang naisahan siya ng mga ito. Humanda talaga sila. Lintik lang ang walang ganti.
"Hindi ko naman nakalimutan ang usapan natin. Hinatid ko lang naman si Jessica. Bakit hindi mo ako hinintay?" tanong ni Anthony kay Clara.
Napalabi si Clara dahil hindi niya alam kung ano isasagot.
"'Yun naman pala, girl. Masyado ka kasi advance mag-isip," sabad ni Jayson na hindi alintana na lumabas ang pagka kulay berde niya.
"You're a…gay?" Di makapaniwala na tanong ni Anthony.
Natawa naman sina Sarah at Clara. Habang si Jayson ay tila gusto ng mag walk out. Hindi na talaga niya mapigilan ang paglabas ng kanyang tunay na pagkatao.
"May problema po ba dun, Sir Anthony?" taas kilay na tanong ni Clara. Hanggang kaya niyang ipagtanggol ang mga kaibigan ay gagawin niya. May masama ba sa pagiging pusong babae ni Jayson. Subukan lang nitong husgahan ang kaibigan at makakatikim ito ng flying kiss esteh flying kick.
"Wa-wala. Nagulat lang naman ako. But, I don't judge a person." Totoo ang sinabi ni Anthony kahit kailan ay hindi sila tinuruan ng mga magulang na husgahan ang mga tao sa paligid nila. Everyone had their own choice. And we need to respect it.
"Hindi pa naman ako mawawalan ng trabaho, sir?" nag-aalala na tanong ni Jayson at mabilis na tinungga ang isang basong tubig.
"Bakit ka naman mawawalan ng trabaho? Walang kinalaman ang pinili mong kasarian sa pagpili sayo sa posisyon mo sa kumpanya. And I think you are one of the best employees this company has."
Napatanga ang tatlo habang nakatitig kay Anthony. They don't expect what their boss says.
"Clara, umorder ako ng pagkain. Sa taas na tayo kumain, nagugutom na rin ako." Agaw ni anthony sa atensyon ng tatlo na hindi maalis ang tingin sa kanya, nailang tuloy siya.
"Ikaw na lang kumain, dapat sinamahan mo na rin 'yung bilasang isda," pagtataray ni Clara ng makabawi siya sa pagkamangha sa boss sa mga sinabi nito kanina. Ipinagpatuloy niya ang pagkain.
"Are you jealous?"
"Ako? Nagseselos? Fresh ako bilasa 'yun." Sabay irap ni Clara.
"Sus, hindi daw pero kanina kung mak-" Jayson stop when Clara gave him a deadpan look.
"Kumain na tayo, marami pa tayong trabaho," awat ni Clara.
Sakto namang dumating ang pagkain na in-order daw ni Sir Anthony. Kaya ang nangyari ay masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain nito at ibinigay niya ang kanyang pagkain na halos hindi na mamukhaan ang kawawang manok.
"Clara, did you murder this poor chicken?" Kunot noong tanong ni Anthony habang pinagmamasdan ang gutay-gutay na karne sa platong ibinigay nito.
"Kain na tayo, Sir. Ang sarap naman nitong in-order mo. Sigurado mahal ito," komento pa ni Clara bago pinaglagyan ng pagkain ang plato ng binata.
Napangiti naman si Anthony sa ginawa ni Clara. Sa lahat ng nakadate niya wala ni isa ang nagkusang maglagay ng pagkain sa plato niya. Masarap din pala sa pakiramdam na ikaw naman ang inaasikaso.
"Kain na, Sir. Ano na naman kahalayan iniisip mo, mahiya ka nasa harap ka ng pagkain," untag ni Clara kay Anthony.
"Alam mo, Clara. Kahit maraming bituin sa langit, meron at meron pa ring nag-iisang kaagaw-agaw ng pansin dahil sa kislap nito….At ikaw 'yun," di mapigilang banat ni Anthony ng maalala ang pick up line ng dalaga kanina.
Napayuko si Clara at kinagat ang ibabang labi, 'syempre tamang kagat na' dahil sa nakakakilig nitong banat. Rinig din niya ang impit na tili ng dalawang kaibigan.