NAGMAMADALI SI CLARA na tumawid ng kalsada upang makapunta sa kabilang parte kung nasaan ang coffee shop na madalas nilang tambayan magkakaibigan.
Na-late si Clara ng labas dahil tumawag ang tunay niyang boss na si Mr. Andrew James Villaflor at may iniutos sa kanya.
Kanina ay halos pigil ang hininga niya habang hinihintay ang oras na pumatak sa oras ng uwian. Kahit na alam na ni Clara na umayon na sa kanya ang tadhana hindi pa rin siya tiwala hanggang hundi sumasapit ang takdang oras.
Kaya naman halos magsisigaw siya sa tuwa ng tumapat ang malaking kamay ng orasan sa twelve at ang maliit sa five. Mabilis niyang tinawagan ang mga kaibigan upang sabihan na magkita sila sa coffee shop.
Malapad ang pagkakangiti ni Clara ng tuluyan makapasok sa loob ng coffee shop.
Kung ano ang lapad ng ngiti ni Clara ay siyang kabaligtaran ng tatlo na hindi maipinta ang mukha. Isang oras lang naman late si Clara at ang mas malala ang dalaga ang nagyaya.
"Ganda ka, te?" bungad ni Jayson pagkalapit ni Clara. Napataas naman ang kilay niya ng hawiin lang nito ang buhok. Talagang nagmamaganda!
"Hello, everyone!" masayang bati ni Clara at hindi pinansin ang sinabi ni Jayson. Masaya siyang umupo sa bakanteng upuan na para talaga sa kanya.
"Sino uminom sa iced coffee ko?" tanong ni Clara nang mapadako ang mga mata niya sa iced coffee na nasa kanyang harapan. Para na itong tubig.
"What do you expect? Isang oras ka lang naman late. Isang oras mo lang pinaghintay 'yan. Kaya imbes iced coffee 'di naging water coffee," inis na sagot ni Sarah pero bakas naman ang pagbibiro sa boses niya.
Clara lips formed into an 'o' like she was surprised.
Napailing na lang ang tatlo sa tinuran ng dalaga.
"Kung 'di lang kita kaibigan, ahh!" angil ni Jayson na gusto ng kutusan si Clara na parang tanga pinagmasdan pa ang iced coffee na naging tubig na. "Bakit mo ba kami pinapunta rito at pinaghintay pa?"
Bumalik ang ngiti sa mga labi ni Clara ng maalala na naman ang tagumpay niya. Pinag-ekis niya ang mga braso sa tapat ng dibdib at isa-isang tinignan ang mga kaibigan na naghihintay sa kanyang sasabihin.
"Guys! Destiny did it!" impit na hiyaw ni Clara habang nangingislap ang mga mata.
Hindi naman ma-gets ng tatlo ang sinasabi ni Clara kaya tinuon nila ang tingin dito. Tingin nagsasabing 'Elaborate'. At mukhang nakuha naman ni Clara ang tingin na pinupukol sa kanya ng tatlo.
Minsan pang tumili si Clara pero mahina lamang dahil baka makaagaw pansin sa mga katabing lamesa.
"Ganito kasi guys, diba, humingi tayo ng sign for me to decide what to do." Sabay-sabay na nagsitanguan ang tatlo. "And guess what?" excited na sambit ni Clara at nagpapadyak pa.
"Don't tell us that....." namimilog ang mga matang tanong ni Jayson.
"Yes! Tatlong araw na hindi siya nakipags*x sa kanyang opisina!" mahinang sambit lang ni Clara na pinipigilan talagang magtitili.
Napasinghap ang tatlo sa ibinalita ni Clara. Si Sarah at Jayson ay nanlalaki ang mga mata habang si Raymond ay naipilig ang ulo. Bakas sa tatlo ang gulat.
Ilang minuto ang lumipas na walang nagsalita na ipinagtaka ni Clara. "What? Naputol ba mga dila n'yo?"
"Se-seryoso ka, gurl?" ang tanging nasambit ni Jayson na unang nakabawi pero tila hindi pa rin makapaniwala.
"Mukha ba akong sinungaling?" Itinuro pa ni Clara ang sarili. Bigla siyang napatakip sa tenga ng tumili si Sarah at Jayson. Natawa pa siya ng sitsitan sila ng mga katabi nilang lamesa upang sabihan na 'wag silang maingay.
Para namang tangang naghawak kamay pa si Sarah at Jayson na impit pang tumitili. Para sa kanila ay talagang may himala.
"So...What's next?" tanong ni Raymond dahil mukhang wala pang balak tumigil ang dalawa na magtitili ng tahimik.
Dahil sa tanong ni Raymond ay naagaw niya ang atensyon na ng dalawa- sina Sarah at Jayson.
Muling tumuon ang tingin ng tatlo kay Clara na busy na sa pagsipsip sa kanyang water coffee.
"Well, not bad," komento ni Clara ng maubos ang iniinom. Napangiwi naman ang tatlo at iisa ang nasa isip.
Anong lasa ng water coffee?
"Ano nga ba?" kaswal na tanong ni Clara dahil hindi niya rin alam ano ang susunod na gagawin.
Bumagsak naman ang balikat ng tatlo. Inaasahan na may plano na ang dalaga. Pero ano nga bang aasahan nila rito?
"Ok, dahil ang desisyon ni tadhana ay ituloy ang Operation: Flirting 101. Kailangan mo ng simulan bukas. Tatlong linggo na lang meron tayo para maakit mo ang aking iniirog," malanding sambit ni Jayson at kumurap-kurap pa na tila pinapangarap ang lalaki.
"Jayson, sa akin siya!" sita ni Clara.
"Ay! Paladesisyon ka rin, noh? Sayo na, agad-agad?" taas kilay na turan ni Jayson.
"Ah, basta. So...Ano na ngang gagawin ko? Paano ko siya lalandiin?" inosenteng tanong ni Clara. Nakakaramdam siya ng excitement, isipin na nakiayon ang tadhana sa kanya.
"Sundin mo 'yung tinuro namin sayo," mungkahi ni Sarah.
"No way! Ayoko!" mabilis na kontra ni Clara. Nang huli niyang sundin ang tinuro ng mga ito ay pinagtawanan siya ni Sir Anthony.
"At bakit ayaw mo?" mataray na tanong ni Jayson.
Umirap naman si Clara. "Ginawa ko 'yun the next day after you colored my hair. And you know what his reaction?" naiinis na kwento ni Clara.
"What?" chorus pang tanong ng tatlo.
Nalukot ang mukha ni Clara. Ayaw na niya sana ipaalam kasi nakakahiya. Pero kilala niya ang tatlo at hindi rin siya makakawala kaya nagsimula na siyang ikwento ang nangyari.
Malakas ang tawa ng tatlo matapos magkwento ni Clara. Sino ba naman hindi hahagalpak sa tawa? Ang sabi landiin hindi patawanin.
"Will you stop laughing! So, annoying! Pinagtawanan na nga ako at dahil 'yun sa turo n'yo! Tapos tatawa-tawa pa kayo! Sakalin ko leeg n'yo, eh."
"Ba-bakit may iba pa bang sinasakal?" natatawa pa ring tanong ni Jayson.
"Oo, sakalin ko 'yan p*nis mo para tumayo!" matapang na sagot ni Clara.
"Iwww! Your so gross Clara! Watch your mouth!" nandidiring sambit ni Jayson.
"Tawa pa more? Kulang pa?" patuloy pa rin ni Clara.
"Ok. Ok. Seryoso na tayo at oras na," awat ni Sarah. "Kasi naman gurl, hindi naman kasi ganun ang sinasabi namin. Not literally bite your lower lips. Just the half way," paliwanag ni Sarah.
"What do I know? Sabi n'yo kasi kagatin ko ang ibabang labi ko," laban ni Clara.
Napailing na lang ang tatlo sa sagot nito.
"Gurl, lalandiin mo at hindi mo patatawanin. Sample nga ng kagat labi," pang-aasar ni Jayson.
At si Clara naman na hindi napansin na pinagloloko lang siya ay sinunod ang sinabi ni Jayson. Kaya muling humagalpak ng tawa ang tatlo. Muli rin sila nasita.
Pinaningkitan ni Clara ang tatlo na hindi niya matukoy kung kaibigan ba talaga.
"Wait, an-ang panget! Mukha kang gigil na gigil," komento ni Raymond na pilit pinipigilan matawa.
"Ayoko na, tama na! Seryoso na tayo," natatawa pa ding sabi ni Jayson.
"Hoy! Tigil na nga kayo, naiinis na si Clara. Baka bigla magwalk out 'yan," sabi ni Sarah na pigil din ang pagtawa.
Hindi nagsalita si Clara at hinintay lang na makamove on ang tatlo niyang magaling na kaibigan.
Nang mapansin ng tatlo pananahimik ni Clara ay umayos na sila ng upo. Alam nila na anumang oras ay lalayasan sila nito.
"Tulad nga ng sinabi namin kanina. Start tayo sa basic, which is more on body language," simula ni Jayson.
Natuon naman ang atensyon ni Clara rito. Willing talaga siya matuto. Hindi dahil sa desperada siya pero parang ganun na rin. She mean is; for her own sake. Hindi na naman talaga siya bumabata, malapit na siya mawala sa kalendaryo.
"There are lots of way how to do this flirting. Though, we are only choosing the best five that will surely make him wants you," kinikilig na sambit ni Sarah. "At 'yung makukuha mo agad."
Napatango-tango naman si Clara habang nakikinig. Para siya isang estudyante na nag-aaral at desididong makuha ang pinakamataas na marka.
"Clara, tandaan mo, landi lang ang gagawin mo at walang bubukaka. I-behave mo 'yang p*ke m-" natigil ang sasabihin ni Jayson ng hampasin siya ni Sarah.
"Apakabulgar ng bunganga mo! Pwede naman; perlas mo, kabibe, tahong and so on..."
"Talaga ba? Sa kanya mo sabihin 'yan at baka nagtatanong na siya kung ano 'yun," turan ni Jayson. Thinking how Clara mind works, kaya literal na niyang binanggit at baka saan pa siya pahanapin nito.
Napangiwi na lang si Sarah dahil may punto naman si Jayson.
"Masarap ba talaga pag malaki?" wala sa sariling tanong ni Clara na ikinanganga ng tatlo.