Aviana Kye Parehas kaming nagulat ng binata ng biglang sumulpot si aling Luseta sa loob ng opisina. Ang makalapad namin mga labi, kusang nagkahiwalay tsaka akong kinabig ng binata. Para isisik sa kanyang katawan at napatingala ako sa binata ng bumuntong hininga siya ng pagkabigat-bigat. "Aling Luseta?! Bakit hindi muna po kayo, kumatok?" Tanong ni Deacon kay aling Luseta. Hindi ko mawari sa imahinasyon ko kung ano ang naging itsura ng ni aling Luseta sa nadatnan niya at sa nakita niya. "Deacon, hijo. Ilan beses na akong kumatok. Pero walang sumasagot. Kaya nagdecide na akong pumasok rito sa opisina, niyo. Akala ko kasi busy, kayo sa trabaho at kaya hindi niyo naririnig ang pagkatok ko. Iba pala pinagkakaabalahan niyong dalawang, magkaibigan. Kayo talaga, dalawa!" Rinig kung paliwanag

