Chapter 36

1360 Words
Aviana Kye Hininto ni Deacon ang sasakyan niya sa tapat ng isang bahay na gawa sa puro kaloy, ang buong kabahayan at sa magkabilang gilid ng pinto nito may nakasabit na dalawang ilaw na nagsisilbing liwanag sa tapat nito at pansin ko rin na may maliit na hagdan iilan palapag lang ang hakbangan patungo sa naka sarang pinto ng bahay. At ang daraanan na daan ay hindi maputik. Kundi puro damong maliliit nagsitubuan sa lupa na may mga batong din nakahalera sa daraanan nito. Ganito 'yung nakikitang kung style ng mga bahay sa ibang bansa kapag nagtra-travel kami ng parents ko. Siguro foreigner ang may ari ng bahay na to'. Kaya ganito ang style ng house niya. "Baby, go down first. Just wait for me in front of the door. This car will be parked on the side of the house." Saad ni Deacon tsaka tumingin sa labas ng kotse. Napakalakas parin ng ulan hanggang ngayon. Hangggang makarating kami dito ganun parin ang panahon. Kung baba ako mula sa kotse niya at maaring mabasa ako kaagad kung susugurin kung magtungo sa bahay na 'yon. Wala pa naman akong dalang damit na pamalit kung sakali talagang mabasa ako sa ulan. "Is there an umbrella in your, car?" Tanong ko sa kanya at bumaling akong tingin sa likod baka makita ako ng payong doon. "Wala. Pero may sumbrero itong jacket ko, suot mo. Hindi ka mababasa n'yan.." At siya na ang nagsuot ng sumbrero sa ulo ko na hindi ko napansin kanina na may ganito pala itong suot kung jacket niya na kulay black. He kissed me on the lips pero saglit lang ng matapos niya ayusin ang suot kung jacket. Para siguradong hindi ako mababasa sa pagsugod ko sa malakas na ulan. "What is that kiss, for?" Nakapamewang kung tanong sa kanya. "So you don't get, cold. When you get out of the car..." Aba... May ganun pa siyang nalalaman? Maiibsan ba ang lamig ng katawan ko sa simpleng halik lang niya sa labi ko. Napapailing nalang ang ulo ko sa pinag-gagawa niya. "Tskk... Ang dami mong alam, Deacon." Aniya ko sa binata. And prepare myself to dash into the heavy rain as I get out of the car. "It is better to know many than to know, nothing." Pahabol na sabi niya bago kung buksan ang pinto ng kotse. What he means? Usal ko sa sarili ko tsaka binuksan ang nakasaradong pinto ng kotse. Sinalubong ako ng malalakas na hangin na kinabigla ko at napayakap sa sariling katawan. Pati mga tuhod ko nangatog sa lamig ng hangin sa labas. Ganito ba kasama ang panahon ngayon araw. "Huwag kang baba, baby. Ihahatid na kita hanggang sa loob ng bahay. Baka magsakit kapa 'yan?" Sabi niya na may pagalala sa boses ng binata. "H'wag na, kaya ko naman... Malakas lang yung hangin..." Pagmamatigas kung sabi sa kanya at niyakap ko muli ang sarili sa tindi ng hangin na pumapasok sa loob ng kotse. "You see? 'Yan ba yung kaya? Halos mamalukton kana d'yan sa car chair, na yan!" Paninirmon ni Deacon sa akin at lumabas na siya sa kotse at sinugod ang malalakas na buhos ng ulan nang makarating na siya sa tapat ko basang-basa ang binata pati ang suot nito basa na rin. Nakaramdam ako ng awa sa binata baka magkasakit ito ng dahil sa akin. Noong mga bata pa kasi kami at sa tuwing nakikita niya akong naliligo sa ulan, ginagaya ako ng binata. Hanggat sa hindi tumitila ang ulan hindi kami titigil sa paglalaro sa labas noon. Nand'yan yung maghabulan kami at magtampisaw sa malakas na buhos ng ulan at kalaunan pag uwi ng binata sa bahay nila ay inaapoy na siya ng lagnat at ilan araw din siya bago gumaling at madalas kaming napapagalitan ng mga magulang namin dahil sa paglalaro sa ulan at simpre sakatigasan na rin ng ulo namin noon. Sa pagsapit kasi ng june at july ito yung favorite namin na month ni Deacon. Ang tagulan dahil parehas kaming boring nun dalawa at madalas walang pasok sa school kapag sumasapit na ang mga buwan na yon dahil sa daming bagyong dumarating sa bansa at simpre wala kaming mga kapatid na pwedeng makalaro kundi kaming dalawa lang ng binata. Kaya doon nalang namin binubuhos ang oras namin sa paglalaro. Kapag nga may gustong sumasali sa amin sa paglalaro na ibang mga bata. Lalo na mga lalaki na mga kapit namin sa subdivision. Madalas napapaway siya at sinasapak ang mga ito kapag nagpupumilit sumali sa laro namin dalawa. Iwan ko ba kung bakit ganun siya kaarte sa ibang mga bata. Yon yata ang pinaka ayaw ni Deacon sa lahat. Lalo na kapag hindi niya gusto ang mga kalaro namin. Minsan naglaro kami ng bahay-bahayan walong taon gulang palang kami noon. Siya ang tatay at ako ang nanay at ang anak namin ay isang laruan na doll lang. Kunwaring galing siya sa trabaho at dumating siya sa bahay na may pasalubong sa amin na anak namin na doll. Tapos lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa labi ko na parang totoong magasawa talaga. Na shock ako sa ginawa ng binata nun. Kasi hindi ko akalain gagawin niya yon sa murang edad namin dalawa at doon niya yata nakuha yung idea na yon sa pinanuod sa amin ni mommy na love story na may kasamang kissing scene. Pulang-pula ang mukha ko noon at si Deacon titig na titig sa pinapanuod niyang naghahalikan sa tv na hindi kumukurap ang mga mata niya. Parang pinagaaralan niya yung ginagawa ng bidang lalaki doon sa babae kung paanong halikan ng lalaki yung babae. Isa yon sa mga hindi ko makakalimutan noong mga bata pa kami. Kung gaano siya talaga gago. At mabuti nalang hindi nakita ni mommy ko ang ginawa niya ng maghatid ng meryenda ang ina ko sa kwarto ko. Gusto ko sana siyang isumbong noon kay mommy. Ang kaso baka pagalitan siya ng parents niya at pati sa akin magalit ang binata kapag sinabi ko yung ginawa niyang paghalik sa akin. Actually nasundan pa yon noong sampon taon gulang na kami ng may nag-abot sa akin ng flowers at chocolate na isa sa mga classmate kung lalaki. Pagkatapos kasi maabot ng classmate ko mga binigay niya sa akin. Kinuha ito ni Deacon sa kamay at tsaka binato sa may harden ng eskwelahan namin at tsaka niya ako hinalikan sa labi na may nakakita sa ginawa niya. Pagkatapos ng ginawa niya nagmadali ako umuwi noon at doon ako dumiretso sa bahay nila para isumbong talaga siya sa kanyang parents. Nang makarating na ako sa bahay nila at nakaharap ko na ang mga magulang niya halos hindi ko maibuka ang bibig ko nun ng makita ko ang mga mata niyang malungkot at bigla akong kinain ng konsensya sa gagawin ko. "Ano tapos kana ba magmuni-muni d'yan, baby? Nakangiti kapa!" Inis niyang singhal sa akin ng bumalik ang kalamayan ko sa nakaraan namin dalawa. Bumalik ang pagalala ko sa binata ng makita ko siya basa talaga siya habang nakatunghay siya sa akin. "Wala ito. Basa kana! Baka magkasakit ka yan?!" Pagalala kung sabi at bumaba na rin ako sa kotse ng makita ko ang itsura ng binata at lumapit ako sa kanya para punasan ang basa niyang mukha dahil sa ulan. "Ayos lang ako, Aviana... Hindi na ako bata... Kapag nabasa ng ulan ay magkakasakit, agad..." Pagsusungit niyang saad sa akin at kapwa na kaming basang dalawa. It seems that the mixture of his habit has changed again, it's hard when you're with someone who is even more moody than you. "Halika na nga. Pumasok kana sa loob. Baka ikaw pa ang magsakit 'yan hindi, ako." Paalala niyang sabi at tsaka hinakbayan ako ng binata at kinulob ang ulo ko ng dalawang malapad niyang mga kamay at nagkalad sa patungo sa bahay. Nang makarating kami sa tapat noon binuksan niya agad ang pinto at pinasok at tulak niya ako at sinira ang pinto na hindi man lang ako nakapagsalita at nakapag tanong kung saan ang banyo rito. Pati kusina para makapag handa ako ng mainit na inumin para sa amin dalawa. Basta nalang niya ako iniwan sa loob ng bahay na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD