Aviana Kye
Alas siyete na ng gabi ng matapos ang trabaho ko sa loob ng office ko at tinawagan ko si kuya Oskar. Na huwag na niya akong sunduin pa ngayon sa office. Dahil magtutungo ako sa condo unit ni Paul, at doon nalang namin itutuloy ang naudlot namin date na dapat kahapon pa. Pumayag naman ang akin boyfriend sa kagustuhan ko na sa condo nalang niya kami magdate dalawa. Para din makapag usap kami ng maayos, sa hindi namin pagkaka-unawaan noong nagdaan araw.
Inayos ko muna ang mga gamit ko sa ibabaw ng office table ko tsaka nag-retouh ng kaunti para naman kaaya-aya tignan ang itsura ko kapag nakaharap ko na mamaya si Paul. Ng matapos na ako, lumabas na ako sa loob ng office ko at nagtungo sa pwesto ni Aling Luseta na haggang ngayon nandito parin sa labas ng office ko kaya naglakad ako patungo sa kanya at nilipitan ko siya.
"Aling? Luseta. Bakit nandito parin kayo? hindi paba kayo uuwi?" Tanong ko sa kanya kaya naman napa-agat siya ng tingin sa akin.
"O, ikaw pala Avi. Uwi na rin ako, Tinatapos kulang itong ginagawa ko, hija."
"Ano po ba 'yan ginagawa niyo? Para saan po, 'yan? May meeting po ba, bukas?" Sunod-sunod kung tanong sa kanya ng pansin ko na tambak ng mga papel ang table niya.
"Wala naman, hija. May hinihingi lang importanteng mga papel's ang bestfriend mo para daw mapag-aralan niya ang tungkol sa mga negosyo niyo. At mukhang talagang naghahanda na ang bestfriend mo na si Deacon, sa pag-iisa ng mga companies niyo hija." Masayang sabi niya sa akin. Mukha rin siyang exticed sa manyayari. Napanguso nalang ako.
"Pumunta pala yung na lalaki na 'yun, dito?" Pabulong ko tanong. At bahagyang kinagat ko ang ibabaw ng labi ko at nag-init ang magkabilang kung pisngi dahil sa nanyari kahapon sa loob ng banyo. Bakit ba bigla nalang sumusulpot ang eksena na 'yun sa isipan ko na walang pasingtabi na parang sirang plaka paulit-ulit.
"Oo, hija. Pero saglit lang siya dito
tsaka nga pala. Hiningi niya ang contact # mo sa akin kanina ng pumunta siya dito. Nakakapagtaka lang kayong dalawang magkaibigan? Makapit bahay lang kayo at nagkikita rin kayong dalawa. Bakit hindi niyo alam ang contact # niyo sa isat-isa?" Napapaling na tanong ni Aling Luseta sa akin at tumayo na sa pagkaupo. Oo, nga no? Kahit ako hindi ko rin alam ang contact # ng binata. Simula ng bumalik siya dito sa pinas. Siguro hindi lang ako interisado pa malaman yung bagay na 'yun. Para saan pa wala man kaming mahalagang pag-uusapan.
"Mauna na po ako, aling Luseta." Paalam ko sa secretarya ko. Hindi ko na sinagot pa ang tanong niya sa akin baka humaba pa usapan namin dalawa at humakbang na ako palabas ng company.
"Magandang gabi. Ma'am, Aviana..." Nakangiting bati sa akin ni manong guard. Nagsisilbing tiga bantay sa company namin kapag wala nang tao sa loob.
"Magandang gabi din, po... Pwede po ba niyo ako itawag ng taxi." Utos ko kay manong guard.
"Oo, naman ma'am. Wait lang, itatawag ko po kita ng masasakyan niyo." Tumango nalang ako kay manong guard. Dahil malayo ang sakayan ng taxi kaya kailangan ko maghintay ng kaunting oras dito sa labas.
"Hi, ma'am, Aviana." Maarte bati sa akin ni Lans. Nang makalapit sa akin. Pakendeng-kendeng pa kung maglakad.
"Hi, din." Tipid kung tungon sa kanya. At napasuri ako sa physical anyo niya. Napataas ang isang kilay ko. Sayang ang lahi nito. Gwapo naman at maganda ang pangangatawan. Ang kaso naging bakla lang. Kahit sinong babae makakadarapa sa kanya kung naging tunay na lalaki lang ito. Kung sakali lang sa isip-isip ko.
"Hmm. . . Ma'am, Aviana... Bakit ganyan kayo magkatingin sa akin?! Virgin pa ako ah!" Maarte niyang sabi sa akin. Akala siguro ni Lans. Pinagnanasahan ko siya. Kaya nasabi niya iyon sa akin.
"Sira ulo! Anong sa tingin mo sa akin may pagnanasa sayo?!" Mataray kung saad.
"Aba, malay ko, Ma'am?! Ang lagkit kasi ng tingin niyo sa akin e. Parang katulad kay Sir, Deacon..." Sabay halakhak ng malakas ng sira ulong baklang to...
"Timang ka, Lan.. Anong tingin mo sa mga mata ko. Pangdikit? na malagkit kung tumingin sayo. At paano naman na, pasok sa usapan natin si, Sir. Deacon mo dito ah?! Nakikita mo bang tinititigan ko siya?!" Pagsusungit kung tanong sa kanya. Masisira pa yata ang araw ko ngayon dahil sa isang ito. Kani-kanina lang habang kausap ko si Aling Luseta, si Deacon din ang mukhang bibig niya. Pati ba naman itong kausap ko si Deacon din ang mukhang bibig din Hindi na siya maalis sa isip ko simula kaninang umagang pag-gising ko. Hanggang dito parin sa company namin Deacon parin... Napasuklay nalang ako sa maalon-alon kung buhok dahil sa inis.
"Oo, Ma'am. Kapag pumaparito siya, dito... Iba yung tingin mo sa kanya? Singlakit ng candy ang tingin mo sa kanya, katulad ng ganito, Ma'am...." Akmang edidemo niya kung paano akong tumingin kay Deacon.
"Umayos ka... Sasapakin kita d'yan, bakla ka! Humanap kana nalang ng ibang kausap mo.. Yung katulad mo.. Sinisira mo ang gabi ko..." Inis kung sabi sa kanyang. Sa kakulitan niyang.
"Sorry, po. Matanong kita ma'am, Aviana. May date ba kayo ni Sir, Deacon, ngayon? Good luck po, ma'am!" Cheers niya pa sa akin. Kaya biglang Nagsalubong ang dalawa kung kilay at napangiwi sa huling sinabi ni Lan.
"Hindi siya ang kadate ko. Kundi ang boyfriend ko. Kung gusto mo siya makadate? Kayong dalawa magsama, kayo...." Tss... Nang makita ko na yung tinawag ni manong na taxi naglakad na ako patungo doon.
"Ma'am, Aviana! Hindi kami pweding magdate ni Sir, Deacon. . . Parehas kaming gwapo......" Sigaw na sabi ni Lans. Napabuntong hininga nalang ako sa narinig na pahabol na sabi ni Lan. Hindi ko rin naituloy yung itatanong ko sa kanya dahil sa sobrang kadaldalan ng bakla na 'yun..
"Salamat po, manong..." Pasasalamat ko at binuksan ko na ang pinto ng taxi at sumakay na.
"Walang ano man. Ma'am, Aviana." Aniya sabi ni manong guard at umalis siya ng makapasok na ako sa loob ng taxi.
"Saan po punta niyo, ma'am?" The manong driver asked me.
"Ascott bonifacio global city manila po manong driver." Sabi ko sa lugar na pupuntahan ko.
"Okay, ma'am..." Mahigsing sagot ni manong driver sa akin. At habang nasa biyahe ako laman parin ng isipan ko ang nanyari sa amin ni Deacon kahapon sa loob ng cr. Bakit ba hindi ko makalimutan 'yung part na 'yon? na nanyari sa amin. Hindi ko rin lubos na maintindihan ang akin sarili kung bakit hinahayaan kulang manyari yung bagay na 'yun sa amin dalawa. Kinapa ko ang dibdib ko kung nandoon parin paba 'yung pagmamahal ko sa binata dati. Kung nandito parin yun? Tama bang, iwasan ko na siya at layuan siya. Pero sa tuwing gagawin ko naman 'yun. Pilit naman kaming pinaglalapit ng mga tao na malalapit din sa amin katulad ng mga parents namin. At lalo na sa darating na buwan. Pag-iisahin na ang office, na gagamitin namin dalawa. How can I avoid Deacon if that's how we're set up?
Paano nalang kung malaman ng asawa ni Deacon na may kasama siyang ibang babae sa loob ng office nito. Na kahit sabihin pa na mag bestfriend kaming dalawa. Pero ang sagwa parin tignan lalo't na may asawa tao na si Deacon. Bakit ba hindi naisip ng mga magulang namin ang sasabihin ng asawa ni Deacon. Lalo na akin dahil makakasama ko sa loob ng office si Deacon. Baka paratangan pa akong kabet nun? Kung sakaling bumisita ang asawa niya sa magiging office namin. At ayaw ko pa naman ng gulo kung sakaling manyari 'yon. Hindi ko alam kung saan ako lulugar? Kung ma-aari lang pabayaan ko nalang ang mga companies namin at binata nalang magpatambok nun. Ang kaso hindi ko naman pwedeng gawin 'yon ng basta- basta lang. Malaki ang sakripisyo ng mga magula ko sa mga negosyong naipundar nila. Tapos pababayaan kulang dahil sa isang tao.
Paano naman ang nararamdaman ko ngayon?! Maybe I still have feelings for Deacon. Kahit ginawan na niya ako ng hindi maganda noong nakaraan linggo sa loob ng bahay nila. Hindi ko parin nagawang magtanim ng galit sa binata or masuklam man lang. At sa tuwing hahalikan niya ako sa mga labi ko hindi ko rin siya magawang, itulak palayo sa akin. Baka nadadalang ako sa init ng hatid ng mga halik niya akin. Or baka naman namimis kulang ang boyfriend ko kaya hindi ko siya magawang itulak palayo sa akin. Siguro baka iniisip lang, ng isip ko. Na boyfriend ko ang halikan ko hindi ibang tao. Pero malaki ang pagkakaiba ng mga halik ni Deacon, kesa kay Paul. Hindi kulang alam kung saan ba bahagi ang magkaiba. Why do I compare those two? Basta ang alam kulang meroon ako nararamdaman na may something sa bawat halik ni Deacon sa akin.
Kaya minsan napapaisip ako kung bakit hanggang ngayon. Hindi ko parin kayang ibigay ang sarili ko kay Paul. Na kahit na umabot na kami ng 3years na magkasintahan ni Paul. Pero never naman sumagi sa isipan ko makipag talik sa kanya. Dahil ba until now mahal ko parin si Deacon at natutulog lang ba itong damdamin ko para sa kanya? At gigising nalang kapag handa na ako ulit mahalin siya. Pero imposible kung mahal ko parin ang binata. Edi dapat nagseselos na ako sa mga babaeng nakakainterest sa kanya katulad kahapon sa restaurant. But I could feel no jealousy. Ayyy iwan?! Bakit ko ba iniisip mga ganun bagay. Na mas lalong nagpapagulo sa utak ko. Baka nasisiraan na ako ng bait sa ulo n'to.
"Ma'am.. Nandito po tayo sa pupuntahan niyon, lugar..." Rinig kung sabi ni manong driver sa akin. Nagulat pa ako sa boses ni manong.
"Ganun po ba, manong? Pakihinto nalang po d'yan sa isang tabi." Aniya ko kay manong driver. Nilulublob na naman kasi ako sa malalim na pagiisip pati ang diwa ko nawala sa tamang pwesto. Inayos ko muna ang akin suot na damit na pang office na medyo nagusot sa akin pag upo sa likod ng backseat. Dahil wala akong dalang pamalit na damit. Mas pinili ko nalang ito lang din suotin ko sa date namin ni Paul. Total sa bahay lang naman niya kami kakain at tsaka saglit lang naman ako doon. Hindi naman ako magtatagal sa bahay niya. Kailangan ko rin kaagad makauwi para makapag pahinga ng maaga.
"Manong. Magkano po ba babayaran, ko?" Kuinuha ko ang wallet ko sa loob ng bag ko para makapag bayad na ako kaagad at napatingin ako sa suot kung relo 10minute na pala akong late sa usapan namin ni Paul. Kaya dali-dali akong humugot ng pera sa wallet ko.
"100 peso, po ma'am." Singil sa akin ni manong.
"Heto po bayad ko, manong. . ." Sabay abot ko kay manong ng pera na hinugot ko sa akin wallet. Sinukbit ko na ang dalang kung bag sa akin balikat at tsaka bumaba na ng taxi.
Sa bawat hakbang kung binibilisan ko ang paglalakad dahil umaadar ang oras at baka mainip na ang boyfriend ko sa kakahintay sa akin. Ayaw pa nun, pinaghihintay ng matagal lalo na sa ganitong sitwasyon na may usapan kami.
"Aviana!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig kung may tumawag sa pangalan ko. Kaya naman napalinga ang ulo ko kung sino ang tumawag sa akin.
"Aviana..." Tawag muli sa pangalan ko upang palingon ako sa direksyon na yun. Kung saan ng galing ang yung boses na tumatawag sa akin.
Isang matakad na lalaki ang palapit sa akin na nakangiti pa. Kung hindi ako nagkakamali isa rin ito sa mga kaibigan namin ni Deacon. Noong mga bata pa kami. Nakabalik na pala siya dito sa pilipinas. Halos sabay din kasi sila ni Deacon umalis. Na una nga lang binata bago siya. Ng makalapit na sa akin si Clement Gay. Niyakap niya ako ng mahigpit kahit ako napayakap sa binata. Ang tagal ko din hindi siya nakita at na kamusta.
"Kamusta kana, Aviana?" Tanong ng binata at bumitaw na kami sa pagyakap sa isat-isa.
"Ayos lang... Ikaw kamusta kana din? nakabalik kana pala dito sa pilipinas? hindi ka man lang nagpasabi, diyan..." May himig na pagtatampo na sabi ko sa kanya. Isa kasi si Clement Gay na tinuring kung kuya sa amin pagbabarkada. Mabait kasi ito si Clement at ubod din ng gwapo.
"I'm fine. Kababalik kulang noong nakaraan linggo. Huwag kana magtampo d'yan hindi bagay sayo. Tsaka sinundo naman ako nila Maxton, at Deacon. At iba pang mga kalalakihan. Hindi ko na pinaalam sa inyo. Alam ko naman busy kayong mga babae, para magsundo lang sa akin." Sumangot nalang ako sa harap niya. Kahit busy man kami, kung siya ang darating? Simpre mag-lalaan kami ng oras para makasama kami sa pagsundo sa kanya.
"Maski na.. Sana nagpasabi ka man lang sa amin nila Claire, at Itsayazana. Pati ba sila alam na nandito kana sa pinas?"Pagtatampo kung sabi sa kanya. Hindi siya sa akin. Lalo na tumayo siyang kuya ko. Noong maliit pa kaming lahat. Lumiling ang binata.
"Huwag kana magtampo, Aviana. May pasalubong naman kayo sa inyong tatlo e." Pacute niyang sabi sa akin. Bahagyang ginulo ang buhok ko na parang bata.
"Hindi ka parin nagbabago? Ang hilig mo parin guluhin ang buhok, ko." Nakanguso ko sambit.
"Kahit ikaw. Hindi ka parin nagbabago nakasimangot ka parin kapag kaharap mo ako." Pag-aasar niya sa akin. Kaya naman parehas kami napatawang dalawa.
"By the way. Why you here nga, pala?" Tanong ko sa kanya at patingin siya sa hawak niyang cellphone na parang may hinihintay na tawag. "Hinihintay kulang sila."
"May hinihintay ka, sino?" Kunot nuong kung tanong ko sa binata. Na kahit ako napasunod sa paglinga-linga niya sa paligid ng wala siya maparating na tawag mula sa cellhpone niya.
"Bro... Kanina kapa namin hinahanap nandito lang pala?!" Sabay kami ni Clement Gay, napalingon sa likuran namin.
Kaya ganun ng ang gulat ko ng bumangan sa harapin ko si Deacon at iba pa namin mga kaibigan.
"Oh, magkasama pala ito si Clement at Aviana?" Takang tanong ni Briger.
"Nakita ko siyang bumaba sa taxi. Kaya tinawag ko siya at kinamusta ko rin. Kaya nakita niyong kaming magkasama." Mabilis na paliwag ni Clement kay Briger. Tsaka niya ako hinakbayan. Ngumiti siya sa akin. Kaya kumanti na rin ako ng tipid ng ngiti sa kanya. Iniwas ko patingin sa gawi ni Deacon sa tuwing makikita ko ang mukha niya naalala ko na naman ang mainit na pinagsaluhan namin sa loob ng cr kahapon.
"Bakit kulang tayo ng, isa? Nasaan ang kuya Maxton, mo Briger?" Tanong ni Deacon kay Briger. Ako, Tahimik lang nakikinig sa mga pinag uusapan nila habang naka-akbay parin sa akin si Clement Gay. Samantalang Malcom, at Lincold, Bailey, Manddox, Khole Jhon,at Kian Cole. Abala sa pag-pintot ng mga hawak nilang cellphone na parang bang may mga katext at napapangiti pa sila. Aba marunong din pala ngumiti mga ito kahit asal demonyo ang mga ugali.
"Susunod lang daw siya. Tatapusin lang niya mga ginagawa niya ngayon."
"I see." Tipid na sagot ng binata kay Briger.
“Ikaw, Aviana. Where are you going why are you here in this place?" Lahat ng mga mata nila sa akin na baling sa. Tanong sa akin ni Clement gay.
"D'yan lang sa tabi." Tipid kung sagot sa kanya. Pero obvious naman doon sa isa na hindi naniniwala sinabi ko. Kitang kita sa mga mata niya na hindi siya kumisido. "So kung hindi siya naniniwala. Wala akong paki sa kanya." Sabi ko sa sarili ko.
"Saan d'yan?" Khole Jhon, ask me. At luminga pa sa paligid upang tignan kung saan ba ako talaga pupunta. Ang hirap na may kaibigan na mga lalaki, pati papunta ko sa ibang lugar kailangn pa talagang nilang usisain pa. Parang si Deacon lang din, kung umasta ang mga ito. Nahawa na sa kabaliwaan ng kaibigan nila.
"Basta, diy_____." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng marinig kung nag rinig ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa loob ng bag ko upang tingnan kung sino ang tumatawag sa akin.