Nang itapak ko ang mga paa ko sa lupa ay ipinikit ko ang aking mga mata at saka ko nilanghap ang sariwang hangin. Na miss ko ang lugar na ito. Ilang taon? Halos mahigit apat na taon na simula ng lumisan ako makipagsapalaran sa ibang bansa. Oo. Apat na taon dahil nang matapos ang kontrata ko ay pinakiusapan ako na mag-extend pa ng dalawang taon dahil kulang daw ng mga tao ang kompanya. Malaki ang offer kaya kahit gustong-gusto ko na talagang umuwi ng mga panahong iyon ay nanghinayang naman din ako sa pagkakataon at sa kikitain kaya nanatili pa rin ako. At ngayon nga, nakauwi na ako. Tapos na ang kontrata na pinirmahan ko. “Kaya po ba, Manong?” tanong ko sa tricycle driver na lumapit sa akin sa bus station. Hindi ko talaga pinaalam kahit kanino na uuwi na ako. Walang alam sina na

