Naasikaso na pala lahat ni Matias ang lahat ng mga kailangan namin para mabilis naming pagpapakasal. Kinausap ako nina nanay at tatay kung handa ba raw ako sa pagpapakasal kay Matias. Tumango ako dahil pinag-isipan ko rin naman kung ano talagang desisyon ko. Kapag hindi ako pumayag ay tiyak na mapapalayas ang mga taong mahal na mahal ni nanay sa paanan ng bundok. “Matias, sigurado ka na ba talagang magpapakasal na tayo?” tanong ko sa kanya. Magkasama kami ngayon at patungo sa bayan para mamili ng damit na susuutin ko sa simpleng kasal namin. Gusto ko nga sana na iyong bistida ko na lang na kulay puti pero sabi ni nanay ay paghandaan ko naman daw dahil kahit paano ay mahalaga ang araw ng kasal ko kahit pa ikakasal lang kami ni Matias para iligtas ang Las Palmas. “Daria, huwag mong s

