Episode 30

1555 Words

Dahil nga madalas kaming magkainitan ng tiyahin ng asawa ko ay ayoko na rin talaga siyang makasama kung tutuusin. Kung nagkataon lang talaga na dalawa ang bahay sa hacienda ay matagal ko ng niyakag si Matias kasama nina Lola Bebe para lumipat na lang kami at iwan si Lyneth Matias. Pwede naman talaga naming gawin pero ayoko naman na dahil lang sa hindi ko kayang pakisamahan ang tiyahin ng asawa ko ay maisuko niya ang bahay na sa nararapat lang na siya ang manahan. Maging si Lola Bebe tuloy ay na stress sa tuwing nalalaman na nagkakasagutan nga kami ng isa pa niyang senyorita. Hindi ko naman talaga maiwasan lalo pa at alam kong mali ang ginagawa ni Lyneth Las Palmas. Nang makapagluto ako ng tanghalian ay inilagay ko na baunan ang kanin at ulam at sa bukid na lang kami magtatanghalian ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD