CHEN Nakatitig ako sa kisame, iniisip ang desisyong ginawa ko. Ano nga ba ang gusto ko? Ito ba talaga ang gusto ko? Tumagilid ako at tumingin sa may bintana. Kalmado kong tiningnan ang langit. Maaraw ngayon, at walang masyadong ulap. Asul ang makikita mo at hindi ang puting ulap. Ilang araw na ba nang huling ulan? Kapag talaga walang magawa lahat mapapansin mo. Pati yung langgam na naghahanapbuhay para sa pamilya niya, yung langaw na kanina pa dapo ng dapo sa'yo at yung umiilaw mong cellphone na lowbatt naman. Teka? Ba't ba 'to umiilaw? Archie... Tapos na ang madaliang kontrata, ilang linggo na rin akong di nagpapakita kay Raile. Simula nang maghiwalay kami ni Darwin nabangenge ako at di na muna lumabas. Hinayaan ko lang na magring ito. Matutulog uli sana ako nang bumukas ang pin

