Chapter 9 - Slumber Party

1052 Words
CHEN Naupo kami at hinintay ang papasok. "Wag kang mag-aalala ako nalang kakausap." pagpepreainta ko dahil wala naman siyang balak ngumiti mamaya umatras pa yun sa usapan lalo na pagsungitan nitong pinaglihi ng sama ng loob. "Eh ba't mo ba ako pinapunta dito?" "Para may kasama akong umuwi." "Sana nagpasama ka nalang sa mga kaibigan mong bakla." "Nahiya naman ako sa katrabho ko." "Eh san---" "Uy, ayan na pala siya--- good evening Mr. Austria! Hi Mister or Miss Aus--- aray! Ra--- asdfghjkllkjhdhjjafskh" nagulat ako nang bigla niya akong kurutin at tinakpan ng unan sa mukha. "Bakit mo ba ako dinala dito?" naniningkit ang mata niyang bulong sa akin as if papatayin siya. Problema ne'to? "Uhm may problema ba?" mahinahong tanong ni Mr. Austria habang inaayos ko naman ang nagusot kong buhok. Kaloka. "Uhm... Ah. Wala Mist--- mis---" "Call me Dylan. Hahaha, wag Miss di pa naman ako nagiging babae hahaha." Humugot naman ng isang malalim na hininga si Raile at umayos na rin. May saltik rin 'tp eh. "Have a seat." alok nito kay Dylan at umupo naman ang huli sa tabi ko. Teka.... Di kaya? RAILE Pumasok ako sa kuwarto namin ni Coco ngunit walang tao. Saan naman kaya nagsusuot yung kukong yun? "Bulaga!" panggugulat nito sakin. "Pag ako tinopak pepektusan talaga kita." "Bakit wala ba?" mapang-asar nitong tanong. Akmang papasok na ako nang magsalita siya. "Cheret lang! Tara sa kuwarto ni Archie!" "Bakit?" tanong ko. "Slumbbbahhhh parteeeeeh!" masayang sigaw nito habang blangkong titig lang ang ipinukol ko sa kanya. "So?" "Sama ka dali! Masaya 'to." "Ayaw ko." Papasok na ako nang iangkla niya ang kamay sa braso ko. "Sige na pleeease." pagmamakaawa ni Coco. "Bitaw." maawtoridad kong utos. "Basta pag hindi ka pumunta hihilahin kita palabas." bilin nito. Napairap nalang ako. Bad mood ako ngayon? Kelan ba hindi? Tsk. Ah basta di ako pupunta. Naligo ako nang mabawasan naman ang bigat sa katawan ko. Halos kalahating oras ang itinagal ko sa banyo at lumabas rin. Nagsuot ako ng paborito kong pajamas, isang sweater na may mukha ni bugs bunny at yung rabbit slippers ko. Nang matuyo na ang buhok ko ay dinama ko ang kalambutan ng kama. Papapikit na ako nang may humawak sa binti ko. "Coco isa! Pag di mo yan bitawan tatadyakan kita!" sabi ko habang nakabaon pa rin ang mukha sa malambot na unan. "Pag di ka tumayo diyan dadaganan kita." Nagulat ako nang marinig ang boses ni Chen pero dahil nakabaon ang mukha ko sa unan di ito nakita ni Chen. Bakit ba di ko nilock yung pinto? "Tatadyakan talaga kita!" sigaw ko na halos bulong nalang dahil sa pagkakabaon ng mukha ko sa lupa. "Dadaganan talaga kita!" Papadyak na sana ako nang bitawan nito ang binti ko. Ngumiti ako at pipikit na sana ulit nang maramdaman ko ang bigat sa likod ko. Akmang titihaya na ako pero ang bigat ng nasa likod ko. "Sabi ko dadaganan kita kaya wag kang gumalaw diyan. Behave!" "Pag ako namatay dito mumultuhin talaga kita!" sigaw ko pero halos bulong nalang dahil sa pagkabaon ng mukha ko sa unan. Unti-unti narin akong nawawalan ng hangin habang patuloy na nagpipilit tumihaya. Nang makatihaya ako ay bigla siyang pumaibabaw saakin at dinaganan uli ako. "Ano ba?!" singhal ko habang nagpupumiglas. "Dinadaganan kita? Diba obvious?" "Alis sabi eh!" Nagpupumiglas ako pero nakataob siya habang parang nakayakap sakin habang ipit ang braso ko kaya di ko ito magalaw. Idagdag pa ang bigat niya. "Ayaw." "Alis!" "Basta sasama ka." sabi nito habang nakasiksik ang mukha sa pagitan ng leeg ko at balikat. Naiilang na ako dahil ayaw niya talagang bumitaw. "Rae, ang bango mo." halos pabulong niyang sabi. Napaiwas ako ng tingin habang patuloy sa pag-amoy ang bakla. "Pag ito ba hinalikan ko, okay lang sa'yo?" halos pabulong niyang tanong. Ayaw kong magsalita at alam kong mauutal ako pero wala rin naman akong mapagpipilian. "O-oo. S-sasama na a-ako." "Dito nalang tayo, mas gusto ko dit--- aray!" Ginamit ko ang kamay ko para kurutin siya sa tagiliran. "Kahit kelan talaga mapagpatol ka! As if chochorvahin kita no?" umupo na siya at umalis sa pagkakapatong sakin. ''Pero pupunta na talaga tayo doon?" "Oo bakit?" "Dito nalang tayo. Try natin gumawa ng bab--- aray!" Tinadyakan ko siya sa binti ang manyak ng baklang 'to. "Eh wala namang masama dun. Dalaga ka, binata ako." "Pag di ka tumigil susuntukin kita, alis na!" "Sama na kasi." "Oo na!" Tumayo ako at pinonytail ang buhok ko. Nauna siyang maglakad papunta sa pintuan at nang makalabas na siya ay dagli kong sinara ang pinto nang maipit ang kamay niya. "Aray!" daing niya. Nagulat ako kaya binuksan ko ito. "Sabi na nga bang gagawin mo yan eh!" bigla niyang hawakan ang magkabilang balikat ko nang bigla kaming tumama sa sofa dahilan para mapahiga ako at matumba siya. Ngiting aso ang ibinigay niya sakin. "Di ka talaga matinong kausap." Pinaalis ko siya sa sofa pero di sinasadyang mahulog siya sa sahig at dahil hawak niya ako nadala ako at ako naman ang pumaibabaw sa kanya. Pipingutin ko na sana ilong niya nang biglang iniba niya ang posisyon. Akmang pipikutin niya rin ang ilong ko nang ibahin ko ang posisyon namin. Nagpagulong-gulong kami hanggang tumama kami sa pader. Ako ang nasa ibabaw. Para hindi na siya makaganti ay inipit ng tuhod ko ang kamay niya. "Ah-ray!' Nagulat ako at napaupo at tiningnan ang kamay niyang nagkukulay violet. "Teka teka, kukuha lang ako ng ipanggagamot diyan." Pumunta ako sa first aid kit at ginamot yung kamay niya at nilagyan ng bandage, nang hindi masaktan kung matatamaan. Tumayo ako at pumunta sa pintuan. "San ka pupunta?" "Sa kuwarto ni Archie, saan pa ba?" "Di mo ako isasama?" "May paa ka, tumayo ka." "Pilitin mo ako." "Tadyakan kita?" "Hawakan mo lang kamay ko palabas, sige naaa." Napairap nalang ako at hinawakan ang wrist niya dahil nakabandage naman yung kamay niya at wala rin akong balak hawakan yung kamay niya. "Answeet naman ng girlfriend ko." Hinarap ko siya at tinaasan siya ng kilay. "Mapagpatol ka talaga! Lakad na nga! Panira!" Binitawan ko ang kamay niya at naglakad papunta sa kuwarto ni Archie. Nang malapit na ako ay biglang may humawak sa mismong kamay ko at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Anong ginagawa mo?!" "Hinahawakan kamay mo." Hawak niya ang kamay ko gamit ang libre niyang kamay at patay malisyang naglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD