Iniwasan ko si Tyron after that night and he didn't even do anything para kausapin ako which is a good thing. Alam kong ilang beses ko ng sinasabi na snobero talaga siya minsan pero this time, snob kung snob talaga kaming dalawa. Sa ibang kwarto ako natutulog at hindi naman siya nagtanong kung bakit. Siguro dahil alam na niya. Saka pumapasok na rin siya sa trabaho niya nung nakaraang araw kaya lagi na lang akong mag-isa sa bahay. Secret lang natin toh ah? Pinapapunta ko dito minsan sina Mico at Lyla pag wala siya. Wala kasi akong makausap. Di naman matinong kausap ang mga empleyado nila dito. "What's your plan, Gianne? Sooner or later your parents will know about this." ani Mico. Kinwento ko na rin sa kanila yung totoong deal sa pagitan namin ni Tyron. Of course hind

