Walang mapaglagyan ang kaligayahan niya habang nakakulong sa bisig ng kasintahan na si Aquill. Mahimbing na ito natutulog pero siya gising na gising pagkatapos ng mainit at masuyong pag-angkin sa kanya ng binata. Ramdam na ramdam niya na nagpipigil lang ito na maging marahas sa kanya pero sa kabila niyun pinaramdam nito sa kanya kung gaano siya nito kamahal. Ang bawat ulos nito sa kanya ay lalo nagpapasidhi sa nararamdaman niya para sa binata. Pero..mas gusto niya kung naging mapusok ang binata sa kanya! Hay,Sabina..epekto ba yan ng ininom mong dugo kaya nagiging mapusok ka na ngayon! Natigilan siya sa isipin iyun. Humigpit ang pagkakayakap niya rito na siyang kinamulat ng binata. "Hey,bakit gising ka pa?" paos nitong usal. Hinalikan niya ang panga nito paakyat sa bibig nito. "May

