"Okay, Guys." Pumalakpak pa si Glenn upang magtagumpay sa pagkuha ng atensyon ng kasamahan. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan. Ang ilan ay tapos na at nagkukwentuhan samantalang ang iba sa kanila ay kumakain pa din. "I have something important to tell you, guys." Pag uumpisa ni Glenn. Umayos naman ng upo ang lahat at tumahimik. Isang sandali pa ay lahat sila ay nakatingin na kay Glenn na tila hinihintay itong sabihin ang nais na sabihin. "We met a girl in another building. Just beside this building that we are in. And they have plenty of food and stuff." Tumigil muna sandali si Glenn habang pinapanood ang bawat isa na taimtim lamang nakikinig sa kanya. "I ask them if they can accept us there until the rescue. I'm thinking it throughout this day since paubos na din ang stock ng ro

