Lahat ay nakaayos na at handa ng umalis. Si Ricci na hawak ang kanyang baseball bat habang nasa kaliwa ang girlfriend na si Gabby. Si Gavin na may hawak ding baseball bat na katabi ni Gabby at si Ruphert na may baseball bat din at Anita na hawak ang kutsilyo ay nasa unahan ng mga ito. Nais ng apat protektahan si Gabby. Nasa bandang unahan naman nila si Noah at Glenn na may hawak din na kanya kanyang armas. Sa likod ng dalawang binata ay sina Yuki na hawak si Zebby at katabi ni Myrna. Si Deiji na nakabantay kay Yuki at Zebby habang hawak ang kamay ni Michelle. Si Zanya at Zenia na magkawak din ng kamay banda sa pinakalikod kasama si Bianca na binabantayan naman ni Christ at Roy. "Michael, mag ingat ka." Huling paalala ni Michelle sa kambal habang tahimik na humihikbi dahil sa takot at

