It's been a month since the whole thing with Ethan happened. Am I okay? Definitely not. Does it still hurt? f**k yes. Have I moved on? Absolutely not. Hindi naging madali ang lahat. Araw-araw parang mas lalo lang akong lumulubog sa sakit at hinanakit. Akala ko okay na ako nung nagdesisyon akong mag-move on mula kay Ethan, pero na-realize ko na nagsisinungaling lang pala ako sa sarili ko. Ang pagtataksil ni Ethan ay parang nagbalik ng lahat ng sakit na pilit kong kinalimutan. Parang bumalik ako sa simula, pero ngayon may bago na akong mga peklat na sumasakit sa puso’t kaluluwa ko. Dumadaan ang bawat araw na parang nasa ulap ako, walang emosyon. Parang hindi na ako nabubuhay nang totoo—survival mode lang, isang araw sa isang pagkakataon. Lahat ng tao sa paligid ko mukhang naka-move on na

