“What the hell happened to you?” tanong ni Gabe, nakatingin sa ice pack na nakadikit sa mukha ko. “Ethan,” ang sagot ko na lang, hindi ko na talaga trip makipag-usap sa kapatid ko. Punyeta! Hindi ko pa rin matanggap na nag-away kami ng gago na ‘yon. Napikon ako sobra, hayop na salita kasi ang binato niya. “The cop?” tanong niya ulit, curious. “Ava’s new man?” Sa sinabi niya, nag-init agad ang ulo ko. Tinapon ko ang ice pack sa dingding. “He’s not her f*****g man!” singhal ko sabay tayo. Ramdam ko pa rin ang poot, sobrang litaw ng emosyon ko. Hindi ko gets kung bakit hindi makita ni Ava na may mali talaga sa hayop na ‘yon. Wala pa rin akong nahuhukay na malala tungkol sa kanya. Yung mga reports, okay naman siya. Walang kakaiba, pero iba talaga kutob ko. May tinatago ‘yung lalaki, sig

