Missing Rowan Takot ako. Simple lang. Dalawang buwan na ang nakalipas, pero hindi ko pa rin kayang harapin si Ava o kahit man lang kausapin siya. Ano ba ang sasabihin ko sa kanya? Paano ko haharapin ang babaeng inisip kong niloko ako, pero sa huli, siya pala ang walang kasalanan? Nahihiya ako. Sa sarili ko. Sa lahat ng nagawa ko sa kanya. Sa pagpapabaya ko at sa paniniwala kong karapat-dapat siya sa pagtrato sa kanya ng lahat. Ang hirap tingnan siya sa mata, ang hirap humingi ng tawad. Hindi ko alam kung paano ba mag-sorry, lalo na’t hindi ako sanay na mali. Pero pagdating kay Ava, palagi akong mali. Humigop ako ng whiskey, pilit nilulunod ang konsensyang bumabagabag sa akin. Kahit papaano, kahit ilang minuto lang, puwede kong magpanggap na hindi gumuho ang mundo ko nang malaman ko ang

