"How dare you?" ramdam ang galit sa boses ni Ava. Nakangisi lang si Brenda, parang wala siyang pake. “It’s not my fault that the brat can’t look where she’s going. Limited edition itong Louis Vuitton dress at muntik na siyang masira dahil sa juice!” Hindi talaga magkasundo sina Ava at Brenda. Alam kong binu-bully si Ava dati sa school, at si Brenda ang laging nambibiktima. Yung batang pinag-uusapan nila, nakatago sa likod ni Ava. Siguro mga five years old pa lang siya. Ang cute, naka-pink na damit, heart-shaped ang mukha, maliit ang labi, at mahaba ang itim na buhok na lagpas hanggang likod. Napaisip tuloy ako kung anong itsura ng anak namin ni Ava—yung may kulay abong mata ko at brown na buhok ni Ava. Bigla akong natigilan. Ano 'tong iniisip ko? s**t. Pinilig ko ang ulo ko, tinanggal

