Chapter 27

3116 Words
Bandang 6pm ay nagising ako, tulog pa si Baby at Si Xavier, nagising akong nakayakap sya sa akin, pinagmasdan ko sya..Mahimbing pa ang tulog nya..Naalala ko kanina bago ako mapapikit inabutan nya pa ng dede si Aeolus, malamang sya na ang nagtuloy magpatulog dito. Nakatitig lamang ako sa kanya,He is so responsible and loving man, a husband material, Bonus na lang na Gwapo sya at mayaman pero ganitong lalaki yung papangarapin ng mga babae. Kaya araw araw din akong nahuhulog sa lalaking ito dahil araw araw nya rin pinaparamdam na mahal nya ako, maging ang kapatid ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, Hinaplos ko ang kanyang buhok at hinalikan ko sya sa kanyang labi, simpleng halik lamang iyon, nagulat ako ng bigla syang Tumugon sa halik ko at nagmulat ng mata.. "Staring is Rude Ms.Escaño, wika nya sabay yakap sa akin ang ending tuloy nasa ibabaw nya ako at naka lapat ako sa katawan nya, ang dapat na pag bangon ko ay naunsyami dahil pinigilan nya akong tumayo. "Love pa gabi na mag reready pa ako ng dinner natin," wika ko "Don't move love..lets cuddle for a while.,na miss ko to. Mag order nalang tayo ng food later, wag kana muna magluto, all you have to do is to stay with me,cuddle and.. you know..." Wika nito saka ngumiti. "Okay, your wish is my command," tugon ko naman sa kanya na natawa na lamang din. He started to kiss me again, tinutugon ko naman ang bawat halik nya, Hangang sa ang aming mga halik ay naging mas malalim, We do our intimate bebe time, touching, caressing each other body, he loves to su** my breast always kapag ginagawa namin ang ganitong bagay. Nag iwan din sya ng mga hickeys sa aking katawan, pero hangang ganito lang naman kami, dahil until now hindi ko parin na isusuko ang perlas ng sinilangan sa kanya. ( Hahah Team Matatag yarn)? After namin gawin ang bagay na iyon ay nag decide kaming bumangon na, tulog padin si aeolus, Sinamahan nya akong magluto, kahit na kasi oorder sya ng Food parang gusto ko parin magluto ng soup pra nadin kay aeolus, At after noon ay umupo na sya sa sofa at nagbukas ng Tv at nanood ng balita.at pagkatapos ko naman magluto ay sinamahan ko rin sya nasa ganong pwesto kami ng Biglang tumunog ang phone nya.hindi nya ito sinasagot, kayat ng tumunog ulit ito ay inusisa ko na.. "Love bat ayaw mo sagutin sino ang tumatawag?" Tanong ko sa kanya. "Si Suzanne, hayaan mo sya love, wala naman syang agenda sakin para tawagan nya ako." "Baka importante love? Wika ko naman sa kanya. "Importante? Wala akong maisip, di ko naman sya empleyado para may isangguni sya sa akin" "Malay mo diba sabi nya ikaw palang kilala nya dito? Baka kailangan nya ng tulong." Wika ko naman "Hayyy...Napakabait mo talaga love, hayaan mo sya love mag te text yun kung importante wika nya. Hindi ko nalang sya pinilit maya mayay nagising na si baby at dumating narin ang inorder naming pagkain Naghain na ako ng dinner namin at kumain narin kami. Habang kumakain ay biglang bumukas ang pinto, Nagulat kami ng Niluwa noon Si Tita Xena, Tito Vernon at Kuya Xandreb may dala silang mga foods. "Hi Good evening love Birds" bungad ni tita Xena. "Hello po, Goodevening Pasok po, Kain po" wika ko naman, "Mom, Biglaan naman po ata ang pagpunta nyo, Di po kami nakapag handa nag order lang po kami. Kain na po" yaya naman ni Xavier sa mga ito. Wala naman silang inaksayang oras umupo narin sila sa hapagkainan. Habang kumakain ay tahimik lamang si Xavier kami ni Tita Xena ang nagkwekwentuhan samantalang tahimik lamang silang mga lalaki. Hangang sa Nagsalita si Tito Vernon. "Xavier Anak, kumusta ang kompany na hinahawakan mo? Wala ka bang balak lumipat sa Cromwell.?" Tanong nito. "No po..Saka andyan naman po Si Kuya para sa Cromwell kaya hindi na po ako kailangan, At masaya din ho ako sa Kompanyang Pinamumunuan ko ang osteller. "Baka lang naman kasi Bigyan mo ng chance..."hindi pa natutuloy ngunit sumingit na ulit si Xavier. "I told you dad, Sa osteller lang ako, Di ko tatangapin yang inaalok mo sa Cromwell and thats Final! Wika ni Xavier medyo halata nadin sa salita nito ang pagka irita kaya hindi nadin nagtanong pa ang daddy nito. Samantala Pansin ko naman ang pagiging tahimik ni Kuya Xandreb. Pansin kong pag napapatingin ako ay Umiiwas ito ng tingin. Inalok ko sya ng soup na niluto ko. "Kuya Xandreb...Soup oh..niluto ko yan.." wika ko sa kanya, saka lamang sya tumingin, ngumiti at tumango "Thank you Eris" wika nya saka kinuha ang soup. Matapos naming kumain ay buhat buhat ni Tita xena si aeolus, tuwang tuwa kami dahil sayaw ito ng sayaw at kunwaring kumakanta habang pinapasayaw ni tita xena napakabibo talaga nito. At nag dadaldal din ito.. Papa ng Papa sabay turo kay Xavier. Kaya pagkasayaw nito ang biglang tumakbo kay xavier.. Tawang tawa naman si Xavier dahil sa kanya Gusto ni Baby. Binuhat nya ito saka hinalikan. "Baby Aeolus Sinong love mo? tanong nito kay Baby. "Papa" sabay kiss at hug kay Xavier "Wow...ang Sweet naman Si Papa Xavier naman pala ang Love ng bebe" How about Mamita. baby. " Dagdag pa nito at tanging tawa lang ang sinagot ni aeolus. Mas panatag syang umupo sa kuya xavier nya. Halos maiyak ako sa kakatawa sa pabibong si Aeolus, pati si Kuya xandreb at Tito vernon ay nakikitawa na rin, iba talaga pag may bata. Kahit papano nakakawala ng pagod. Hindi ko alam bigla ako nalungkot at naluha, bigla kong naalala si Mama at Papa ng makita kong nilalaro ni Tita xena at tito vernon si aeolus. At nakita naman iyon ni Xavier. "Are you Okay love? Huh... "Ahmm.Yeah..im okay love, wika ko sabay punas ng luha" "Are you sure wika ni Xavier, nakatingin sya sa mata ko,at napansin ang luha ko,bigla nya ako kinabig at niyakap Dun lang ako biglang napahagulhol ng pigil "I miss mom and Dad, wika ko..Singhap lang ako ng singhap pero di ko talaga mapigilan pati ang pagyugyog ng balikat ko dahil sa pag iyak. Yakap yakap ako ni Xavier at Hinahaplos ang likod ko, naramdaman din nila tita xena kayat agad nila akong dinaluhan pati si tito vernon ay napatayo din at lumapit sa amin. "What happen Hija, Xavier anong nangyari" wika ni Tita Xena. Di naman sumagot si Xavier bagkos ay Pinakakalma lang ako. "SHhhh..tahan na love, its okay, Ok lang na umiyak minsan, Basta andito lang ako okay. Andito lang kami. Mahal ka namin at si baby ituring mo kaming pamilya mo..wika ni xavier sa akin. Lumapit si tita Xena sa akin at niyakap at hinaplos din ako sa likod. Lumipat naman ang yakap ko sa kanya. Mis na mis ko na talaga ang mommy ko, kung di lang siguro sila nawala nang maaga ni dad, mas masaya sana, kaso maaga silang lumisan, ang aga ko humarap sa responsibilidad, wala naman sa akin yung pag aalaga kay baby, kaso yung Kompletong pamilya na dapat tinatamasa nya..wala na..maagang kinuha nang di nya man lang nasilayan. Inalalayan ako ni tita xena paupo sa sofa samantalang buhat naman ni Xav si Aeolus, at Si Kuya xandreb naman ay lumapit at inabutan ako ng tubig. "Tubig, Eris, tahan na.." wika nito. Eris, anak..Hwag na hwag mong iisiping nag iisa ka. Were here to support you, wag mo iisipin na iba kami, simula ng mahalin ka ni Xav tinanggap at minahal ka din agad namin,kayong dalawa ni baby. Napatingin ako kay Tita Xena, pansin ko din na naiiyak na sya. " Sa...Salamat po tita..."wika ko naman,tumigil na ako sa pag iyak pero singhap padin ako ng sighap.. Nakaupo ako sa sofa at nasa tabi ko si Xavier, hawak nya ang isang kamay ko,habang si Aeolos naman ay nilalaro nila kuya Xandreb, tita xena at tito vernon. "Maga agad yung mata mo love" kaya ayoko na nakikita kang umiiyak, Tsk.." wika nito sa akin. Narinig mo yung sinabi ni mommy diba, Family ka na..andito kami..kaya wag mo iisipin na lalaki si Aeolus ng walang pamilya, Oo hindi kami ang Family by Blood related, pero sisiguraduhin natin na lalaki si Baby nang may kinikilalang buong pamilya okay love,? Kaya enough na tahan na...wag kana malungkot" wika nito sa akin habang ikinulong ang aking mukha sa kanyang kamay. "I love you love...Mahal na mahal kita Eris" "I love you too Xavier..." Wika ko naman saka nya ako muling hinalikan at niyakap. Maya maya ay lumapit sa amin si Tita Xena at Tito vernon, Alam ko naman na Casual lang ang pakikitungo ni Xav sa ama at kapatid, pero kahit ganon ay kinakausap nya naman ang mga ito. "Ahm...Anak..Nga pala mag a anniversay na ang Cromwell sa sabado, gusto ko sana na dumalo rin kayo, Wala na akong magagawa kung ayaw mong tanggapin ang posisyon na inaalok ko, pero sana sana naman anak, pumunta kayo sa anniversary. Wika ni tito Vernon, Agad namang tumingin sa akin si Xavier parang hinihingi ang opinion ko, tumango naman ako. "Sige po, titingnan ho namin, wika ni Xavier. "Salamat anak, Pero sana maisingit sa schedule nyo, minsan lamang ito, kaya sana makapunta kayo. Wika naman ni Tita xena. "Tama si Mommy bro, sana pagbigyan mo. Wika naman ni Kuya Xandreb. "Copy, we will check, advise ko kayo sa Friday. Wika naman ni Xavier. Makalipas ang ilang oras ay nagdesisyon narin silang umuwi. Naiwan na naman kaming tatlo, Binihisan at inayos ko na si Aeolus ng pantulog,ako naman ay ganon din , kasalukuyan na kaming nasa kwarto, ng biglang pumasok Si Xavier. "Wow...fresh na ang mag ate" wika nito sa amin. Nginitian ko naman sya. "Umupo sya sa may kama at kinandong si baby habang naglalaro ito. "Matutulog na kayo love? May kailangan pa akong tapusin, dun na muna ako sa Study room."wika naman ni xavier. Kung may kailangan ka love katukin mo lang ako okay? Wika pa nito. "Thanks love, patutulugin ko na muna tong si baby. Pagkasabi ko noon ay nagtungo na si Xavier sa study room. Gusto ko syang kausapin mamaya tungkol sa Anniversary ng Company ng daddy nya. Alam ko na hindi pa ganon mag he heal ang sugat ng nakaraan pero wala naman sigurong masama kung kausapin ko sya tungkol dito. Nasa kanya parin naman ang huling desisyon. Kayat nang mapatulog ko si Baby ay kumatok ako sa Study room, naabutan ko syang nakatutok sa laptop at nakahawak na naman sa sintido. Lumapit ako sa kanya at inabutan sya ng gatas. "Love, gatas mo" wika ko sabay abot ko sa kanya. "Thank you love...tulog na si Baby? tanong nya "Oo love nakatulog na, Ahm love..Ahm gusto sana kitang kausapin, I know..usaping family ito at wala akong karapatan, pero gusto ko lang sanang tanungin ka..at ikaw parin naman ang mag de decide.. "What is it love? "Ahm.about tito vernon and kuya Xandreb? Ahm..may chance naman na mapatawad mo sila diba? "Bakit mo tinatanong love, ?" Inutusan kaba nila na sabihin sakin na makipag ayos na ako sa kanila? Wika ni xavier, medyo umiba ang timpla ng boses nito na medyo ikinagulat ko, "No..No love..walang nag uutos sa akin, Kaya nga tinatanong ko lang sayo.Alam ko naman na hindi ganon kadali yung nangyari sayo pero sa tingin ko naman sincere sila sa pakikipag ayos sayo. "Im sorry love...oo kinakausap ko sila ng casual..pero yung kapatawaran na hinihingi nila, mukang hindi ko pa kayang ibigay." Wika nito. "I know...nauunawaan ko naman, Wika ko, Akmang tatayo na ako ng pigilan nya ako. "Im sorry love..Alam kong gusto mo kaming maayos pero im sorry hindi pa siguro eto yung time." Wika ni Xavier na nananatiling hawak ang kamay ko. "Its okay love, I told you, nauunawaan kita, Wika ko saka ko sya nginitian ng bahagya. "Okay lang din kung Hindi tayo makakapunta sa Anniversary nauunawaan ko, Siguro ihahatid ko nalang muna yung cake na order ni kuya then babalik nalang ako after, walang kaso sakin yon, i told you naman kung ano ang desisyon mo, dun ako." Wika ko sa kanya at pinisil ang kanyang kamay. "Salamat love sa palaging pagpili mo sa akin,"saad nya pa saka ako niyakap. "Welcome love...Pano .pasok na ako sa loob medyo antok na rin ako." Wika ko sa kanya. "Sige love tapusin ko lang to then susunod na rin ako matulog. "Ok love, Goodnight.. i love you, wika ko. "I love you more love..goodnight. Matapos naming magpaalaman ay nagtungo na ako sa kwarto at dinalaw narin ng antok. Kinabukasan ay tulad ng nakagawian hinatid ako ni Xavier sa Shop, si Aeolus naman ay inaalagaan ni ate Hilda at naiwan sa Condo. Completo Kami ngayon sa Shop, Si Danna, Troy,Andrei at Si Guia ang bagong part time staff ko. Busy kaming lahat dahil madaming customer. Kasalukuyan akong nagbibilang nang lapitan ako ni Danna. "Mam Eris, Paubos napo yung Milk natin, pati po yung Syrup. "Ganon ba, naku nag message yung supplier bukas paraw makakapag deliver, sige danna Ilista mo at bibili nalang muna ako sa Supermarket. Wika ko kay danna. At inabot naman nito sa akin ang listahan. Kayat kinuha ko ito at saka ako nagtungo sa sasakyan at ipinag drive ako ng bodyguard patungo sa mall. Habang namimili, hindi ko alam bakit Kinakabahan ako, parang may mangyayaring hindi ko maipaliwanag. napatawag tuloy ako kay ate hilda para kumistahin si baby, tulog naman daw ito. Kaya nakahinga ako ng maluwag, pero parang ang lakas parin ng t***k ng puso ko, Nang makabayad ako ay maglalakad na sana ako nang may mapansin akong pamilyar. Tatawagin ko na sana sya, ngunit ang nagpapigil sa akin ay nang makita ko ang mga bagay na nasa kanya. I saw Ate Sol wearing my Moms dress, Sandals and Jewelry. Na shock ako sa nakita ko, Hinding hindi ako magkakamali, Alam kong Kay mom yun.Napaka co incidence naman kung lahat ay katulad kay mama, Halos manikip ang dibdib ko,pano nangyari ito, kaya ng umalis ito ay lumapit ako kay kuyang driver at body guard ko at pinasundan ko si Ate sol. Halos maiyak ako habang tinatahak ang daanan na napaka pamilyar sa akin, walang iba kundi ang daan patungo sa Bahay namin, Bahay na pinaghirapan ng aking mga magulang. Pinipigil ko ang iyak at mas lamang ang nararamdaman kong Hinanakit sa kung ano mang pwede kong malaman. Hindi muna kami masyadong lumapit pinagmasdan ko si Ate sol, pinagbuksan sya ng gate hangnag sa pumasok na sya sa bahay. At after noon ay ako naman ang bumaba. Lumapit ako sa guard na naroroon. "Ahm..Kuya, pwede ho bang pumasoj kilala ho ako ni ate sol. Wika ko na pinakalma ang sarili. Mabuti na lamang at medyo mabait ang guard. Habang papalapit ng papalapit ay Di na magkamayaw ang luha kong pumapatak, Hangang sa Sumapit ako Sa Pinto, At hindi ko inaasahan ang aking Nakita. "ATE SOL.....TITA URSULA? wika ko, Halos parang nakakita naman sila ng Multo ng Makita nila ako. "A...Anong ginagawa mo dito Eris? Galit ngunit tila kinakabahang wika ni Tita Ursula? "Ha..Dapat ako ang nagtatanong nyan sa inyo Tita, anong Ginagawa nyo dito sa bahay namin? "Excuse Me...Bahay ko! Wika ni Tita ursula. "Baka nakakalimutan mong ako na ang nagmamay ari ng inaangkin mong bahay, Naibenta na to sa akin ano. "At paano mangyayarj yun tita ja, never na gagawin yannni mommy. Saad ko. "E kung never gagawin Bakit napunta sa akin? Sige nga. Baka isampal ko sa pagmumuka mo ang documento na may pirma ng ina mo eris! "Kahit na may pirma ni mama naniniwala ako na pinilit sya o ma sign nya ng Di nya alam."saad ko naman sa sinasabi nya. At ikaw Ate Sol anong ibig sabihin nito? Bakit suot mo yang mga gamit ni mommy? Ikaw ba? Ikaw ba yung naging daan para mapirmahan ni mama ang mga documento ng hindi nya alam? Ikaw ba ate sol?" Nanginginig kong sigaw habang umiiyak. Ano bang nagawa namin sayo para gawin mo samin to? You betrayed my mom and Dad,You betrayed us ate Sol! Umiiyak na wika ko. "Hwag mo sakin Isisi lahat eris, Ang kasalanan ko lang ay Mahulog ako sa daddy mo! Wika ni ate sol na ikinagulat ko. "A...anong ibig mong sabihin. "Oo..tama ang narinig mo! Mahal ko ang daddy mo Eris! Isa ako sa natulungan nila ng Mommy mo! At doon ako nagsimulang mahulog sa daddy mo kaya nag apply akong maging kasambahay nyo para mapalapit ako lalo sa kanya, Pero ni kahit minsan hindi nya man lang ako natapunan ng pansin. Wala ng ibang magaling at Bida kundi Si Mam Estella! Ang mommy mo! Kahit konting pagmamahal hindi nya ako binigyan! Pero di ako sumuko minahal ko parin sya. "Anong klaseng pagmamahal na sinasabi mo ate Sol? Masasabi mo pa bang pag mamahal parin yan kahit alam mong nakakasakit kana? Pagbaligtarin man ang mundo nilinlang mo ang mommy ko, hindi nya deserve yun! Napaka selfish nyo! At ikaw tita Ursula, kunwari kalang palang concern, may balak ka pala namang masama, Planado mo pala ang pag papalayas sa amin. Alam ko noon pa man di kana makasundo ni daddy pero sana naman kung may problema ka sana di mo na kami dinamay ng kapatid ko, Di kana naawa kahit sa kapatid ko nalang. Wika ko dito habang napatak ang mga luha. "Hoy,,,Eris, Hwag na hwag mo akong didiktahan ha .kung di lang sila pumalpak Sana nga nagahasa ka nalang...." Wika ni tita Ursula na tila nabigla din sa sinabinnito. "Naririnig mo ba yang sinasabi mo Tita Ursula.. .So ikaw ..Ikaw ang nag utos na pasukin ang shop at ipagahasa ako, pati kapatid ko muntik na madamay! Napaka sama mo..wala kang kasing sama.. Mananagot ka.. wika ko. "Hahaha ano..i dedemanda mo ako? Bakit may pera kaba? Haha E yang kaso nga ng Daddy mo until now d makausad usad..Tapos sasabihin mo na i dedemanda mo ko dahil ako ang nagpagahasa sayo? Hahaha sino namang maniniwala sayo? Eris, Isa ka paring pipichuging babae, hindi mo ako kaya. Kaya umalis kana kung ayaw mong ipakaladkad kita or ipalapa sa aso. "Napakasama mo, Siguro nga sa ngayon hindi kita kaya, Pero pinapangako ko na babawiin ko sayo kung ano ang Sa amin." Wika ko sabay alis palayo. Pagsapit sa Sasakyan ay iyak lamang ako ng iyak maging si kuyang driver ay hindi mapalagay. "Mam, wag na ho kayong umiyak," Ano po bang nangyari sinaktan ho ba kayo? "Hindi po kuya...Kuya pwede ho bang idaan nyo muna ako sa sementeryo pls po.wika ko sa Driver. At sinunod naman iyon ni kuyang Driver. Pagkarating namin ay wala akong inaksayang segundo tumakbo agad ako sa himlayan ng aking mga magulang. At doon umiyak ng umiyak..Tila pati langit ay nakikidalamhati sa akin ng Dahan dahang bumuhos ang ulan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD