Xavier's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw halos magkakasunod na gabi na 9:30 na ako mag out sa Work dahil nga may kailangan akong tapusin dahil 3 araw akong mawawala Nextweek.
Na settle ko na ang Plano ko sa Birthday ni Eris, na inform ko na rin sila mama sa Balak ko, tanging si Eris na lamang ang walang alam sa gagawin ko. (Natural Surpresa nga eh hehe)
Dalawa kasi ang Pinagpipilian ko Either Balesin Island or Alphaland Baguio, Mas pinili ko na sa Alphaland baguio nalang, sa ibang araw ko nalang dadalhin si Eris Sa Balesin.
Everything is settled yung araw nalang talaga ng pag alis ang hinihintay.
Wala namang idea si Eris, busy parin ito sa shop nya hindi nya rin alam na alam ko ang birthday nya mag twe 21 na sya, pwede ko na syang pakasalan ako naman ay 30 na, kung di nyo natatanong 9 years ang age gap namin ni Eris, sadyang baby face lang ako ( haha charr)
Dumating na ang araw na pinakahinintay, Si Aeolus ay Kasama na nila mama na nauna na sa Venue, ipinagpaalam ito ni mama, akala ni Eris ay hiniram lang sa mansion pero ang di nito alam na nasa Benguet na ito kasama sila mama.
Sinundo ko naman si Eris sa Shop, wala parin itong idea,
Nakangiti lamang akong sinalubong nito, nakasuot ito ng ripped jeans at polo na nakatupi pero ang seksi parin ng dating ng mahal ko.
Humanda ka sa akin Bukas mahal ko, wika ko lamang sa aking isip.
"Hi love, lets go, wika ko
"Tara na love, malungkot sa condo ngayon wala si Baby." Wika nito
"Don' t worry love di naman yun pababayan ni mama." Wika ko naman.
Ilang minuto lamang nagulat pa sya ng dalhin ko sya sa Osteller Group of Company.
"Bakit love? May naiwan kaba? Tanong nito sa akin.
"Oo love may naiwan ako eh, tara samahan mo ako, wika ko at sumunod naman sya, magkahawak ang aming kamay patungong elevator.
Nagulat pa sya ng lampasan namin ang Floor ng Unit ng Opisina ko.
"Love lampas na ah san tayo pupunta? Wika nito, Hindi ako nasagot ngunit nakangiti lamang ako sa kanya.
Laking gulat nya ng makarating kami sa Rooftop at nag hihintay ang helicopter na sa sasakyan namin patungong alphaland sa benguet.
"Love, bat may helicopter? San tayo pupunta love?
Takang tanong nya sa akin.
" Its a Surprise love" wika ko saka sya kinindatan, inalalayan ko na syang sumakay sa helicopter.
Nang makasakay na kami at nasiguradong ok na ay Dahan dahan ng pinaandar ng piloto ang Helicopter, Ramdam kong nilalamig sya kayat hinawakan ko ang kanyang kamay.
First time mo love? tanong ko rito.
"Oo love first time ko sumakay sa Helicopter" sagot naman nito kita ang saya at pagka mangha sa kanyang mga mata.
Napangiti naman ako at may Naalala.
"Hayaan mo love sa susunod gabi gabi mo nang ma e experience ang HELICOPTER wika ko, sabay tawa buti na lamang at hindi nya masyadong naintindihan dahil sa ingay.
"A ..anong sabi mo love? Tanong nito.
"Wala love, sabi ko i enjoy mo ang pagsakay sa helicopter" wika ko na lamang.
Eris POV
Sinundo ako ni Xavier sa shop, akala ko pauwi na kami, nagulat ako nga dumating kami sa Osteller akala ko may naiwan lamang sya, agad namin tinungo ang elevator, nagtaka ako dahil nilampasan namin yung unit nang opisina nya, nagulat ako nang dalhin nya ako sa Rooftop at doon ay may nakaabang na Helicopter nakangiti sya sa akin at inalalayan akong sumakay its a surprise daw wika nya.
Nilalamig ako dahil first time ko ito may sinabi sya ngunit di ko gaano narinig dahil sa ingay.
Nang nasa Ere na kami ay labis akong namangha ang ganda sa taas.
Halos 45 mins ng makarating kami sa Lugar, Gabi na ngunit alam kong maganda iyon, nasa mataas kaming lugar siguro ay nasa bandang baguio kami.Inalalayan ako ni Xavier pababa nang Naglalakad na kami Nagulat pa ako ng Sumalubong sa akin si Aeolus na naglalakad patakbo patungo sa amin ni Xav, kasunod naman noon ay sila tita Xena.
"Wahhh..Baby andito ka pala isa ka pala sa kasabwat. Wika ko sa kapatid ko saka ito niyakap at binuhat.
Ngunit nang makita nito si Xav ay dito ito nagpapabuhat
Deehh Yahhh...Deehh Yahh...wika na naman nito at nakataas pa ang 2 kamay.
Tawang tawa naman si Xav na kinuha ito.
"Naku Hija anak, mukang mas mahal na ni Aeolus si Xavier kesa sayo, palagi ng Daddy kuya ang hanap. Wika ni tita Xena.
"Opo nga eh, Mas paborito nya na si Xav kesa sa akin. Wika ko naman na natatawa.
"Wala ganon talaga, Sa mga Gwapo nya kasi gusto sumama hehe diba baby Bayaw." Wika naman nito.
Pumasok na kami sa loob ng aming tinutuluyan, Kina Tita Xena pala ito, ang sabi ni Tita madalang lamang sila pumunta dito, napakaganda ng loob nito at mamahalin.
Minsan daw pinapa rentahan nila ito pag may gustong mag staycation pero hindi rin basta basta only members of Balesin Island Club and Guest of homeowners of Alphaland baguio are allowed to book their vacation here.
Labis talaga akong namangha, lalo na siguro bukas kapag nakita ko na ang kabuuan.
Iginaya na kami ni Tita Xena patungo sa Dining Area nakahanda doon ang masasarap na pagkain.
Nakita ko naman doon si Kuya Xandreb na bahagyang Tumingin sa akin saka tumango umiinom ito ng wine.
Nang makaupo na kaming lahat pati si Xav ay sya naman ang biglang pagtayo ni Kuya xandreb kaya di ako nakatiis.
"Oh kuya san ka pupunta kakain na ah" wika ko rito.
"Papahangin lang ako Eris hehe Don't worry tapos na ako kumain nauna na ako sa inyo nagutom na kasi ako, pano don na muna ako, wika nito at tumango na lamang ako.
Kumakain na kami, si Xavier ay ganado sa pagkain more on vegies ang kinakain nya, Nagulat pa ako ng Bigyan sya ni Tita Xena ng Isang bowl na akala ko nong una ay soup nang maamoy ko ay saka ko lang napagtanto na GINSENG TEA pala ito.
after namin kumain ay tinulungan ko si Tita Xena maghugas ng pinggan,at nagkwelwentuhan kami sa Kitchen habang nag lilinis ng pinagkainan ang dami naming napag usapan simula ng mga bata pa sila Xav, mga paborito nito, yung pagiging close nila ni kuya Xabdreb nung mga bata pa sila.
Hangang sa nagkaron ng lamat yung samahan ng magkapatid, lahat ng iyon ay knuwento ni Tita Xena, hindi nya raw masisisi si Xavier kung bakit lumayo si Xavier sa mag ama, pero kahit na ganon palagi nya parin daw si Xav pinakikiusapan na Hwag magtanim ng sama ng loob kaya nakiusap sya rito na kausapin parin kahit casual lang,at nagpapasalamat daw sya ngayon kahit papano sumasama na si Xav sa mga gatherings nila.
"Salamat Hija, alam ko malaki din ang ganap mo sa buhay ni Xav kung bakit kahit papaano ay pinag bibigyan nya kami.
Masayang masaya ako na dumating ka sa buhay nya, Alam mo bang nung namatay ang GF nya, don nya lang din natuklasan na nag checheat pala sa kanya si Chenley, dun lang natuklasan na naging madalas ang pagkikita ni Chen at ng ex nya sa Hotel w/c is akala ni Xav ay nag uusap lang bilang magkaibigan pero hindi eh, lampas 3 hrs sila mag check in. Kaya grabe din ang nangyari kay Xav, pero kahit ganon wala syang binitawang masakit na salita at hindi parin deserve ni chen na mamatay ng ganon. dagdag pa ni Tita Xena.
"Opo nga, na kwento nya nga din po sa akin yan tita, ahm how about po yung kakambal ni chen? Kilala nyo po ba,? si Suzanne po.."tanong ko
"Oo anak nakita ko,pero Mas maganda ka don, saka malayo sila ni chen sa pananamit palang. Masyado syang daring manamit saka sa pag uugali kasi si chen kahit papano naman eh maayos naman kausap, pero yang kambal nya masyadong feeling close at napaka arte.
Dagdag pa ni tita,
Natigil lang kami sa usapan nang biglang pumasok si Xavier pumwesto sya sa likod ko at niyakap ako mula sa likod, loko talaga to, hindi nahihiya kahit nasa harapan namin ang mama nya.
"Ma, may natira pa po bang GINSENG TEA? tanong nito kay Tita.
"Oo nak meron pa, iinom kaba ulit? Dagdag a nito.
"Opo ma, inumin ko po ulit maya maya. "Wika naman ni Xavier na nakangiti sabay halik at kagat sa balikat ko..Gago talaga to ang harot sa harap ng mama nya.
"Ano bang meron sa GINSENG TEA love e diba kanina mo pa ininiinom yun, grabe ang tapang ng amoy." Wika ko..
"Secret love Pampalakas at pampagana kasi ang Ginseng love.
Dagdag pa nito.
"Pampagana saan Love? taka kong tanong.
"Pampagana KUMAIN hehe" wika nito
Balik muna ko kay Aeolus love patutulugin ko na muna,
Saad pa nito.
"Oh sige love, tapusin ko lang din muna ito susunod narin ako maya maya.
Wika ko naman, At nang matapos na nga kami ay Nagpaalaman narin kami ni Tita, mag 10pm palang pero nagpahinga narin sila tita sa loob ng kanya kanya naming mga kwarto dahil may mga activities daw kaming pupuntahan bukas.
Umakyat na rin ako sa Kwarto na nakatalaga para sa amin ni Xav at Aeolus.