Nang makaalis si Suzanne ay tahimik lamang kaming kumakain ni Xavier, ako na ang unang nagsalita
"Ahm,love kelan mo nakilala si Suzanne? Tanong ko sa kanya.
"Actually nung isang araw lang, bigla na lang sya sumugod dito.kahit ako nagulat din ako ng una dahil identical sila ni Chenley.
"Ahm..Love wala kabang naramdaman i mean syempre kamukang kamuka sya ni Chen, hindi mo ba na mis Si Chen? Mahinang tanong ko sa kanya.
"Na miss? Oo i mis Chen,pero si Chen ay isang ala ala nalang ng karaan.
"Ahh.. i see...wika ko at tinuloy ang pagkain, napansin naman ni Xav ang biglang pagtahimik ko.
"Love, i love you,,,thank you sa food,wika nito na nakangiti.
"Magpasalamat ka rin kay Suzanne, masarap din yung dala nya."
Wika ko naman habang patuloy na kumakain
"Nagpasalamat kana kanina sa kanya, okay na yun"
Wala pa ring makakatalo sa luto mo love. Mas masarap parin.
Wika nito.
"Sus....nangbola ka pa...natatawang wika ko naman,.
Nanatili parin ako sa office nya, ang dami kong nakain, pano ako ang kumain ng dala ni suzanne kayat busog na busog ko, nakatayo lamang ako sa may harapan nya habang sya naman ay may pinipirmahan.
"Bat nakatayo ka love,,? Tanong nya sa akin.
"Nabusog ako love, dami kong nakain pababain ko lang kinain ko.." wika ko sa kanya.
Hinawakan nya ako sa kamay at mas pinalapit sa kanya.
"Busog ka na ba nyan? Kahit busog ka Flat pa rin tyan mo love," wika nya na nakangiti, nagulat ako ng bigla nyang itaas ang damit ko at saka Hinalikan ang Tyan ko.
"Hayaan mo love sa Tamang panahon mabubusog ka ng 9months," excited na ko sa time na yon," wika nya sa akin na nakangiti sabay Hinalikan ang aking tyan.
"Hmm...talaga ba hehe..matagal pa siguro yun love,. Wika ko na lamang.
Dahil busy sya sa mga documentong pinipirmahan ay naupo muna ako sa sofa hangang sa makaidlip ako nang maalimpungatan ako ay nakahiga na ako sa sofa mismo at meron narin akong unan.
Tiningnan ko ang oras at 3pm na, nakita ko si Xavier na kakalabas lamang sa Comfort room. At nakatingin din ito sa akin.
"Love, gising kana pala? Wika nito.
"Oo love naalimpungatan ako. Nga pala love 3pm na pala, kailangan ko ng bumalik sa shop.
"Ganon ba love, mag iingat ka, hatid na kita sa lobby. Wika nito.
Sumakay kami ng elevator at pinindot ng botton patungong lobby.
Hinatid nya pa ako sa mismong sasakyan, bago ako sumakay ay Hinalikan nya pa ako at niyakap saka ako pinasakay sa Kotse.
Nang makasakay ay Tinungo na namin ni Kuyang driver ang shop.
Samantala....
Nang maihatid ko si Eris ay Agad akong bumalik sa Opisina, Laking gulat ko ng Makitang nakaupo si Suzanne sa May Sofa.
"Oh..Suzanne what are you doing here? May kailangan kaba? Tanong ko sa kanya.
"Wala naman, Masama na ba akong pumunta rito, Diba nag promise ka na kakabibinganin mo ako, wala akong ibang kilala rito kundi ikaw lang."wika nito Saka Biglang Humiga sa may Sofa na kanina lamang ay hinigaan ni Eris.
Nakasuot lamang sya ng Skirt kaya sa paghiga nya ay kita ang kanyang hita.
"Pwede bang Umayos ka ng Upo, Hwag kang basta basta hilata dyan.
Wika ko na naaasar na.
"Bakit ano naman sayo? bakit? Tinatablan ka ba? Huh Xavier? Wika nito sa akin at mas lalong lumapit.
"Suzanne Please, pwede ba...kinaibigan kita dahil kakambal ka ni chenley, yun lang yun kaya please di ko alam kung anong pakay mo pero wala akong panahon makipag biruan, wika ko sa kanya.
"At bakit sino bang nagsabing nakikipagbiruan ako ha?
Sinabi ko na sayo Xavier diba.
Gagawin ko ang gusto ko.
"Makakalis kana. .Marami pa akong gagawin," wika ko at saka ito tinalikuran.Ngunit bago pa ako makatalikod ng tuluyan ay bigla na lamang nya Ako sinunggaban ng Halik. Nagulat din ako sa Ginawa nya kayat Di agad ako nakakilos.
"Hmmm...Ano xavier, Di kana nakagalaw dyan..Ano mas masarap ba akong humalik kesa sa kay Eris?"
Wika pa nito na tila nang aakit.
"Umalis ka na..." Walang gana kong sagot ko sa kanya.
"And don't you dare to compare yourself to Eris because You are insulting yourself Dahil malaki ang pagkakaiba nyo, Malaking Malaki.." wika ko dito. At humakbang nako ng tuluyan palayo.
"Hmmm..Talaga..Tingnan natin.." wika nito saka ngumiti ng may binabalak at saka umalis.
Hindi na ako Nakapag trabaho ng maayos sa tuwing naalala ko ang ginawang paghalik ni Suzanne,
Bigla ko na namang naalala Si Chenley..
"Si Chenley ang kasama ko nung mga panahong lugmok ako dahil sa nangyari sa amin nila kuya noon.
Sya ang una kong naging kaibigan sa California nung panahong wala pa akong kakilala.Naging magkaibigan, hangang sa naging magkasintahan kami, Mabait si Chenley,Maalaga din,Kaya minahal ko din sya.Nagkaroon nga lang nang trust issue sa relasyon namin ng malaman kong patuloy syang nakikipagkita sa Ex nya.Ipinaliwanag nya naman sa akin na bilang kaibigan lang ang pagkikita nila at naniwala naman ako, nitong huli ko na lamang nalaman nung nag investigate sa pagkamatay nya na hindi lamang sila sa resto nagkikita. Ilang beses din pala silang nag check in sa Hotel nung kami pa. Syempre nagalit ako, pero di ko na maririnig ang paliwanag nya dahil wala na sya, pero di ko akalain na magagawa nya yun sa akin. Pero kahit ganon pa man, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya, hindi nya pa rin deserve na mamatay ng walang kalaban laban, at ang gumawa pa ay ang lalaking muli nyang pinagkatiwalaan ang Ex nya.
Bumalik ang Pag iisip ko sa kasalukuyan, Napabuntong hininga na lamang ako at tinuloy ang aking ginagawa.
Kailangan ko talagang matapos ang mga ito dahil May pinaplano ako, Malapit na kasi ang Birthday Ni Eris, gusto ko syang i surprise, Yung Birthday na hindi nya makakalimutan, napangiti na lamang ako sa naiisip ko .
Kayat Ginugol ko ang sarili ko sa Pag rereview ng mga docs saka pinirmahan ang mga ito ng masigurdong okay naman.
Tinawagan ko si Eris at sinabihan na baka ma late ako ng Uwi dahil may kailangan akong tapusin at sumagot naman ito.
Samantala..
Tumawag sa akin Si Xavier at pinaalam na male late sya ng uwi kailangan nya daw kasing tapusin yung mga docs at umoo naman ako sinabi ko rin sa kanya na baka late narin ako mag out dahil may mga order na cookies n tomorrow morning pipickupin at sinabi nya rin na sa bahay na lamang kami magkita pagkatapos ng kani kanya naming trabaho.
Alas sais na nang hapon, iilan lang ang customer sa gantong oras dahil dagsa sila kaninang 3-5pm kalimitan ay mga student.kayat ngayon ay medyo tahimik.
Nagulat ako ng biglang pumasok ang isang lalaking naka Black Suit, hindi ko agad ito nakilala kundi tinitigan ko pa ito Walang iba kundi si Kuya Xandreb.Nagpagupit kasi ito ng buhok, hindi na sya badboy tingnan, parang naging magkahawig sila ni Xav dahil sa gupit nya.
"Hi Eris, " wika nya habang nakangiti nag Snap pa sya ng finger sa muka ko dahil sa pagkatitig ko sa kanya.
"Oh,,kuya Xandreb, nanibago lang ako at bagong gupit ka..wika ko naman.
"Haha..ano? Mas pogi na ba ako sa Kapatid ko na Jowa mo? Wika nito saka tawang tawa.
Napailing na lamang ako at sinakyan na lang anf biro nya.
"Hindi no, mas pogi pa rin ang nobyo ko" wika ko.
"Hehe joke labf yun alam ko naman maka Xavier ka. Anyway wala ka bang pa libreng kape dyan? Wala pa kong sweldo eh..utang muna, hehe, " Dagdag pa nito, Pumunta nmn ako sa coubter at ipinagtimpla sya ng kape at inabor ito sa kanya.
"Thank you Eris, nga pala ill just want to apoligize dun sa unang encounter natin pati nung sumunod, sorry. Nadala lang ako.
Wika naman nito.Hindi naman ako makapaniwala sa Nakikita ko, Si Kiya Xandreb? Heto at nag So Sorry? Wala lang di ko lang mapaniwalaan, pero mukang sincere naman sya.
"Okay kung sincere yang pag sorry mo, sorry accepted Kuya Xandreb. Wika ko naman.
"Pero bakit andito ka pala kuya, Dahil lang ba sa libreng kape o sa sorry mo, o sa pag papainggit mo sa bago mong hairstyle hehe" wika ko sa kanya.
Napatawa naman sya at napahagalpak Kita tuloy ang mapuputi nyang ngipin,
"Grabe ka naman sakin Eris, Andito ako para mag order ng Cake, Anniversay Kasi ng Cromwell Phils.Inc then Ipapakilala din ako no Dad.
Sana Pumunta kayo, Invited kayo dun. Wika nya nang bigla lumungkot ang mukha,
"Alam no naman siguro yung nangyari samin Ni Xavier, Sorry Eris, Siguro na kwento nya na sayo, Gusto ko bumawi at mag sorry sa kanya kaya lang di ko alam kung kaya nya akong patawarin sa mga Nagawa ko sa kanya, Ang totoo nyan ako ang nag nagpahamak sa kanya nung mga bata pa kami. Di ko sya masisisi kung bakit Cold ang pakikitungo nya samin ni Dad. Sya ang nasasaktan at sinisisi ni dad everytime na napapahamak kami.
"Oo Kuya na kwento nya sakin masakit naman talaga yung pinagdaanan nya.Pero don't worry kuya darating din yung time na mag he heal yung sugat na naiwan ng nakaraan.Wika ko naman sa kanya
"Maraming salamat Eris, sana nga wika nito.
"So anong cake ang ipapagawa mo kuya" tanong ko sa kanya para naman mawala ang pagiging emotional ng usapan namin .
"Meron kabang Coffee flavor?
"Oo naman kuya gusto mo ba Chocolate cake layered with Caramel and Espresso spiked icing?
"Wow..Mukang masarap yan ah, Sige ikaw ang bahala. Wika nito.
"Okay noted, Sa Saturday pa naman ito need right?
"Yeah .Saturday pa..Papadalahan ko rin kayo ng Invitation, Nasa sa inyo nalang kung pupunta kayo, pero sana makapunta kayo..
"Salamat kuya, kung di man kami makapunta, alam mo na .Pero advance congrats sayo kuya,Dahil dyan may Free kang mini cske pero 20pcs lang..hehe" wika ko
"Talaga ba? Sige ba, pero wag mo na isama sa cake i separate mo nalang, ako lang ang kakain ng Free."
Wika nito.
"Hehee Sige sige noted Kuya.
Sandali pang nanatili si kuya Xandreb sa Shop at maya maya ay nagpaalam narin ito.
"Pano Eris, salamat sa Kape ..Sa saturday nalang ha. Wika nito
"Sige kuya, walang problema, Ingat.
"Salamat, wika naman nito.
After an hour ay umuwi na rin ako, medyo pagod na dahil ang daming customer at ang daming order.
Pagkarating ko sa Bahay ay Tulog na ang kapatid kong si Aeolus, ilang gabi ko na syang nauuwian na tulog na, di na kami nakakapaglaro, pagkarating ko ay nakaluto na si ate Hilda, pinagluluto nya rin kasi kami kapag medyo late na nakakauwi.
"Ate hilda sorry ngayon lang nakauwi daming customer, wika ko dito habang nilalapag ang mga bitbit.
"Ano kaba okay lang yun, Si Aeolus maaga nakatulog nag iiyak kanina, tumutulo ang laway,baka tinutubuan ng panibagong ipin, buti napakalma ko. Nakakain naman sya kahit papano, Wika ni ate, bigla naman akong naawa kay baby kaya agad ko itong pinuntahan sa kwarto.
"Baby ko...sorry late na nakauwi ang ate, papacheckup tayo bukas baby. Babantayan kita bukas.
Wika ko saka ito hinalikan.
"Sya nga pala eris pinagluto ko na kayo, alam kong pagod kayo pareho. Wika ni ate hilda.
"Salamat po ate Hilda, ako napo bahala maghain mamaya hintayin ko nalang po si Xavier.Wika ko naman.
"Oh sya pano akoy Babalik na muna kina yohann, ha.
"Sige po ate salamat po ulit. Wika ko.
Panay ang ingit ni Aeolus, may nararamdaman sigurong masakit kaya Binuhat ko sya at hinaplos haplos ang likod, kinakausap ko rin sya. mama lang sya ng mama.
Lumabas kami sa may sala at naupo sa mau Sofa.
"Tahan na baby ko, Don't cry na. Wika ko kay aeolus habang hinahaplos ito,
Nasa ganto kaming position ng dumating si Xavier,
"Hi love, What happen?
"Iyak ng iyak, tutubuan ata ng ipin love,
"Na check mo na yung mouth nya, umiiyak eh di ko masilip masyado.wika ko naman, Ibinaba naman ni Xavier ang bag ng laptop at agad akong dinaluhan kau aeolus.
"Let me check,love harap mo sakin" wika nito at agad ko namang iniharap sa kanya, Nang maharap ko sa kanya ay binuka nya ang bibig ni baby at maga nga ang mga gilagid nito maskit cguro kaya iyak ng iyak..
"Sorry baby, tahan na.. Come here baby. Wika nito at kinuha sakin si aeolus sumama naman ito at umemlay sa bisig nya.
"Maghahain na muna ako love.."
"Sige love ako na muna dito kay baby Wag ka mag alala ipa checkup natin sya tomorrow" wika nito saka ako hinalikan sa noo, ramdam nya sigiro ang pag aalala ko kayat pinakakalma nya ako. tumango naman ako sa kanya bilang tugon ko.
Habang nakain kami ay karga nya lang Si baby.
Hanga talaga ako sa lalaking to, Husband material ang peg. Pareho kaming galing sa mga trabaho at pagod pero heto sya at inaalagaan pa si Aeolus..
"Love, Thank you and I love You" wika ko dito at napatingin at napangiti naman sya.
"I love you more love,Hayaan mo love nag wa warm up lang ako, para pag nagka baby na tayo Sisiw nalang ang lahat, kailangan ko magpractice maging Daddy dahil balak ko mag anak tayo kahit mga 5 ba..wika nito sabay ngiti ng abot tenga.
"Lima? Ang dami non Love..".
wika ko s kanya habang kumakain
"Ok yun love kaya ko naman kayong Buhayin kahit mag anak pa tayo ng 10, Saka para balang araw mag dadamayan sila sa bawat isa, palalakihin natin silang nagmamahalan at pinagtatangol ang bawat isa. Wika nito.