Sinikap kong Kumilos ng normal, hanggat maari ayoko munang isipin yung mga nangyari nitong mga nakaraang araw kayat tinoon ko nalang muna ang isip ko sa shop at kay Aeolus, maaga narin kaming magsara 8pm ay cut off na kami at 9pm ay close na, ayoko na rin kasing gabihin ang mga staff ko.
Pagkaalis nila ay nag aayos nako isasara ko na dapat ang pinto ngunit biglang umiyak si Aeolus kaya pinuntahan ko muna ito, nang lalapitan ko na ang pintuan para isara ay tatlong lalaki ang nakapasok..
'Sorry po..Sarado na po kami sir..'
Wika ko..kabado na ako ngunit di ako nagpahalata..
"Ganon ba..kung di mo na kami maigagawa ng kape baka pwedeng tumambay kami dito," wika ng isang lalaki
"Oo nga naman..pero masarap daw kasi ang kape dito...mukang kasing sarap ng nagtitinda"..dagdag naman ng isa pang lalaki saka sila nagtawanan, medyo nagulat pa si Aeoulus sa ingay nila.
'Kung ipag gagawa ko po ba kayo aalis narin po kayo pagkatapos..kailangan narin po kasi naming magpahinga ng kapatid ko'..wika ko sa kanila..
'Sige ipag gawa mo kame ng masarap mong kape'..dagdag naman ng isa pang lalaki..
Nagmadali akong pumunta sa counter at naghanda ng Kape..yun din ang ginamit kong oportunidad para tawagan ang pwede ko tawagan at hingan ng tulong..bahala na kung sino ang ma idial ko .mahalaga makahingi ako ng tulong.
Habang nag gagawa ako ng kape ay sinisilip ko sila lumapit sila kay aeolus. Kinuha nila ang cellphone na nasa higaan nito na ginagamit kong pang lulluby ni aeolus, kayat akala nila e yun ang gamit kong cellphone.
Nag riring na ang na dial kong number..
Nang naramdaman kong may
sumagot na nito saka ako nag salita
"Ahmm Sir..pwede po bang Wag na po kayo dyan sa kapatid ko, baka po magising, kawawa naman po." Pakiusap ko.
"Eh ano naman kung magising ha?
Inuutusan mo ba kami ha.?"
Sagot na pasigaw ng isang lalaki,
Kayat nagising nga si aeolus at umiyak ito, akma kong lalapitan c baby ng hawakan ako sa buhok ng isa at idikit sa pader..
Wala akong nagawa kundi ang umiyak dahil naawa ako kay Aeolus natatakot sya sa sigaw ng mga lalaki dalangin ko lang na sana ay naririnig kami ng kung sino mang na i dial ko para humingi ng tulong.
Nakatago ang phone ko sa may florera malapit sa counter dinig naman nya siguro dahil malapit lang ang kinaroroonan namin.
Panay ang iyak ni aeolus, kinuha ito ng lalaki at binuhat..
"Parang awa niyo na..wag nyo idamay ang kapatid ko..sino ba kayo?" Ano bang kailngan nyo sa amin?'". Umiiyak na wika ko.
"Marami kaming kailangan..Pero pwede ring ikaw lang..Tutal naman panigurado solve na kami sayo diba mga pre...Hahahahha."
Wika pa nila sabay nagtawanan..
Samantala..
Nakalabas na ako at pauwi na sana, Hindi ko alam, pero nakakita ako ng Balot sa may daan naisip kong bumili at idaan sana kay Eris bago ako umuwi sa bahay kayat binilhan ko nga ito alam ko kasi kumakain din sya nito.
Habang tinatahak ko ang daan patungo sa kanila nagulat ako ng makitang tumatawag sya kayat sinagot ko agad ito.
Pag ka hello ko, Hindi ko maintindihan pero parang nag uusap lang ang naririnig ko..pinakingan ko itong maigi..may ilang boses ng lalaki akong naririnig hangang sa marinig ko ang boses ni Eris na parang nagmamakaawa at dinig ko rin ang iyak ni aeolus..
Bigla akong kinabahan at binilisan lalo ang pag dra drive hindi ko pinatay ang tawag..rinig ko ang iyak at pag mamakaawa ni Eris ganon din ang iyak ni aeolus na tila takot na takot,
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila..Dinial ko agad ang number ni Yohan isa sa mga kaibigan ko at Umoo naman sila.
"Wag na wag lang kayong magkakamaling galawin ang magkapatid ni Eris ililibing ko talaga kayo ng buhay." Galit na sabi ko sa aking isip.
Samantala
Iyak lang ng iyak si Eris yakap yakap nia na ang kapatid na patuloy parin s pag iyak pero pinapatahan nya ito.
Biglang kinuha na naman sa kanya si Aeolus at hinila sya ng 2 lalaki malapit sa lamesa..
"Hubad"...Wika ng isa na syang ikinagulat ng dalaga..
"Huh? Ah...A..Ayoko po."natatakot at umiiyak na saad ni Eris..
"Sinabi nang HUBAD.
ayaw mo talaga ha."
Bigla na lamang syang tinulak sa lamesa at hinubaran nakipag laban pa sya sa lalaki ngunit nagtagumpay itong punitin ang damit nya..sinisipa din nya ang mga ito ng tangkain ma ibaba ang short nya ..
"Parang awa nyo na Wag..Tulong Tulong..maawa na kayo."
Nahawakan ng mga ito ang short nia at akma ng Ibababa..
Nang biglang bumukas ang pinto Bumulaga doon si Xavier at ang
Ibang kasama nito Agad na sinapak nito ng sinapak ang lalaking naabutan nyang nagbababa ng short ni Eris. Ang kasama nia naman ay iniligtas si aeolus at ang dalawang lalaki naman ay binugbog din ng iba pang kasama nila Xavier...bugbog sarado ang lalaki at di n halos makilala ang muka nito..
Samantalang si Xavier naman Ay namumula na sa galit kakasapak..
Papatayin Kita..Dapat sayo mamatay..walang karapatang mabuhay ang tulad nyo sa mundo..
Usal ni Xavier habang sinusuntok ang lalaki..
Tulala lamang si eris na nakatingin kay xavier lumuluha ito ngunit wala ng Iyak na mailabas..
Doon lamang natauhan si xavier nilapitan nya ang dalaga..
Nagulat sya nga hawakan Ni Eris ang mukha nya habang walang tigil ang mata nito sa pag luha...
"Xavier tama na..hindi ka mamamatay tao..Hwag mong dumihan ang kamay mo..Tama na."
Bigla nalang din napagagulhol si Xavier nang ilapit ang noo ni Eris sa noo nya at biglang niyakap ito..
"Im sorry Eris, pero Hindi ko maipapangako na hindi ko sila mapatay kung may nangyaring masama sa inyo ni Aeolus...
Handa akong makulong...Mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung napahamak kayo."
Sambit ng binata habang yakap yakap si Eris.
Nanatiling umiiyak at nakayakap sakin Si Xavier, 2 beses ko na sya nakikitang galit na galit, mas matindi yung kanina..ibang xavier ang nakita ko...xavier na handang pumatay.
Naiyak na lang ako habang nakatingin sa kanya..2 beses nya nakong nililigtas sa kamay ng ibat ibang mga lalaki Ayokong mapahamak sya dahil sa pagligtas sa akin
Kayat nag lumapit sya sa kin ay Hinawakan ko ang mukha niya at nilapit sa noo ko..nagulat na lamang ako ng bigla nia ako niyakap at nagkaiyakan kaming dalawa.
Im sorry Eris, muntik na akong mahuli..hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nangyari yun,
Wika ni Xavier sa akin,
Habang ako naman ay pinupunasan ang luha naming dalawa..
'Wala kang kasalanan Xavier, Ang totoo nyan hindi ko alam kung kanino ako humingi ng tulong, basta dinial ko lang kung sino ang mahahagip kong tawagan, hindi ko din alam na ikaw..maraming salamat Xavier."
Wika ko naman sa kanya.
Dumating na ang mga pulis para imbestigahan ang nangyari, tinatanong ako ng pulis kung pano nag simula at idinitalye ko naman sa kanila.
Habang iniinterview ako, noon ko lamang napansin na nakasuot pala sa akin ang Coat ni Xavier na ibinalabal niya sa akin kanina dahil nga may punit ang damit ko sa tagiliran,
Habang iniinterview ako ng police ay nasa tabi ko Si Xavier, Hawak nya ang natutulog na ng mahimbing na si Aeolus, buti pa ang batang to Panatag na panatag kay Xavier.
Kanina pagdating, agad binuhat ito ni xavier iyak sya ng iyak pero ng buhatin sya ni Xavier at maramdaman ang bisig nito ay Tila bata itong nagsusumbong at dahan dahang tumahan, napamahal na nga rin ang kapatid ko kay xavier, sa kanilang 2 ng ninong theron nya.
Nagpatuloy ako sa pag sasalaysay sa mga pulis,
Nang bigla akong tanungin ulit..
'Wala ka bang mga kakaibang napapansin nitong mga nakaraan araw Ms.Escaño? 'tanong sakin ng pulis na wari ko ay kaibigan din ni Xavier.
Napatangin ako kay Xavier, at tila tinatanong nya rin sa akin at
Inalala ko lahat.
"Ahm..Sir nung mga nakaraang araw po kasi..Ilang tao po ang napupunta rito para itanong kung magkano ko po binebenta itong shop, di ko nga po alam kung san nila nakuha ang balita na binebenta ko which is never naman.
Tapos, meron pa po, nung isang araw po..may na received din po akong enveloped, nakuha ko po ang larawan ng mga kaibigan ko..Nakalakip din po doon ang sulat na once na humingi po ako ng tulong sa kanila mapapahamak po sila.
At yung huli po.Dapat po Makikitira ako dun sa Best friend ko kina theron, pero kinabukasan po may na received naman po akong picture namin ni theron na nag uusap at ang sabi naman po, Uunahin si theron kapag pumayag akong tulungan nya.kaya hindi ko nalang po tinuloy na doon makitira..Kaso nga lang po eto naman po ang nangyari." Dagdag ko pa.
"Salamat ms.Escaño patuloy naming iimbestigahan ang nangyaring ito." Wika ng pulis.
Pre, Pilitin nyong paaminin ang mga yon kung sino may pakana neto, Kailangan nilang managot..
"Don't worry Xav, ako na bahala dito, mananagot ang dapat managot."
saad naman ni Yohan ang Kaibigang pulis ni Xav.
Pero pre, Dapat sa ligtas na place sila, mahirap na kung mananatili sila dito hangat di pa umaamin ang mga salarin baka mamaya balikan sila.
Dagdag pa ni yohan.
Nakatingin lamang sakin si Xavier nang bigla syang magsalita.
"Eris, sumama ka na sa akin Sa condo ko, i told tou i have spare room, ok kayo no Aeolus doon,
Or kung gusto mo sa Mansion, Wala namang ibang tao doon Si mom lang at mga kasambahay, don't worry may mga Guard doon, walang makakapanakit sa inyo."
"Pero....Pero paano kung Madamay ka Xav....Ikaw, ang Family mo? Ayokong madamay kayo dahil lamang sa aming magkapatid.,"
"Wala akong Pake...Kung matapang sya Ako ang harapin nya, Babae ka kaya ikaw lang Kinakaya kaya nila.Eh Kung Ganyan pala ang labanan Pwes ako na ang lalaban."
"Tama ba yun pagplanuhan kang gawan ng masama, ipa gang rape, may kasama ka pang bata, nasan ang mga kaluluwa nila."
Namumula ang mukang Wika ni Xavier.
"Kaya kung talagang Matatapang Sila, Pwes subukan natin kung san hahantong yang pag babanta nila sayo." Nagpupuyos parin sa galit na wika ni Xavier