Habang kausap ni Xavier ang Iba nyang mga kakilala, Kami naman ni Ellery ang magka usap, Secretary pala sya ni Kuya Xandreb, Mabait naman sya at may Itsura din, halos magkalapit lang ang edad namin, palagay ko ay magiging magkaibigan kaming dalawa.
"Gano kana katagal sa Cromwell Ellery? Tanong ko sa kanya.
"Ahm 1 year na ako sa kanila Ms.Eris assistant ako dati, pero nang Si Sir Xandreb na po ang naupo kinuha na po akong Secretary ni Mam Xena para kay sir Xandreb," wika nito na nakangiti.
"Ganon ba, mabait naman atang boss si Kuya hehe" wika ko.
"Okay naman po, Palagi nya nga po kayong knukwento, wika nito na parang medyo nanamlay.
"Huh? Ako? Bakit daw? Maang kong tanong.
"Palagi nya lang po kayong Binibida, maganda daw po kayo, Maalaga,nasa inyo daw po yung katangian ng babaeng Gugustuhin nyang mapang asawa." Wika ni Ellery sa akin nakangiti sya ngunit dama ko na parang may lungkot sa mga mata nya.
"Ganon ba,naku wala yun nagbibiro lang yun si Kuya,mabiro pa naman yun, inaasar lang din non si xavier minsan hehe" wika ko na lamang, at doon ko sya nakitang tila nabuhayan,
"Si Sir Xavier naman ang mahal mo diba Ms.Eris? Tanong nya na nakangiti.
"Oo Ellery, Si Xavier, tanging si xav lang. "wika ko at mas lalo naman lumiwanag ang ngiti ni Ellery.
"Ellery, umamin ka nga sakin, satin lang to, type mo ba si kuya Xandreb? tanong ko sa kanya.
"Ah..eh..naku mam hi..hindi po." Wika nya.
"Weh..talaga bat nauutal ka hehe aminin mo na tayo lang naman dalawa.
"Promise po di nyo sasabihin? Tanong pa nito.
"Promise, Satin lang dalawa. Wika ko.
"Ahmm..opo crush ko si Sir Xandreb"pagkasabi nya nito ay namula ang kanyang pisngi.
"Ayiee..sabi na nga ba eh...Ayiiee.."wika ko pa.
"Mam satin lang basta ha,"wika pa nito.
"Oo promise" saad ko pa sa kanya
Nagtatawanan kami ni Ellery nang biglang lumapit si Tita Xena, Tito vernon, Xav at Kuya Xandreb.
"Oh Girls, mukang masaya ang pinag uusapan nyo ah, wika ni Tita Xena,
"Hehe opo tita nagkwekwnetuhan lang po kami tungkol sa mga unforgetable moments namin.palusot ko.
lalo namang namula si Ellery nang umupo sa Kalapit nya si Kuya si Xandreb at Si Xavier naman ay lumapit sa akin at niyakap ako. Medyo naiilang ako dahil nasa harap kami nila tita xena,
Nakita ko naman ang pagtingin sa akin ni kuya Xandreb at ng tiningnan ko ito ay nag iwas ito ng Tingin,
Patuloy lang si Xavier sa Pagyakap at paglalambing sa akin kahit nasa harap kami ng family nya, medyo nakainom na ito, pero di naman ito lasing.
Nakatingin parin si Kuya.
Maya maya ay Bigla na lamang ito nag walk out ng Di namin alam.
Tumingin ako kay Ellery, at tila nabasa nya ang nasa isip ko kaya agad syang nagpa alam pero di nya sinabi na susundan nya ito.
"Ahm mam Xena maglalakad lakad po muna ako, Ms.Eris dun muna ako.' wika pa nito
"Sige hija., Enjoy lang, wag mo na pansinin yang amo mo, alam mo na may sarili yung mundo hehe" wika naman ni tita xena
At ako naman ay tinanguan lamang si ellery.
Samantala kami naman ay nagpaalam na din ni Xavier,
Hindi ko na pinagdrive Si Xav, Sinabi ko sa kanyang Si Kuya Dario na lamang ang mag drive para sa amin at di na naman sya tumutol.
Mabilis lamang kaming nakarating sa condo dahil wala ng traffic.
Dahil Gabi na ay Inaya kong sa condo na lamang matulog si Ate Hilda,pumayag naman ito doon sya natulog katabi si Aeolus, kayat ang ending sinabihan ako ni Xav na dun na ako sa kwarto nya matulog,
Sana lang walang gawing kalokohan ang isang ito dahil baka bimigay na naman ako,
Nang nasa kwarto na ako ay balak kong magshower muna saka magpalit ng pantulog, isasara ko na ang pinto ng pigilan ako ni Xavier.
"Can i join love? Sabay na tayo wika nito na may pilyong ngiti.
"Ok love, ligo lang huh,..saad ko naman.
"Yes love ligo lang saka, alam mo na nabitin ako sa ginawa natin..hehhe"dagdag nito.
"Hmm.ikaw talaga..
"Joke lang love, ligo lang talaga wika naman nito.
Nakalublob kami sa bath thub pareho ang sarap sa pakiramdam nakaka relax ang maligamgam na tubig.sumunod naman si Xav, nakayakap lamang sya sa akin kahit na ramdam na ramdam ko ang kanyang sundalo ng handang handa ay alam kong nagpipigil lamang ito.
Matapos kong maligo ay pinauna na ako nito sa kwarto upang magbihis sya naman ay nagpaiwan, alam ko na ang gagawin nya.
Nagbihis naman ako ng pantulog at naglagay ng mga night cream sa aking mukha at magpapatuyo na ng aking buhok ng lumabas si Xavier na nakatapis lang ng Tuwalya, Dumiresto sa akin si Xavier at inagaw ang blower na hawak ko, akala ko gagamitin nya ito nagulat ako ng simulan nya akong i blower.
"Hala love ako na, kya ko naman" wika ko sa kanya,
"No love its okay, just sit and let me do," Wika nya at itinuloy ang pagblo blower sa aking buhok.
Halos antukin naman ako dahil pakiramdam ko ay namamasahe ang aking ulo,
Nang medyo tuyo na ay pinatigil ko na sya. Lumapit naman sya sa harapan ko, wala parin syang pangtaas at tanging tuwalya lang ang nakabalot sa kanya, nagulat ako ng hawakan nya ang binti ko at masahihin ito ng marahan ngunit masarap s pakiramdam.
"Masarap ba love? Naisip ko baka nangalay ka dahil ilang oras ka nagsuot ng mataas na heels, kaya mina massage kita, wika nya na nakangiti sa akin.
"Salamat love,wika ko naman. Nakasandal na ako sa upuan dahil gustong gusto ko ang masahe na ginagawa nya.Matapos nya akong masahihin sa binti ay umakyat na ako sa kama namin, sya naman ay nagsuot na ng Boxer short ngunit nananatiling walang pang taas. Kinuha ko ang comforter at ikinumot sa aking katawan, maya maya ay naramdaman ko rin ang paghiga nya sa aking tabi, Sumalo rin sya sa comforter na gamit ko.
"Goodnight Love, I love you..Wika nya.
"I love you too love"wika ko naman, pinili ko nang tumahimik at pinikit ang aking mata, mahirap na baka mamaya Biglang maisipan ng isang ito na gumawa na naman ng milagro, mahirap na..Mabutivna lamang at bagsak kami pareho nakatulog kami agad.
Kinabukasan pag gising ko ay wala na si Xavier sa aking tabi, sabado naman ngayon at walang pasok pero bat kaya ang aga nya gumising, lumabas ako ng kwarto, nakita ko si aeolus sa sala at naglalaro si Xav naman ay nasa may Veranda may kausap ito sa phone,
"Talaga nasa 80% na Mr.Adriano?
Good good, Baka next week nalang po ako bumisita dyan.
Okay alam ko naman na maganda talaga kayo gumawa..hehe dapat lang importanteng tao ang paghahandugan ko nyan.Oh Sige Mr.adriano, bye see you nextweek. Wika ni Xavier saka binaba ang phone, medyo nagulat pa ito ng makita nya ako papalapit sa veranda.
"Goodmorning love bati nito sa akin saka ako hinalikan,
"Good morning din love" bati ko rin sa kanya.
"Sinong Kausap mo love? tanong ko sa kanya.
"Ah si Mr.Adriano regardung Business, saad naman nito sa akin habang inaakay ako papasok sa loob.
Nadatnan namin si Aeolus na naglalaro sa may carpet.
Ngiting ngiti naman ito sa akin labas ng halos completo nya nang mga ngipin.
"Hello baby,ang bait naman nag ple play na mag isa, wika ko dito.
"Love, Gusto mo ba gumawa na tayo ng Kalaro ni Aeolus, para hindi na sya nag iisa wika ni Xavier sa seryosong itsura..
Natawa naman ako kaya napatingin ito sa akin at tumawa din.
"Hehe bakit Love Im serious,
"Hahaa..wala love, natatawa lang ako.
"Hmmm.tinatawanan mo ako love ha..Pag ikaw napunlaan ko nako tangal yang angas mo tawa ka pa dyan." Wika pa nito na lumapit at yumakap sa akin.
"Bakit love..gusto mo naba magkaanak, Bata pa ako, wika ko.
"Ikaw bata pa,pero ako patanda na, kaya ko naman kayong buhayin eh, wika nito.
"Alam ko naman yun love, siguro sa tamang panahon, wika ko dito.
Pero love what if...What if hindi kita mabigyan ng anak? Mamahalin mo parin ba ako? Tanong ko sa kanya.
"Oo naman, bakit naman hindi, mahal na kita kahit wala pa tayong anak, kaya walang kaso kung di mo ako mabibigyan pero syempre mas masaya kung meron tayong little eris at little xav. Wika naman nito
"Little Eris and Little Xav hehe..ano kayang itsura nila no? Tanong ko rito.
"Gusto mo malaman? Halika Gawa tayo tara..." Wika ni Xavier sabay hila sa akin papuntang kwarto.
"Woy..love loko ka.." wika ko dito.
"Joke lang haha syempre gagawin ko yun kapag gusto mo na rin. Hindi naman pwede na ako lang ang may gusto, gusto ko pareho tayo Wika nito sa akin.
"Hahaa Mabuti naman kung ganon love, "Saad ko naman dito.
"Tara na love breakfast na tayo baka san pa mapunta yung pinag uusapan natin eh hehe.
"Okay love lets go to the dining room.
Aeolus come to daddy Kuya lets eat baby" wika nito kay Aeolus at binuhat ito.
Abala kami sa pagakain salitan naman kami sa pagsubo kay Aeolus tuwang tuwa naman ang bata.
"Ang bigboy na nang baby na yan,I love you Aelous,"wika ko sa kapatid ko na napaka bibo na lalo.
"I love you Too mommy ate, wika naman ni Xavier na kunwari si Baby ang nagsalita.
Wala din akong masabi kay Xavier sa pag aasikaso kay Baby napaka hands on nya dito, lalo na siguro pag nag karoon to ng sarili nyang anak, bigla kong naisip yung pinag usapan namin kanina, Pano kung di ko sya mabigyan ng anak balang araw? Natatakot ako dahil medyo nasa lahi namin ang hirap magka anak, Si mom and dad ang tagal din daw bago ako nabuo tapos ang tagal din bago nasundan kaya halos parang anak na yung agwat ng edad namin ng kapatid ko, Si Tita phine ganon din ilang beses nakunan saka nakabuo ng anak.
Kaya di ko maiwasang hindi mag isip, napansin naman yata ni Xav ang biglang pagtahimik ko kung kayat nagtanong ito.
"Love may problema ba? tanong nito sa akin.
"Wala naman love may iniisip lang" sagot ko at ibinalik na ang pansin sa pagkain.
Dahil sabado ngayon ay Sa Bahay lamang kami, balak lamang namin magpahinga at maglinis ng condo,medyo nakakatamad din kasing gumala kayat Susulitin muna namin ang oras na magkakasama kami.