Heaven Venice Geronimo "Hey, Martin," bigla kong tawag nang makita kong pumasok dito sa kwarto ang mas batang kapatid ni Jacob. Hindi niya pa ako nakita at pagkapasok ng pinto ay dederetso siya ng kama. Mabuti na lang at nakalabas na si Laine at hindi na kami nahuli na tinitingnan ang kaninang photo album na narito sa room niya. Kung hindi ko pa nakita ang album na 'yon ay hindi ko malalaman na may isa pa palang kapatid sina Jacob. Pero bigla na lang may naalala si Laine na may utos pala sa kanya kaya hindi na nito nakwento ang nangyari' don sa isang kapatid nila Jacob na ninakaw nang baby pa sila. Rest day ng karamihan pero heto si Martin at kauuwi lang. Nakasuot pa ng business suit at mukhang puyat habang hawak ang isang briefcase. He's so workaholic. Mas masipag pa yata sa Kuy

