Heaven Venice Geronimo “Ate, okay ka lang!?” Halos pasigaw na tanong ko. Kabababa ko lang ng hagdan at halos na patakbo kong nilapitan si Ate Mira na nakahawak sa tiyan niya. Halata sa mukha na nasasaktan siya. Papasok na ako sa opisina. Late na nga akong papasok dahil late din akong nagising. Akala ko pa naman ay makakabawi ako sa trabaho dahil hindi na ako nakapunta kahapon sa office. Pero dahil sa hindi sinasadyang pagkikita namin ni Jacob Lavarias ay hindi na ako pinatulog ng lalaki hanggang sa panaginip ko ay dinalaw ako ng lalaki. Narinig ko na ang tunog ng alarm clock kanina pero hirap pa akong bumangon kaya natulog pa ako. Wala naman kasing kumakatok sa kwarto ko para gisingin ako. Hawak ko ang oras ko bilang CEO kaya alam nilang kapag hindi pa ako gumigising ay magpapa-late ak

