Heaven Venice Geronimo "Ano raw ang kailangang niya?" Singit na tanong ni Ate Mira. "Eh, mam. Ang sabi lang po ay gustong makausap si Ma'am Heaven." Magalang na sagot ng maid namin. Agad akong napalingon sa triplets. Tsk! Hindi pwedeng makita ni Jamaica ang mga bata. Siguradong malalaman nito na pamangkin nito ang triplets. "Tell her to wait kung gusto niya akong makausap. Do'n siya sa labas ng gate maghintay." Sabi ko. Umalis naman ang maid at nagpatuloy ako sa pagkain. Hindi na naman nag-comment pa sina Ate Mira at Kuya Jarred sa akin. May idea naman na sila dahil sa kanila ko na-kwento ang nangyari na nagpunta pa si Jacob sa opisina ko at nagpanggap na maintenance para lang makita at makausap ako. Hindi ko na lang sinabi ang tungkol sa hinalikan ako nito. Sinarili ko na lang din

