Heaven Venice Geronimo "Iwan niyo na kami, mga yaya." Pilit ang ngiting sabi ko sa mga yaya ng triplets na nakahanay sa harap ko habang nakaupo ako sa dulo ng kama. "Opo, Ma'am Heaven... pasensya na po ulit." Sambit ng isang yaya na hindi makatingin ng deretso sa mata ko. Lahat naman sila ay katakot takot na pasensya ang hiningi sa akin kanina pa nang makabalik ako dito sa mansion. Hindi raw nila sinasadya ang nangyari sa mga bata dahil nalingat sila kanina at may pinag-uusapan. Nakuha ko pa rin na sermonan ang mga yaya at pinagsabihan na hindi na pwedeng maulit kung ayaw nilang matanggal sa trabaho. Pinatanggal ko na rin ang anoman pwedeng paglaruan ng triplets dito sa kwarto ko. Lahat ng furnitures na pwedeng paglaruan at hindi safe sa mga bata dito sa loob ay pinalipat ko na lang s

